28

16.4K 442 9
                                    

Her POV

"Yan na nga ba ang sinasabi ko eh!" sermon sa akin ni Eula. Nandito na kami ngayon sa classroom. Maaga pa naman kaya wala pa iyong prof namin ngayon.

Lumapit naman si Kiel sa amin. "Ano bang nangyari ha?" tanong nito.

"Oo nga." si Shia.

Eula is frustrated right now. "Paano ba naman kasi. Sinugod siya roon kanina ni Charlotte, kaya nag-away silang dalawa ni Vera." paliwanag nito.

Nagulat naman sila sa sinabi ni Eula. "Ano? Si Charlotte?!" sigaw ni Fam.

"Oo." sagot ni Eula.

"Ano bang ginawa sayo ng babaeng iyon?" si Kiel. Halatang concerned ito sa akin.

I sighed. "Wala...wala naman.'' ayokong lumaki pa itong gulong ito.

Tumaas naman ang kilay ng pinsan ko. "Anong wala?! Eh ipinahiya ka niya kanina doon eh!" galit na saad ni Eula.

"Ano bang ginawa niya sayo?" tanong ni Shia.

I took a deep breath. "She told me na inaagaw ko raw si Jethro mula sa kanya."

"Mang-aagaw? Sa ganda mong 'yan!" sabi naman ni Kiel. Kaya napangiti naman ako kahit papano.

"Hindi ko naman talaga inagaw yun eh! Si Jethro mismo ang lapit ng lapit sa akin. Kaya wala akong inaagaw sa kanya no!" paliwanag ko.

Eula sighed. "Nakikita muna ba, Vera? Iyan ang napapala mo ngayon kasi hindi ka nakikinig sa akin." sermon pa niya. Alam kong hanggang ngayon ay gusto niya pa ring layuan ko si Jethro.

I shrug. "I can't just easily avoid him, Eula. I can't avoid Jethro."

"At the first place naman kasi Vera kung nakinig ka lang sana sa akin ay hindi na aabot pa sa ganito."

Napatayo naman si Kiel at hinawakan si Eula. "Kumalma ka lang, Eula. Alam naman natin na delikado si Jethro pero nakikita ko na kapag kasama niya si Vera ay nagiging ibang tao ito. He's different towards her." sabi niya.

I don't know what does he mean about that.

Kinuha naman ni Famcy ang cellphone niya. "Kiel is right. Siguro inaway ka ni Charlotte dahil dito? Tungkol ba ito sa latest post niya sa instagram?" mapang husgang tanong ni Fam sa akin. Pareho silang picture na ipinakita ni Charlotte kanina.

"Oo nga! Bakit ka pinost ni Jethro? Tapos ikaw lang ang nag-iisang tao sa following niya." si Eula

Umiwas naman ako ng tingin. "Hindi ko a-alam." hindi naman talaga.

Hinawakan naman ako ni Eula. "Sumagot ka sa amin ng totoo, Vera."

"Oo nga, Vera. Umamin ka na sa amin. Ano ba talaga ang meron sa inyo ni Jethro?" sabi ni Shia.

Mukhang wala naman akong takas sa kanila ngayon. Sasabihin ko na lang ang totoo sa kanila. "Ang totoo kasi niyan.... nung umalis kami ng sabado... ano kasi.. ano." Paano ko ba 'to ipapaliwanag sa kanilang lahat.

"Anong ano ha?" tanong ni Shia.

"Puro ka ano eh!" pagmamaktol ni Kiel.

I sighed. "Ano k-kasi..."

"Ano nga!" naiinis na si Eula.

Napabuntong hininga na lang ulit ako at sinabi na lang sa kanilang lahat ang totoo. "He said, that he's going to court me!" I said. At nagulat naman silang lahat sa sinabi kong iyon. Si Eula naman ay napahawak pa sa bibig nya.

"Ano?!'' sigaw ni Eula.

"Manliligaw daw siya." sabi ko pa.

"Pumayag ka naman?!"

Jethro's Obsession (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon