17

21.1K 472 11
                                    

Her POV

"Oh, okay ka lang ba diyan?" tanong ni Shia sa akin. Nasa cafeteria na kasi kami ngayon kasama ang mga kaibigan ko.

I nodded  "Oo n-naman. I'm good."

"Shia is right, parang natutulala ka diyan kanina pa." sabi naman ni Famcy.

Sa totoo lang kasi ay iniisip ko pa rin si Jethro kasi hindi pa rin siya pumapasok ngayon sa school. Marami na siyang absent, at sinabi ko naman kina manang ang lahat ng nangyari kay Jethro. At nag pangako na sila na raw ang bahala kay Jethro. Hindi rin makapaniwala si Theodore, sa sinabi ko sa kanya at sa ginawa ng kaibigan niya. He was also sorry kasi he didn't even know that Jethro's has been suffering. And he felt guilty after that kasi wala man lang siyang nagawa. And Jethro also warned us not to tell this to his father, kasi alam niyang magagalit lang daw ito kaya minabuti na lang namin na hindi ba sabihin iyon pa sa ama niya.

Absent din ngayon si Theo siguro ay sinasanahan niya si Jethro ngayon, at hindi muna nila ipinaalam kay Lanny ang mga nangyari baka raw kasi sermonan niya lang si Jethro ng buong araw sa ginawa nito.

"Ah, wala 'to no." sagot ko.

Sinundot naman ako bigla ni Kiel sa tagiliran ko. "Sus, baka namimiss mo lang si Lucian eh." sabi naman nito.

Napatingin naman ako sa kanya ngayon. "What? Paanong napunta pa sa usapan natin si Lucian?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Bakit hindi abir? Palagi na nga kayong nag-uusap nun." at binigyan niya pa ako ng mapaglarong ngiti.

Nakatingin lang din sa akin si Eula. Alam kong ayaw niya pa rin akong nakikisama kay Lucian.

Sumunod din si Famcy. "Oo nga may relasyon na ba kayo ni Lucian?" ngisi ni Fam.

Sinagot ko naman siya kaagad. "Wala ah!" totoo naman kasi. Wala talaga, malapit lang talaga kaming magkaibigan ngayon. Kasi madalas niya rin akong kausapin.

"Hindi pa rin ako naniniwala Vera. Sabihin mo nga ang totoo sa amin. Kayo na ba ni Lucian?" pangugulit pa ni Famcy.

I shook my head. "Hindi nga kami."

Napatingin naman sa akin si Shia. "Sigurado ka ba diyan, Vera?" seryosong tanong sa'kin ni Shia.

"Oo nga. Wala kaming relasyon ni Lucian. Pero sa totoo lang kasi hindi naman malabo na magustuhan ko siya. Ang bait niya rin kasi sakin." well sino ba naman kasi ang hindi magkakagusto dun. He's smart, kind at pogi syempre.

Uminom naman naman ng juice si Eula at tumingin ito sa akin. "So, gusto mo na ba siya?" seryoso ito ngayong nakatingin sa akin.

I sighed. "Hindi ko alam. Pero hindi namang malabong magustuhan ko siya eh."

"What?" at nagulat ako kasi biglang tumaas ang boses ni Shia. Napatingin naman kaming lahat sa kanya

My forehead creased. "Ha? Bakit." may nasabi ba akong mali?

Huminga muna ito ng malalim bago nagsalita. "You told me before that won't like him."

"It's up to fate, Shia." at tumawa pa ako.

Nagsalira naman si Eula. "Paano kapag niligawan ka niya? May pag-asa ba siya sayo?" tanong ni Eula sa akin. Alam ko namang ayaw niya kay Lucian, pero kapag nagka gusto nga ako dun sa tao ay wala naman na siyang magagawa dun.

Iniwasan ko na lang ng tingin si Eula. "Tigilan niyo mo na nga yan. Kinikilig lang ako."  pabirong saad ko.

Sinundot ulit ni Kiel ang tagiliran ko. "Ikaw ha! Swerte mo kapag naging boyfriend mo na si Lucian." si Kiel.

Napangiti na lang ako. "Talaga ba?" well, hindi pa naman pumasok sa isip ko na jowain si Lucian. Hanggang admiration lang naman kasi yung tingin ko sa kanya ngayon. I just admired him for being kind, smart and generous pero mukhang malabo naman na magustuhan niya ako. Friendly lang talaga siguro 'yong tao.

Tumayo naman si Shia. "Oh, sorry guys, I have to leave na pala." Shia interrupted us, at mukhang nagmamadali pa ito. She packed her things.

"Ha? Saan ka pupunta?" tanong ni Eula.

Ngumiti naman siya. "May nakalimutan pa kasi akong gagawin. I need to go, guys." at umalis na ito. Pero ang ipinagtataka ko lang ay bakit parang namumula ang mga mata niya. Naiiyak ba siya?

"Anong nangyari dun?" tanong ni Famcy.

I just shrug. "I don't know." sabi ko rin sa kanila she's acting weird.

Pero nagulat ako nang hampasin ako ng pinsan ko. "Aray! Ano ka ba Eula ha!" asik ko dito.

"Paano ba naman kasi ang manhid mo! " sabi niya at tinignan pa ako nito ng masama.

Why? Ano ba ang nagawa ko. "Ha? Manhid? Ako ba?" I asked innocently.

She nodded, "Oo! Ikaw!"

Naguguhan naman ako sa pinagsasabi niya ngayon. "At bakit naman?"

"Hindi mo ba nahahalata?"

"Ang ano ba Eula ha!"

"May gusto ata si Shia kay Lucian!" sa sinabing iyon ni Eula ay nagulat ako. Pati na rin si Famcy.

"Totoo ba 'yan Eula?" tanong ni Fam.

Eula sighee. "Oo! Ano ba naman kayo! Hindi niyo ba nahahalata 'yon? Noong mga nakaraang araw pa yan eh, iba na talaga to guys." sabi naman ni Eula.

Tumikhim naman si Kiel. "Sa tingin ko tama si Eula, nahahalata ko na rin kasi yun pero hindi ko lang sinasabi sa inyo baka kasi mali lang ako." sabi nito.

"Ang lakas naman ng pang-amoy mo." at sa pangalawang beses ay hinampas na naman ako ni Eula.

Naging seryoso naman ang mukha nito sa akin ngayon. "Ano ka ba Vera! Diba sinabi ko naman na sayo na layuan muna Lucian. Pero hindi ka pa rin nakikinig sa 'kin!" at hindi ko na rin mabilang kung ilang beses niya na akong nasermunan tungkol kay Lucian.

I sighed. "Eh, nakikipagkaibigan lang naman kasi yung tao eh."

Napa facepalm naman ito. "Hay nako, Vera. Ewan ko na lang talaga sayo."

"Paano na 'to ngayon? Anong gagawin ko? Kakausapin ko ba si Shia at gagawa ako ng paraan para magkalapit sila ni Lucian?" suggest ko sa kanya.

"Nako, Vera wag muna hindi pa naman tayo sigurado diyan eh." sabi naman ni Kiel.

"Hays, oo nga tama si Kiel. Hindi pa naman umaamin si Shia sa atin, pero sa tingin ko talaga ay may gusto talaga siya kay Lucian eh. Iba na kasi 'yong mga kilos niya." si Eula.

"Ano ka ba, Eula. Baka hindi naman." sabi naman ni Fam.

"Tanungin na lang kaya natin si Shia?" si Kiel.

"Kapag ba tinanong natin sa tingin mo aamin yun?" si Fam.

"Sa tingin ko hindi." at ngumiwi naman si Kiel.

"Diba!"

"Eh, anong gagawin ko ngayon?" tanong ko. Kasi ayaw ko namang masaktan si Shia kapag totoo nga ang sinasabi nila sa akin. Kasi kaibigan ko naman siya.

Eula sighed. "Siguro ngayon, medyo iwasan muna lang siguro ng kunti si Lucian." sabi ni Eula.

"Ganun ba?"

She nodded. "Oo, kung hindi mo magawa para sakin gawin mo para kay Shia." sabi naman ni Eula.

This will be hard for me. Pareho ko silang kaibigan ni Lucian. At kung totoong man na may gusto nga siya kay Lucian ay maiipit lang ako sa kanilang dalawa.

A/N: Thank you for reading.

Jethro's Obsession (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon