36

13.2K 298 5
                                    

Her POV

Lunes na naman ngayon and in 2 weeks finals na namin. Bigla ko namang naalala ang hamon ko kay Charlotte. I need to study more para malamangan ko siya ngayon at para hindi na nya ako i-underestimate pa. I need to prove myself more. At pag-aaral na rin ang inuuna ko ngayon. I need to do this for myself.

Nasa gate na ako ngayon ng school at dalawang araw na rin na panay na chat at tawag sa akin si Jethro pero iniiwasan ko lang iyon. Minsan ay pinapatay ko na lang ang cellphone ko para hindi niya na ako ma contact. At ngayon ay hindi ko alam kung paano ko siya haharapin ngayon.

"Vera!" may biglang tumawag sa likuran ko. Speaking of!

Agad naman akong napapikit. Kapag pinaglalaruan ka pa naman ng tadhana oh! Bakit sa ka-aga aga siya na agad ang makikita ko.

Hindi ko na lang ito nilingon at mas binilisan ko na lang ang paglalakad ko na para bang wala lang akong narinig.

"Vera! Wait!" alam kong si Jethro yun. Pero nagbibingi-bingihan lang ako.

"Vera!" sigaw pa nito.

Nagulat na lang ako nang may biglang humawak na sa braso ko. Kaya napalingon ako. It's really him.

"Finally! Nahabol din kita." sabi niya at parang hinihingal pa ito. Tumakbo siya siguro para mahabol ako.

"J-jethro."

Napatingin naman siya sa akin. "Kanina pa kita tinatawag ah. Hindi mo ba narinig?" and he's still catching his breath.

Umiwas ako ng tingin. "A-ah hindi ko narinig eh." sabi ko dito.

Liar!

"Ganun ba?"

"Oo."

"Okay. Akin na nga pala iyang dala mo. Ako na ang magdadala niyan para sayo." sabi niya.

Ganiyan kasi iyan palagi. Siya iyong nagdadala ng mga gamit ko. Ayaw niya raw kasi akong mahirapan.

I smiled. "No... It's fine, Jethro. I can handle this."

"No. Akin na. Ako na ang magdadala para sayo." he insisted.

I sighed.  This will be hard for me. Lalo na't siya iyong lapit ng lapit sa akin.

"Kaya ko na 'to Jethro." pagmamatigas ko pa.

Kumunot naman ang noo niya. "What's wrong, Vera?" he asked confusedly.

"Wala naman ah."

Biglang humigpit ang pagkahawak niya sa braso ko. "Tell me, Vera. What the hell is wrong with you?!"

Tinignan ko naman siya. "I already told you, Jethro. There's nothing wrong with me kaya bitawan muna ako." at tinignan ang kamay niya sa braso ko.

"I won't let go until you will tell me the truth." seryosong saad nito.

"Nagmamadali lang ako ngayon Jethro. We have a quiz on our first period, right?" sabi ko dito. At mas lalo lang naging seryoso ang mukha niya.

He stared at me. "Then why are you not answering my chats and calls huh."

"I w-was busy." palusot ko.

"Busy?"

I nodded. "Oo. I was only busy. So, please... let go. " at dahan-dahan niya namang binitawan ang braso ko.

TAPOS na rin ang last period namin ngayong umaga. At napahanga naman ako sa sarili ko kasi na perfect ko kanina ang quiz namin. Grabe rin kasi ang review ko kagabi.

Lunch time na rin namin ngayon.

"Saan tayo kakain?" tanong ni Kiel.

"San niyo ba gusto?" sabi ni Eula.

"Kahit saan na lang. Gutom na ako eh." sabi naman ni Famcy.

Nagulat na lang ako ng biglang lumapit dito si Jethro. Hawak niya na ang bag niya ngayon.

"Pwede ba akong sumama sa inyo?" he asked at napatingin siya sa akin.

Napatingin naman sa akin si Eula.

"Oo naman!" bigla namang sagot ni Fam. Kaya napapikit na lang ako.

Why Fam. Why? Because I am really doing my very best para umiwas sa kanya kasi kahit kalahating araw pa lang ay hirap na hirap na akong iwasan siya. At kung sasabay siya sa amin ngayon ay masisira naman yung plano ko.

"Thanks!"

I need to avoid him. "Sorry guys. Hindi pala ako pwede ngayon may pupuntahan pa kasi ako eh." sabi ko. At nagmamadali pa akong ligpitin ang gamit ko.

"Bakit? Saan ka ba pupunta?" tanong ni Kiel.

"Basta! Kailangan ko lang kasing lumabas ngayon." at tumayo na ako.

"Where are you going, Veranice?" parang gusto ko namang maupo ng marining ko na naman ang malamig na boses na yun.

He's mad.

Tinignan ko naman siya. "It's none of your business." maikling sagot ko sa kanya. Parang nagulat naman siya sa sagot ko.

Kaya I took that opportunity para lumabas ng classroom. Tumakbo na ako para hindi niya na ako mahabol. Kung magpapatuloy pa 'to ay mahihirapan lang akong iwasan siya.

This will be hard for me.

I need to follow the order of Jethro's father kasi kung hindi ay mapapahamak lang ang pamilya ko. Lalo na si papa... I can't afford to lose him. Lalo na't siya na lang ang natitira sa akin.

Habang nasa naman hallway ako ay bigla ko namang nakasalubong sina Charlotte at Lucian at magkasama silang dalawa ngayon.

"Hey Vera!" agad na bati sa akin ni Lucian. Halatang masaya itong makita ako.

Charlotte just rolled her eyes on me.

"Hey." bati ko.

"Tapos kana bang mag lunch?" he asked me.

"Ah, hindi pa eh."

"Ganun ba? Tara sabay ka na lang samin. Kakain pa lang kami ng tanghalian." at nginitian niya ako.

Tinignan naman siya ng masana ni Charlotte. "Bakit mo siya aayain Lucian? Ayoko ngang makasana ang babae na iyan." si Charlotte.

"Tumigil ka nga diyan, Charlotte."

Mas lalong nagalit si Charlotte. "Ano ka ba Lucian! Pati ba naman ikaw?"

Lucian just sighed. "That's enough. Okay?" saway ni Lucian kaya nginitian ko lang si Charlotte.

"What are you smiling at? You look creepy!"

"Finals are coming right?" I asked.

"Oh! I almost forgot! May usapan pala tayong dalawa!" and she smirked.

"Ipapa-alala ko lang sayo baka kasi nakalimutan mo na eh." I need to be confident and to believe in myself.

She laughed. "Don't worry! I won't forget. And I can't wait to win."  she said with full of confidence.

For the past few months I really did my best. Ginawa ko lahat para makahabol sa klase at mag review ng mag review.

Therefore... I want to be confident. "Let's see." at nginitian siya. Tinignan ko naman si Lucian. "Sige na... Lucian. Sorry but I can't come with you today."

"Are you sure na hindi ka sasabay sa amin?"

"I'm sure!" at nginitian ko siya at iniwan ko na sila dun.

Paano na ako nito ngayon? Wala na akong kasabay mag lunch ngayon.

Jethro's Obsession (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon