38

192 10 0
                                    

A/N: Expect typo's and wrong grammars

~~•~~

REIN

"What the- Don't cling your hands on me" inis na tinanggal ni Grey ang braso nang babae sa braso niya.

Diko maikakailang naiinis ako o tamang sabihin na nagseselos. Hindi ko alam kung ano ang ire-react ko. Ayaw ko ngang mag-eskandalo. Hindi para sa'kin ang araw na ito.

Kung sana hindi kami nasa ganitong lugar ay sinabunutan kona ang babaeng 'to. Halikan ba naman si Grey sa harapan ko. Sa mga sandaling 'yon ay parang may punyal na isinaksak sa puso ko pero nang tingnan ako ni Grey na may mapagkumbabang tingin ay biglang nawala 'yon. May tiwala ako sa'kanya, malamang may paliwanag siya tungkol dito.

"What happen Grey?. Don't you miss me?" malanding tono nang babae.

Medyo tinulak ni Grey ang babae at inilapit niya ako sa'kanya.

"Ano 'to Grey?" tanong ko sakanya. Napatingin ang babae sa akin at tinaasan ako nang kilay. Ang paningin ko ay naka'y Grey lamang habang nakakunot ang noo. Hinihintay ang sasabihin niya.

Akmang ibubuka niya ang bibig niya pero naunahan siya nang babaeng haliparot.

"Who is this bitch, Grey?" tanong nang babae. Biglang nilukob nang matinding galit ang kalooban ko. Tinawag niya akong bitch. Iniinis talaga ako nang babaeng 'to. Kanina pa siya.

Nanlilisik na matang lalapitan ko sana ang babae pero pinigilan ako ni Grey. Hinila niya ako sa likod niya at siya ang humarap sa babae.

"Don't call her a bitch. Hindi siya ang bitch dito kundi ikaw. I don't want to be mad but you push my limits you even kiss me in front of the girl I love." dire-diretsyong sabi niya sa babae. Nanlilisik ang mga mata. Hinawakan ko siya sa kamay para pakalmahin.

Sinulyapan niya ako and he mouthed 'sorry'. Pagkatapos ay hinarap niya ulit ang babae. Ni walang nakakapansin na may tensyon na palang nagaganap dito. Masyadong busy ang lahat nang tao sa kanilang mga ka-kwentuhan.

"What?. This girl beside you is the girl you love?" aniya habang nakakunot-noong nakaturo sa'kin. Inirapan ko siya "Oh come on you're kidding right." aniya. Tumatawa pa ito na akala mong may nakakatawa talaga. Nang mapansing walang nakikitawa ay tinigilan niya din.

"I'm not kidding. Maniwala ka man o hindi wala akong pake. We're going Shiela" aniya at hinila na ako. Pero bago pa makalayo ay nagsalita pa ang babae.

"What the hell. I'm not Shiela I am Stella bastard" aniya. Inirapan ko nga siya at binelatan. Bagay sayo bwisit ka!.

Tumigil kami ni Grey sa paglakad. Hindi ko siya matingnan.

"Hey" tawag niya sakin. Hindi ko siya pinansin. Hinahanap nang paningin ko kung nasan na sina Raiza kanina lang ay nandito ang mga 'yon ngayon wala na. Saan kaya napunta ang mga 'yon.

"Hey! Rein look at me" aniya pa. Hindi ko pa rin siya tinitingnan. Anong akala niya sakin. Easy to get. Bahala siya bwiset!. Ba't ba kase habulin siya nang babae?.

"Look hindi ko alam kung bakit bigla nalang nanghalik ang babaeng 'yon. Come on don't be mad at me please!. Look at me please". yumuko ako at umiling.

"Look at me Please!" umiling pa ako nang isang beses. Bigla niya nalang inangat ang baba ko dahilan para magtama ang paningin namin. Nangingilid ang mga luha ko.

Ba't ba kase nasaksihan kopa yung paghalik sa'kanya nang ibang babae. Bakit ba kase sa harap kopa?. Ba't ba kase ang sakit lang?. Pinipilit kong maging positive dahil alam kong ako yung mahal niya. Nasaksihan kopa nga kung pano niya awayin yung babaeng 'yon sa harap pero diko pa rin maiwasan ang masaktan.

It Started with a Kiss [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon