15

293 38 9
                                    


A/N: Expect typo's and wrong grammars

*****

REIN

"[Susunduin ka nalang namin sa gate nang Subdivision]" sabi ni Franz sa kabilang linya

"[Bilisan niyo ahh, ayaw kong maghintay doon nang matagal. Malapit na ako]" sagot ko naman .

Yun lang at tinapos kona yung tawag.

Ngayon kase ang usapan namin nila Franz na magba-bonding. Nandoon na rin si Raiza sa bahay daw nila, di naman kase kalayuan ang bahay non kina Franz.

Nasa isa nga lang silang Subdivision. Dina rin ako pumasok sa opisina malamang galit na sakin si Maam Martha kase ilang beses na akong nag-aabsent.

Wala akong ginawa kagabi kundi umiyak nang umiyak dagdag pa yung nagte-text saakin feeling ko kilala ako non e.

Pano niya nalamang brokenhearted ako? Tsaka sino siya para sabihing i pick a wrong person? Pero kung tutuusin tama yung sinabi niya. Tumama sakin yung 'you give a lot of love to him but what in return? You're just receiving pain'. Para bang kilalang-kilala ako nung nagte-text. Siguro kilala ako nun, Stalker siguro

Dahil malapit na ako sa may kanto nang Subdivision nila. Nagbayad na ako. Inabot kona yung bayad ko nang hindi tumutingin kung sinong inaabutan ko. Hinahanap ko kase yung earpods ko sa bag.

"Bayad po" sabi ko sabay abot nang bigla nalang may humawak sa kamay ko, literal na hawak. Pag-angat ko nang tingin si Kuyang naka black at nakasombrero. Napangiwi ako Iww, adik. Buti hindi ko siya katabi.

Agad kong binawi yung kamay ko at inabot nalang sa katabi ko yung bayad ko.

Habang nagse-cellphone nakikita ko sa peripheral vision kona nakakatitig sa akin yung lalaki kanina. Kaya naman tumingin ako sa direksyon niya. Nakangiti siya at kumindat pa

Manyak

Pagtingin ko sa bintana e konti nalang bababa na ako.

Nang makita kona yung Subdivision e nagpara na agad ako. Mamaya maunahan pa akong makababa nang katabi ko tapos magiging katabi ko yung manyak. Tsk!

Laking pasalamat ko nang nakitang nandoon na yung mga kaibigan ko, naghihintay kasama na rin si Raiza. Baka mamaya maghintay na naman ako sa gate tapos pagtripan nanaman ako nang mga tricycle driver dun.

Pagkalapit sakanila agad nila akong dinamba nang yakap. Wala akong ginawa kundi yumakap pabalik.

Masyado kong na-miss 'tong mga 'to. Huli naming pagkikita e yung birthday ni Franz . Ilang sandali pa ay sila na ang bumitaw sa pagkakayakap

"Girl, we miss you!!" sabi ni Franz at niyakap ulit ako, ginaya naman siya nina Mae at Iya pati na rin si Raiza

"Teka, di ako makahinga" reklamo ko. Pano ba naman kase halos pitpitin na nila yung tiyan ko sa higpit nang pagkakayakap nila. Ilang segundo pa ay bumitaw na ulit sila

"Girl, na-miss kalang talaga namin" si Mae. Napangiti siya nang makitang napakaaliwalas nang mukha nito, dati lang umiiyak siya samin dahil pinagpalit daw siya nang boyfriend niya.

We used to be friends in high school, sakanilang lahat si Franz ang pinakaclose ko dahil simula 1st year hanggang 4th year ay kaklase ko siya. Hindi katulad ko mayayaman sila at may masasabi sa buhay. Naging magkakaklase kaming apat noong 3rd year.

Sa public kami noon nag-aaral, gusto daw kase nilang maranasan yung buhay high school sa public. Hanggang sa mag 4th year kami nakilala namin si Rico nanligaw siya noon kay Franz pero hindi niya ito sinagot dahil kaibigan lang daw tingin sakaniya. Pero ngayon dinig ko pinopormahan daw ni Rico si Iya e.

It Started with a Kiss [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon