29

214 11 5
                                    

A/N: Expect typo's and wrong grammars

~~•~~

REIN

I miss you too, Trisha.

Nagpaulit-ulit yun sa utak ko habang nagtatrabaho ako. Pagkatapos kase nilang magyakapan at magpalitan nang I miss you e iniwan ko sila nang hindi nagpapaalam.

Hindi ko alam kung napansin ni Grey yun o nung Trisha, wala akong pake sakanila. Magsama sila!.

Mali naman siguro ako nang iniisip no!. Hindi naman siguro kasintahan ni Grey yun. Hindi naman siguro ako lolokohin ni Grey at harap-harapan pa. Kilala ko si Grey minsan nga lang may kadikit na babae yan e. Palaging ako lang ang kasama niya o kaya minsan ang mga kaibigan niyang puro lalaki naman.

Pero sino yung babaeng 'yon?. Bakit parang ang saya ni Grey nung nakita niya yung babae? Bakit niya inambahan nang yakap?. Sino ba yung babaeng 'yun?. At higit sa lahat bakit siya nag I miss you too?.

I know Grey hindi niya ako lolokohin. I know him.

Maybe I'm over-reacting. Malay mo pinsan niya lang 'yon o kaibigan.'Think positive self'

Mabilis kong pinunasan ang mga luha sa pisngi kong tumulo na pala. Wala namang nakapansin non dahil may sari-sarili kaming cubicle.

Nagseseryoso ako sa computer dahil sa dami nang mga gagawin ko. Ayaw ko munang isipin yung mga 'yon.

Sa kalagitnaan nang pagta-type sa laptop ay dumaan sina Grey at yung Trisha.

Yung Trisha ay nakapalupot ang mga kamay niya sa braso ni Grey at ngiting-ngiti pa ganon din si Grey ngiting-ngiti din.

Ewan ko pero parang may kung anong nabasag sa puso ko. Sa sobrang lakas e nabingi ata ako.

Nang mapansin ni Grey na nakatingin ako sakanya e kinindatan niya ako lalapitan niya sana ako pero madali akong tumayo at pumunta kina Ate Mylene. Kunwari may itatanong ako.

Sa gilid nang mga mata ko ay napatigil silang dalawa. Nakita kopang nakakunot ang noo ni Grey. Ilang sandali ay umalis na din sila. Magsama kayo!!!.

Bumalik ako sa lamesa ko at pinagpatuloy ang mga trabaho. Tahimik ako buong trabaho. Iniisip ko kung saan kaya nagpunta ang mga 'yon. Iniisip ko palang na kakain sila sa labas o kaya ay magdi-date e nasasaktan na ako.

Tiningnan ko ang orasan na nakasabit sa dingding malapit sa pintuan at nakita kong alas-sais na at malapit na ang off ko.

Tapos na rin ang mga trabaho ko. Kaya inayos kona ang mga gamit ko. Ngayon lang ako napabilis nang trabaho nang ganito. Siguro dahil na rin sa pagiging tahimik at seryoso ko.

Nagpaalam ako sa mga kasamahan ko. Hindi kona hihintayin yung Grey na yun. Hindi ako sasabay sakanya. Kung gusto niya isabay niya yung Trisha'ng 'yon. Wala akong pakielam sakanila.

Lumabas ako sa pinakaharap nang building. Wala akong nakitang ni bakas nilang dalawa. So I guess nag-date nga sila. I don't care by the way.

Wala nga ba? tanong ko sa sarili ko.

Kahit naman naiinis ako e iniisip ko padin kung anong meron sa dalawang 'yon. For God sake nililigawan ako ni Grey at may karapatan naman siguro akong malaman kung sino ang mga umaaligid na babae sakanya diba.

At yung Trisha na 'yon. Masama kutob ko sakanya. She looks flirt and bitch katulad nila Natasha.

Pumara agad ako nang taxi at umuwi.

Pagkauwi ko ay ang daming text nang cellphone ko dahil ngayon kolang 'yon pinansin dahil badtrip na badtrip ako.

Halos kay Grey lahat nang text tinatanong kung ba't hindi ko siya hinintay. Diko siya ni-replyan at natulog na lang.

It Started with a Kiss [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon