16

294 35 12
                                    

A/N: Expect typo's and wrong grammars

•••••

Third Person's POV

[Make sure that you will do your job clean] sagot niya sa kabilang linya.

"Of course Sir, trust me" sagot ko naman

[Of course,  I trust you. Just do your work properly. Nang matapos na lahat nang ito. Tandaan mo napatumba na natin yung dalawa at nag-iisa nalang ang natitira. Madali nalang 'yan si Grey, nagmamatapang lang yan. Pag nawala na rin ang isang 'yan, sa akin na lahat mapupunta ang lahat. Yayaman na ako at sisiguraduhin kong yayaman pa ako] mahabang litanya nito at tumawa pa nang tumawa

"Lahat nang trabaho ko ay malinis"

[Of course you are. Pinapaalala ko lang sayo Taruc, wag na wag mo akong kakalabanin. Masama akong kalaban] at tuluyan nang pinatay ang tawag

Isang makapangyarihang tao ang ka-transaksyon ko ngayon kumpara saakin na utusan lang para magkapera.

Pero kahit ganoon. Hindi pa rin halang ang bituka ko. Hindi ko sila pinapatay, oo binubugbog sila hanggang sa manghina pero di umaabot sa mawawalan na nang buhay

Ngayon ang trabaho ko ay dispatsahin ang Grey na batang 'yon, bago pa maatas ang trabahong 'yon sa akin. Kinilala kona ang batang 'yon at sinubaybayan. Mabait ang batang 'yon at wala nang kasama sa buhay. Hindi ko kayang saktan ang mga ganon. Kadalasan lang sa mga inuutos saakin ay yung mga may utang na hindi nababayad o kaya ay mga manloloko

Ganoon lamang ang mga trinatrabaho ko. Pag inosente tinatanggihan ko pero hindi ang batang Grey na 'yon malaki ang bayad sakanya nang amo ko

Nagpatibay pa nang desisyon ko na hindi siya saktan ay dahil

Gusto niya ang anak ko.......

•••••*••••••

REIN'S POV

"What?" -Mia

"Ohmygod!" si Raiza na nakatakip pa yung kamay sa bibig

"What the heck!" si Franz na halatang naguguluhan

"Shit!!" -Iya

Kanya-kanya nilang reaksyon. Ikaw ba naman malaman na kakabreak lang nang kaibigan mo sa 4 years boyfriend niya tapos may nagugustuhan na agad nang iba.

Nagmumukha akong flirt!.

"Ano, pano?" tanong agad ni Franz

"Ayaw kong ikwento" sabi ko sakanila tapos yumuko nalang.

"Anong hindi, kaibigan mo kami kaya karapatan din naming malaman" si Iya

"Baka anong sabihin niyo sakin e"

"Malamang, may masasabi kami pero sa huli kung saan ke edi dun din kami. Girl bestfriend nga tayo diba. Kaya magkwento kana" -si Franz. Kahit kailan talaga may nasasabi 'to e

Tumango lang ako sakanila at huminga nang malalim bago magsalita.

"We broke up last week. And kahapon lang may kasama siyang babae sa mall at pinakilala niya saamin bilang girlfriend niya. And looking at them mukhang masaya talaga sila at yung pangalan nung babae. Ilang beses ko nang narinig yun galing kay Grey. Mukhang matagal niya nang kakilala at gusto niya din 'yon kahit kami pa" panimula ko

"OMG!" oa na komento ni Iya

"Wait, wait teka!" agaw ni Franz sa atensiyon namin "Balik tayo, What do you mean by 'saamin'. Sinong kasama mo kahapon sa Mall?"

Napairap nalang ako bago sumagot. Napaka-raming napapansin, pero okay na rin 'yon para dire-diretso na yung pagkekwento ko

"Si Grey" sagot ko na nagpalaki nang mata ni Raiza. pero hindi siya nagsalita. Hinihintay yung susunod kong sasabihin

It Started with a Kiss [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon