41

187 8 0
                                    


A/N: Expect typo's and wrong grammars

~~•~~

REIN

Pagka-uwi ko sa bahay ay nagkulong agad ako sa kwarto ko. Dipa rin maalis sa isip ko yung nangyari kanina.

Feeling ko talaga ay sa'akin ang patama nun. Kung hindi lang ako nakaiwas tiyak nasa hospital ako ngayon at kinakabitan nang kung ano-ano. Naalala kong may nag-whistle pa sa'akin tapos katingin ko yung bato na agad yung nakita ko.

May kasalanan ba ako sa lugar na 'yon? Bakit pag nandoon ako ay laging may nangyayaring masama. Ayaw ko na tuloy mapunta sa lugar na 'yon. I swear hindi na ako pupunta doon.

O baka naman, may nagtatangka talaga sa buhay ko. Naalala ko kase bigla yung sulat na natanggap ko nung nasa hospital ako. 'Una palang 'yan Miss Rein'. Yun yung nakasulat dun sa papel e.

Oo nga 'no, Nakasulat pala doon ang pangalan ko kaya siguradong ako nga ang tinutukoy ng sender na 'yon. Imposibleng nagkataon lang 'yon.. Ba't ngayon ko lang naisip 'yon?.

Kinain ng takot at kaba ang sistema ko. Bakit may ganon? Paanong may mga threats na rin sa'akin? Wala naman akong nakakaaway bukod kina Natasha na imposibleng gawin ang mga 'yon.

Bigla kong naalala si Grey, hindi ba may mga nagpapadala rin sa'kanyang death threats?.

Hindi..hindi kaya nadadamay lang ako dahil malapit ako sa'kanya?. Atsaka anong intensyon niya kay Grey?, bakit niya tinatakot to the point na nadadawit na ako.

Kailangan may gawin ako dito. Kailangan kong kausapin si Grey. Natatakot na ako.

Hinanap kung nasaan ang kinaroroonan nang cellphone ko at nakitang nandoon iyon sa lamesa sa tabi nang kama ko. Umiilaw 'yon. Sinilip ko 'yon, mga text galing kay Grey, kanina pa pala siya nagte-text. Tama.

Tinawagan ko siya. Wala mang tatlong ring ay sinagot niya na 'yon.

[Hello] sabi niya.

"He-hello Grey" pinilit ko pang ayusin ngunit nabigo ako.

Ramdam ko ang mainit na likido sa gilid ng mga mata ko. Ewan ko ba kanina lang ay ang tapang-tapang ko, ngayong narinig kolang boses niya ay nanghina ako.

[Hey, what's wrong?]

"Gr-grey nata-natatakot ako"

Diko na napigilan ang hikbi. Ngayon ay tuloy-tuloy nang umaagos yung luha ko. Parang kanina lang ay pinapayuhan ko yung kaibigan ko kase may poblema siya tapos ako pa ngayon yung nagka-problema. Pesteng buhay 'to.

[What?, what's wrong?. Hintayin moko pupuntahan kita diyan]

Di niya na ako hinintay na makapagsalita, binabaan niya na ako agad.

Pagkababa ko nang cellphone ay doon pa lalo bumuhos yung luha ko. Paanong? Parang nung isang araw lang ay ang saya-saya ko tapos ngayon biglang ganito. Parang may mabigat na bagay na binagsak sa'kin. Sobrang sakit sa pakiramdam. Ayaw ko nang ganito, ayaw ko nang may nagbabanta sa buhay ko.

Feeling ko si Grey ang may kasalanan pero ayaw ko siyang pagbintangan. Mahal ko siya. Normal lang naman sa mga negosyante ang mga ganoon hindi ba, kase may mga nakakaaway sila minsang mga kliyente. Pero bakit pati ako nadamay? Ano ba yan? Wala naman silang makukuha sa'kin.

Ayaw ko nang maulit yung aksidente sa'akin kung saan tatlong araw akong natutulog lang at walang ginagawa. Parang hangal ako nun, tapos isang linggo pang hindi nakakagalaw nang maayos. Gusto ko sa buhay ko ay mag-aral at magtrabaho. Ayaw ko nang walang ginagawa.

Kaya sana habang maaga tumigil na yung nagbabanta sa buhay ni Grey o ako. Pwede naman sigurong pakiusapan kung anong problema niya.

Wag lang ganito na, nananakit siya nang kapwa-tao niya. Kaawaan sana siya ng Diyos sa mga pinanggagawa niya.

It Started with a Kiss [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon