13

20.9K 514 12
                                    

Her POV

Nandito na ako ngayon sa labas ng bahay ni na Jethro at nag-aalinlangan na ako ngayon. Papasok ba ako o hindi?

Ang laki naman kasi ng bahay nila. Nagkikita-kita pa ba kaya ang mga tao dito sa loob?

Bigla naman akong natauhan ng may lumabas na isang guard sa gate nila. Napatingin naman ito sa akin.

Lumapit naman ako sa kanya. "Mukhang kanina pa po kayo diyan, Ma'am. Sino po ba ang hanap niyo?" tanong nito sa akin. Kanina pa nga ako dito, baka mamaya nito ay mapagkamalan pa akong magnanakaw.

Napakamot naman ako ng ulo ko. "A-ah ano po kasi manong... k-kaibigan po a-ako ni Jethro." at pilit na ngumiti.

Kumunot naman ang noo nito "Kaibigan ka ni sir Jethro, Ma'am? Sina Lanny at Theo lang naman ang kilala naming kaibigan ni Sir,kaya sino po kayo, Ma'am?" at biglang kumunot yung noo niya.

So, wala talagang ibang kaibigan ang lalaking 'yon. At hindi ko naman alam kung ano ang mararamdaman ko.

Sasabihin ko na lang ang totoo kay manong. "Actually manong... hindi naman po talaga kasi niya ako kaibigan... kaklase niya po ako, Manong."

Tumango naman siya sa akin. "Ganun po ba? Bakit po kayo naparito? Ano po ba ang kailangan niyo kay sir Jethro?" tanong nito.

"Kasi manong gusto ko lang po sanang ipatingin yung report na ginawa namin kanina sa kanya baka kasi may mali pa sa presentation namin, at absent din po kasi siya kanina kaya hindi niya pa nakikita. Baka po kasi may dapat pa na eh revise." explain ko kay manong guard.

Napaisip naman si manong guard. "Ganun ba?"

"Opo."

"Sige, ineng pwede ka ng pumasok." at pinapasok niya na nga ako sa loob.

Kaya sumunod naman ako sa kanya. "Hali ka, sumunod ka lang sa akin." at naglakad na kami papunta sa loob ng bahay nila Jethro. Nang makapasok kami ay sinalubong agad kami ng dalawang kasambahay.

Napatingin naman silang dalawa sa akin. "Sino siya Weng?" tanong nung mukhang mas matanda sa kanilang lahat

"Kaklase daw ni sir Jethro." at tinuro pa ako ni manong guard.

"Ganun ba?"

"Ah, ako nga po pala si Veranice." pagpapakilala ko sa kanila at nginitian sila.

Binati rin nila ako. "Ganun ba? Ako naman si Jean. Pero mas okay sa akin pagtatawagin mo akong Manang Jean." at tinignan ako ng mabusisi ni Manang Jean.

"At ako naman si Selly." at nginitian ako ng isang kasambahay nila Jethro.

"Ah, ako nga rin pala si Weng." sabi ng guard kanina.

"Nice to meet you all po. Kakalse po ako ni Jethro, may kailangan lang po sana ako sa kanya, na saan po si Jethro?" kailangan ko na rin kasing magmadali baka hanapin pa ako ni Papa sa bahay.

"Nasa taas siya ngayon, malamang ay nasa kwarto niya pa rin, ano nga pala ulit ang kailangan mo kay Jethro, Iha?" tanong naman ni Manang Jean.

"Ah, may ipapatingin lang po ako sa kanya, tungkol lang po sana sa report namin bukas. Same group po kasi kami manang ni Jethro."

Tumango naman si manang. "Ay, ganun ba? Sige sasamahan na lang kita papunta sa kwarto niya." alok nito.

"Sige po, Manang."

Tumingin naman ito kina manong guard  "Oh, siya. Weng at Selly magsibalik na kayo sa trabaho." sabi sa kanila ni manang.

"Sige, Manang " at nagsialis na rin silang dalawa

Jethro's Obsession (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon