14

281 43 11
                                    

A/N: Expect typo's and wrong grammars

__________

REIN

Renz is with another girl.

And worst they laughing together like a happy couple.

Diko alam pero parang piniga yung puso ko sa sakit. Ang bilis naman ata makahanap nang iba? Ano 'to lokohan? Ano nga sabi niya? I love you? Ang kapal nang mukha niya 4 years naging kami tapos isang linggo palang may ipinalit na siya agad saakin. At sino 'tong babaeng 'to?.

Mas lalo pang nadagdagan yung galit ko nang makitang napakaganda nang babae. Mukhang artista. Ano panama ko diyan? Katawang Ivana Alawi pero matangkad tapos kutis porselano nagsusumigaw pa yung salitang 'sosyal'  sa mga gamit niya pagdating sa alahas, damit at kahit sapatos. Kahit na mas maganda pa din ako!.

Nang magtama ang mga tingin namin ni Renz bigla nalang nawala yung mga ngiti sa labi niya. Seriously? nababanas kana bang makita ako?. Kahit yung babae natigilan nang mapansing may kakaibang tensyon samin at sa kasama niya

"Rein and.... Grey" sabi ni Renz na kala mo sino lang kami na kakilala niya. Uhm! well kakilala niya nalang pala ako.

"Yeah" halatang galit siya. Anong ikinagagalit niya? "Who's this girl beside you?" tanong niya at tinuro pa yung magandang babae.

Tumingin muna saakin si Renz bago sumagot "She's Ella" sabi niya. Wait!! Ella, tama ba narinig ko? Siya ba yung laging nababanggit ni Renz "and she's my girl- uhmm friend" na lalong nagpabigat nang nararamdaman ko.

Bakit? Bakit siya sumuko agad? Kala koba mag-uusap pa kami?. Bakit ba kase ako nakipaghiwalay e?.

Ramdam ko yung panunubig nang mga mata ko.

"What do you mean?" tanong ni Grey at tumingin pa sakin, wala akong magawa kundi yumuko para hindi nila makita yung mata ko " a girlFRIEND or a girlfriend?" tanong niya pa.

" Girlfriend, uhmm..Kasintahan" sabi niya nang di ako tinitignan. Edi magsama kayo mga ulowl!

"I thought Rein is you--" bago pa tuluyang  mahulog yung mga luhang pinipigilan ko hinila kona siya papunta sa kotse niya. Ayaw ko na marinig mga susunod niyang sasabihin.

Pagpasok sa kotse e napayuko nalang ako at dun kona inilabas yung sama nang loob ko.

"Sabi mo mag-uusap tayo. Bakit moko iniwan?.Bakit ka naghanap agad nang iba? Huhuhu" bulong ko habang nakayuko parin at iyak nang iyak.

Ang sakit sakit!. Ganito yata yung sinasabi nila na parang dinudurog yung puso mo. Ang sakit sakit.

Apat na taon kami tapos hindi man lang niya ako pinaglaban instead naghanap siya nang iba.

Ilang minuto rin akong nakaganon lang iyak nang iyak hanggang may maramdaman akong kamay na naghihimas sa likod ko. Alam kong si Grey na 'to. Diko na mapigilan yung sarili ko. Humarap ako sa kaniya at niyakap siya.

Naramdaman kopang napaigtad siya sa ginawa ko. Pero wala akong pake kailangan ko nang balikat na maiiyakan. Kalaunan inayakap niya din yung mga braso niya saakin at hinimas-himas ang likod ko.

Mga nasa limang minuto rin kaming nasa ganoong posisyon. Walang nagsasalita

Ako na ang unang bumitaw sa yakap namin at pinunasan ang luha ko. Nakakahiya naman. Nag-abot siya saakin nang panyo at tinanggap ko naman agad yon. Ang bango!

"Pwede bang wag muna akong pumasok ngayon?" panimula ko

"Yeah!. Just rest. Ihahatid na kita" wala na akong magagawa kaya tumango nalang ako

It Started with a Kiss [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon