15

22.1K 515 43
                                    

Her POV

Napatayo naman si papa sa hapag kainan ng makita ako nitong pumasok sa kusina. "Oh, nandito kana pala."

Ngumiti lang ako. "Okay ka lang ba anak?" tanong ni papa sa akin. Napaiwas naman ako ng tingin kasi baka mahalata niya na na medyo namamaga 'yong mga mata ko sa kakaiyak kagabi nang dahil sa mga sinabi sa akin ni Jethro.

I nodded. "Opo naman papa. I'm fine."

Nadatnan ko rin si Eula sa hapag kainan namin. Dito na rin kasi 'yang kumakain ng almusal.

"Good morning!" bati sa akin ni Eula habang kumakain.

"Morning."

"Bakit nga pala ginabi ka ng uwi kagabi?" tanong ni papa.

Napatingin naman si Eula kay papa. "Nako, tito baka may ka date na naman 'yan na bago." sabi ni Eula habang kumakain.

"Tumahimik ka nga diyan, Eula!" suway ko sa kanya.

Tinignan naman ako ni papa. "Totoo ba 'yon Vera?"

I sighed. "Nako, papa hindi iyon totoo. Huwag kayong makinig diyan kay Eula. Gumawa pa kasi kami ng report kahapon kaya nagabihan po akong umuwi." at bigla ko namang naisip si Jethro. Baka masama pa rin ang pakiramdam niya ngayon.

Kahit sinabihan naman ako nun nang stupid ay hindi ko pa rin maiwasang mag-alala sa kanya.

Kamusta na kaya 'yon? Ininom niya ba ang gamot kahapon?

"Sigurado ka ba anak?" at tumawa naman si papa.

"Sigurado po ako, pa."

Ngumiti naman ito. "Mabuti naman, oh siya kumain ka pa ng marami Eula. At ikaw naman Vera kumain kana rin ng almusal." alok sa akin ni papa.

"Okay na po ako tito, busog na po ako." sabi ni Eula at uminom na ito ng tubig.

"Sa school na lang po ako kakain ng breakfast. Baka mahuli pa kasi kami sa klase."

Napatingin naman si papa sa orasan.  "Ganun ba? Aalis na ba kayo?"

Tumayo naman si Eula. "Opo tito, papasok na po kami ni Vera sa school."

"Teka lang baon niyo pala oh." at may  dinukot ito sa bulsa niya. Kinuha niya iyong pitaka niya. "Eto oh, paghatian niyo na ni Eula 'yan." at binigyan niya ako ng pera.

"Salamat pa! Kaya mahal ka namin eh!"

Napatalon talon naman si Eula. "Thank you, tito! You're the best!"

Napangiti naman si papa. "Kayo talaga. O' siya umalis na kayo baka ma late pa kayong dalawa."

"Sige po, pa. Aalis na po kami ni Eula."  pagpapaalam ko.

"Sige mag-ingat kayo ha. Kapag may nantrip sa inyong dalawa sa school tawagan niyo lang ako ha! Pupuntahan ko kayo kaagad."

Napatawa naman kami ni Eula. Kasi mula noon wala masyadong nang-aaway sa amin o nang b-bully sa amin ni Eula sa school kasi alam nilang pulis ang papa ko.

Tumango naman si Eula. "Opo, tito. Tatawagan po kita kaagad kapag may nantrip sa amin."

Niyakap ko muna si papa. "Sige pa, aalis na po kami."

"Sige anak. Mag ingat kayo ni Eula ha." at lumabas na kami ng bahay ni Eula.

Habang nagbabantay na kami ni Eula ng tricycle ay napatingin naman ito sa akin.

At sinusuri pa nito ang pagmumukha ko. "Okay ka lang ba?" tanong niya.

"Oo naman, ba't mo naman natanong 'yan?"

Jethro's Obsession (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon