11

327 56 20
                                    

A/N: Expect the typo and wrong grammars

♡♡♡♡

REIN

Dalawang linggo na simula nung magtapat saakin si Grey habang natutulog.

Simula nung araw na yun e nagkaiwasan na kaming dalawa or should I say siya lang. Hindi na rin siya pumapasok hanggang sa nalaman ko sa mga Prof namin na di na pala siya nag-aaral.

Sa office naman parang hangin lang ako sakanya na dadaan. Kapag may ipapapirma ako sakanya, pipirmahan niya lang then wala na balik na ulit siya sa ginagawa niya. Kapag naman sasabihin ko yung schedule niya tatango lang siya nang tatango then wala na ulit. Hindi man lang ako tatapunan nang tingin.

Simula nung gabing yon nag-iba na siya. Hindi na siya yung Grey na loko-loko, abnormal tsaka mahilig dumikit sakin. Siya na ngayon yung cold and walang pake sa paligid niya. Hindi ko alam pero kahit paapano nami-miss ko yung dating siya.

Siguro nga ginagawa niya lang yung sabi niyang iiwasan niya na ako para kay Renz .

At ngayon nandito ako sa isa sa mga cubicle sa opisina namin kaharap yung mala-bundok na mga papeles.

I groan' "Urgh, bat kase ang dami" reklamo ko sa sarili ko.

Araw-araw naman akong pumapasok pero bakit padami ng padami yata.

May mga kailangang pirmahan ni Grey, mga kailangan niyang review-hin, mga listahan nang babayaran at etc..

Tapos sumasabay pa yung mga tumatawag, canceling or rescheduling their appointments.

Jusko maaga akong mamamatay neto e.

"Rein, okay kalang" si Ate Liza, isa sa mga kasama ko rin dito sa opisina namin. Katabi lang nang cubicle niya yung akin. Dumungaw pa siya para makita niya ako.

"Ahh oo, Ate medyo stress lang" sabi ko

"Magpahinga kana muna" suggest niya

"Mamaya na po"

"Kailangan moba nang tulong?"

"Hindi na po"

"Sige" sabi niya at umupo na ulit sa upuan niya

Ipinagpatuloy kona yung ginagawa ko. Kailangan matapos ko 'to agad para maaga akong makauwi.

----------------

Papasok ako ngayon sa office ni Grey para ibigay yung mga pipirmahan at ire-review niya

Pagkabukas ko nang pinto e bumungad saakin si Grey na nakahiga sa sofa habang natutulog

Halatang hindi rin siya komportable dahil kase yung paa niya nakahulog na.

May kwarto naman dito, hindi nalang siya doon natulog.

Nilapag ko muna yung nga papeles dun sa lamesa tapos lumapit ako sakanya.

Paano ko naman aayusin 'to? Di naman pwedeng buhatin E ang laki-laki naman kaseng tao

Kumuha ako ng isang upuan at dun ko nalang ipinatong yung mga paa niya.

Papalabas na sana ako nang bigla nalang niya akong tinawag. Akala koba tulog 'to?.

"Rein" paungol niyang sabi
(A/N: Sorry sa word)

Pagharap ko sakanya e nakapikit naman siya.

Lumapit ako at tinitigan siya. Imposible namang nagtutulog-tulugan lang 'to.

Kaya naman i decided to poke his cheeks para malaman kung nagtutulog-tulugan lang siya.

It Started with a Kiss [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon