10

353 62 21
                                    

A/N: Expect the typo's and wrong grammars

****

Rein's POV

Napakarami naman palang dapat malaman pag magtratrabaho ka sa opisina. Nilibot namin halos yung buong kompanya pinakilala rin ako sa kung sino-sino kahit nga sa mga janitors at janitress pinakilala ako.

Nakapagkwentuhan rin kami ni Maam Martha naikwento niya yung may nanliligaw daw sakaniya at sobrang gusto niya daw yun dati pa. Tinanong kopa siya kung bakit di niya pa sagutin sabi niya naman gusto niya daw malaman kung serious ba daw yung guy.

Sinabi niya ring halos araw-araw daw siyang sinusundo. Pakilala niya daw ako next time. Napakabait niya parang magkasing-level lang kami kung ituring niya ako.

Pumasok ako sa opisina para ibigay yung telepono kay Grey. Pansin kong naka business attire na rin siya at napakagwapo niyang tingnan roon. Wait, ano? Gwapo? E mas gwapo pa si Renz e.

Pagkausap niya sa telepono ay yung una bored pa siya pero habang tumatagal e nagiging iritado siya hanggang sa nagalit. Ano naman kayang problema niya?. Pagkababa ng telepono e sinigawan niya pa ako na tawaging daw si Attorney, tinawagan ko naman agad-agad dahil na rin siguro sa taranta dahil sa sigaw niya. Nakakatakot, lumabas yung pagiging seryoso niyang tao.

Bumalik ako sa opisina at dinalhan siya ng tubig para kumalma at tama nga ako medyo kumalma nga siya.

Tinanong ko siya kung anong nangyari at nagka-away yata sila nung Mr. Alonzo at sabi niya pang pababagsakin niya daw yung kompanya ni Mr. Alonzo.

Pinakiusapan ko siyang wag ng ituloy kase maraming taong mawawalan ng trabaho. Kawawa naman diba, pinilit kopa siya hanggang sa nakumbinsi ko naman.

Pagkadating ni Attorney e wala na siyang pinagawa instead pinapunta niya nalang tapos sabihin daw na "Insult me one more time, I will make sure that you will lie down in front of me" sabi niya at may hand gestures hand gestures pa siyang nalalaman. Nakaktuwa yung mukha halatang galit pa din pero ang cute niya haha.

Nang maramdaman kong hindi na ako kailangan sa opisina e tinanong ko muna kung may kailangan pa siya pero sabi niya wala na pero mag-stay daw ako dun sa opisina.

Nung una hindi pa ako pumayag, nakakahiya naman first day ko tapos wala lang akong gagawin. Pero nagpumilit siya kaya pumayag na rin ako nakakaramdam na rin kase ako ng pagod.

Umupo ako dun sa pang-isahang sofa . Pinakiramdaman ko muna yung paligid hinihintay ko kung magi-start siya ng conversation pero hindi instead hinarap niya nalang yung tambak ng papeles sa harap niya at nagsimula nang magtrabaho .

Pinagmamasdan ko lang siya habang nagtatrabaho, ibang-iba siya sa Grey na abnormal, baliw at loko-loko. Ngayon isa siyang seryosong tao at kailangan irespeto mo siya.

Nilibang ko na lamang ang sarili ko sa pagse-cellphone. Nag-open ako ng facebook matagal-tagal kona ring hindi ito nao-open

82 friend request, 26 messages and 168 notifications

Binuksan ko yung message puro mga nangamusta lang naman. Binuksan ko rin yung notifications mga birthday lang tapos mga reacts and comments lang naman. Pagkatapos binuksan ko naman yung Friend Requests mga kakilala ko lang.

Scroll down, scroll down and there I saw Grey Salazar

Bakit naman ako in-add neto?.

Pero inaccept kopa rin kahit papaano naman e kakilala kona siya at Boss pa.

Nang mabored na ko sa kaka facebook e nagtingin-tingin nalang ako. Ang ganda nang opisina niya, halatang mamahalin lahat ng gamit. Dun sa isang gilid naman ay may isang aparador na antique at nakalagay doon ang iba't-ibang klaseng trophy.

It Started with a Kiss [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon