8

356 73 19
                                    

REIN


Hanggang matapos yung klase e hindi ako pinansin ni Grey. Dinibdib niya yata, Napaka harsh ko naman kase alam ko namang nambibuwisit lang yun.

So ayun nga uwian na at Inaayos ko nalang yung gamit ko para makapunta na sa kompanyang pagtatrabauhan ko. Hindi na ako uuwi dahil nagdala na naman ako ng damit . Isang black blazer at skirt lamang ang dala ko na hiniram kopa kay Raiza gusto pa nga niya pambili niya nalang ako ng bago sabi ko nakakahiya tsaka may pera naman ako bibili nalang ako next time. Gagamitin ko na lamang yung sandals na ginagamit ko ring pangpasok. May heels din naman yun.

Habang naglalakad sa hallway e may kumalabit saakin. Pagharap ko si Grey pala, akala koba galit saakin 'to?

"Bakit?" tanong ko

"Saan ka pupunta?" tanong niya ngunit hindi nakatingin saakin.

"Sa canteen kakain muna ako".

"Samahan mo ako" utos nito.

"Huh?. E kakain na ako e hinihintay na ako dun ni Raiza" angal kopa pero hinila niya na ako at nagmamadaling maglakad.

"Teka nga, Uy! ano ba?" pagpupumiglas ko pero dahil mas malakas siya e sumuko nalang ako.

Ilang sandali pa e nasa parking lot na kami at huminto kami sa harap ng kotse niya. Sumakay ito sa driver's seat at ako naman naiwang nakatayo dun sa harap ng kotse noya. Ano 'to? Hinila-hila ako tapos iiwan lang naman pala ako.

Ilang sandali pa akong nakatayo dun nang bigla siyang dumungaw sa bintana

"Ano?. tatayo ka nalang diyan?" sabi niya
"Pumasok kana" ah kaya pala haha shunga ko talaga. Akala mo naman pagbubuksan ka. sabi ko sa isip ko.

Binuksan kona yung pintuan sa likod pero hindi pa man ako nakakaupo.

"Dito ka sa harap, gagawin mopa akong driver mo" reklamo niya kaya naman sinara kona yung pintuan at pumasok na sa front seat pero ilang segundo na hindi parin niya pinapaandar kaya naman tinanong kona.

"Hindi pa tayo aalis?"

Ngunit hindi siya sumagot instead linapit niya yung mukha niya as in sobrang lapit parang konti nalang magdidikit na yung mga ilong namin nagkatinginan pa kami sa mata at hindi ko alam pero parang may mga paru-paro sa tiyan ko. Anong ibig sabihin nun?. Kaya naman dali-dali ko na siyang tinulak baka saan pa yun mapunta e.

"Anong gagawin mo?" tanong ko sakanya.

"Ilalagay kolang yung seatbelt mo".

"Huh?" pang-uulit ko

"Yung seatbelt mo" sabay turo sa gilid ko at lumapit ulit siya sakin kaya naman tinulak kona agad siya.

"Ako na, marunong ako nakalimutan kolang" sabi ko at kinabit na yung seatbelt.

Pinaandar niya na yung sasakyan ako naman tinext si Raiza na umalis na ako malamang magtatampo nanaman yun, hindi kona nga siyang di nakaka-bonding tapos iiwan ko nanaman siya bibilhan ko nalang siguro siya ng Kylie Make up Set pag nagka-pera ako para naman pambawi.

Matagal na katahimikan yung namayani kaya naman ako na unang nagsalita.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko pero yung abnormal hindi man lang nagsalita kahit isang word.

"Hoy" yugyog ko sa isang braso niyang nakahawak lang dun sa bulsa niya.

"Aray, bakit ba?" reklamo niya.

"Sabi ko saan tayo pupunta".

"Kakain" iritado niyang sagot

"Uhh! okay" sabi ko at nanahimik nalang

It Started with a Kiss [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon