40

211 5 0
                                    

A/N: Expect typo's and wrong grammars

~~•~~

REIN

Tatlong araw na yung nakalipas nung birthday ni Renz. Di pa rin ako nakaka-recover sa pag-uusap namin ni Ella. Who would have thought na sasabihin ko lahat nang gusto kong sabihin sa'kanya nun.

Simula nung pag-uusap namin ni Ella feeling ko lalo kaming naging mas close. Araw-araw ata akong binibigyan nang damit ni Ella. Minsan nagmo-mall kami, magba-bonding, manonood nang sine. Ewan ko basta araw-araw ganon.

Pag naman hindi ay nagcha-chat kami o kaya ay video call.

Nagseselos na nga si Raiza dahil lagi nalang daw si Ella ang kasama ko, siya hindi ko daw pinapansin. Kaya ang ginawa ko ay binilhan ko siya nang Kylie make up set. Tuwang-tuwa siya nun.

Nagtatalon pa siya sa kama niya habang yakap yung bigay ko. Yun kase ang paborito niyang brand sa lahat. Kahit pa marami na siyang ganon gusto niya madagdagan pa din.

Okay lang naman yun dahil bagong sweldo ko lang. Ang iba binigay ko kay Auntie dahil diko naman kailangan nang maraming pera, at yung iba naman gaya ng dati nilalagay ko sa alkansya ko. Papuno na ngayon e.

Balik tayo sa mag fiańcee.

Pag naka-graduate daw si Ella ay doon palang sila magpapakasal. Maghihintay nga lang si Renz nang three years pa dahil siya graduating na at si Ella naman ay ka-batch ko lang.

Si Grey naman parang mas lalo namang bu-musy although di niya pa din naman ako nakakalimutan. Minsan nga lang ay hindi niya na ako sinusundo. Sa opisina nalang niya kami sabay na magla-lunch.

Ang alam ko ang pinagkakaabalahan niya ngayon ay yung para sa deal sa investor nang malaking kompanya sa ibang bansa. Kaya siguro puspusan ang trabaho dahil don.

Pero parang may mali e. Kase minsan mapapansin ko nalang siya nakatulala tapos masama yung tingin. May problema ba si Grey?

Ang sa pagpunta naman namin sa Singapore. It's next week. I can't wait. Ano kaya ang mga pwede kung gawin don pag walang trabaho?. Atsaka meron na kaya kaming tutuluyan? Sa iisang bahay lang ba kami, unit o kaya hotel room? Tabi kaya kami sa isang ka-Ayy nubayan self??

Pinilig ko ang ulo ko at tinapos ang isipang 'yon. Nagiging mahalay na ang utak ko. Bwiset!

At ngayon nandito ako sa bahay. Linggo ngayon kaya rest day ko kaso lang tumawag si Mae gusto niya daw akong kausapin. At dahil miss kona rin siya pumayag ako agad.

Magkita nalang daw kami sa may Milktea Hub malapit sa'amin. Ayaw kopa sana dahil kapag naiisip ko yung lugar na 'yon ay naiisip ko rin kung paano ako sagasaan nung rumaragasang kotse.

Lumitaw ang imahe sa utak ko yung pangyayaring 'yon. Napahilamos agad ako sa mukha at pilit na kinalimutan 'yon.

Wala namang sinabing na-trauma ako pero pag iniisip ko ang pangyayaring 'yon natatakot ako. Na para bang mauulit 'yon.

Tinapos ko ang pagbibihis dahil ala-una ang usapan namin ni Mae. Alas dose-trenta(30) na. Kaya kailangan magmadali. Knowing Mae ayaw pa naman nun ang pinaghihintay siya.

Ang gusto niya lang siya ang nagpapahintay. Hay! Ang babaeng 'yon.

Isang maong pants at puting t-shirt ang suot ko pati na sneakers. Bago lumabas nang pinto ay nagpaalam na muna ako kay Auntie.

"Auntie alis na po ako. Babalik din po agad" sigaw ko dahil nasa kusina pa siya. Ako nasa may pinto na

"Oo sige. Mag-iingat ka" sigaw niya din.

It Started with a Kiss [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon