48

164 9 0
                                    

A/N: Expect typo's and wrong grammars

~~•~~

REIN.

"Oo nga e. Hindi ko din alam. Basta nililigawan ko siya"

Natawa pa si Raiza sa sinabi ko. Hindi daw siya makapaniwalang ako pa ang nanliligaw kay Grey, binigyan ko lang siya ng ngiti.

[Hindi ka naman ba nahihirapan? Base kase sa mga kine-kwento mukhang pinahihirapan ka niya] aniya.

"Hindi naman. Ngayon lang naman ito e. Kaya kakayanin panigurado. Babalik din naman siguro sa dati" pagbabaka-sakali ko.

[Bakit mo ginagawa 'yan Rein?] tanong niya.

Ipinagtaka ko iyon. Sa tono kase ng pananalita niya ay parang nagtataka siya. Nagtataka siya kung bakit ko ginagawa ito.

Naisip ko na 'yan e. Ginagawa ko 'to kase gusto ko. Kase guilty'ng-guilty ako kase nagselos si Grey dahil sa kagagawan ko. Isa pa gusto ko din kase yung feeling na sinusuyo ko siya. Ang saya kase, ang dami ko tuloy natututunan na luto.

Okay, paikliin natin. Ginagawa ko 'to kase mahal ko siya. Yun na yun, malinis at totoo.

"Bakit?" tanong ko

[I mean bakit mopa pinapahirapan mopa ang sarili mo?]

"Kase gusto ko. Kasalanan ko naman e pinagselos ko siya" sagot ko.

[No offense ahh, pero hindi ba baka naga-aasume ka? I'm sorry naisip ko lang]

Naisip kona din yan e. Wala naman din akong pake kung naga-aasume lang ako. Maaaring masktan, oo. Pero wala e pinili ko talagang mag-assume.

"Hindi naman siguro masamang mag-assume. Atsaka wala naman na akong mautot na dahilan para magalit siya sa akin ng ganito simula nung araw na 'yon" pagpapaliwanag ko.

[Okay, ikaw 'yan e. Kahit ano pang dahilan nasa sa'yo 'yan. Bestfriend mo ako kaya susuportahan kita]

Simpleng mga salita pero nagagawang patunawin ang puso ko. Ganitong-ganito ako kung magpahalaga ng pagkakaibigan kaya ganito rin ang ganti nila.

Kapag may desisyon susuportahan, pag may problema, sosolusyonan.

"Thank you"

[Just wanna ask you a question] aniya. Nangunot ang noo ko.

"Ano 'yon?"

[Are you already inlove] matagal ko nang nasagot 'yan pero syempre hindi pa alam ng mga kaibigan ko.

Si Raiza ang naunang nagtanong sa akin nito, at siya rin ang unang makakaalam.

"Oo e" sagot ko.

[Talaga?] nailayo ko ang cellphone dahil sa impit na tili ni Raiza sa kabilang linya. [Ohmygod!.... sabi ko na nga ba kayo din ni Grey ang bagsak. Ano?.. ano? Nalaman niya naba? Kayo naba?] sunod-sunod niyang tanong.

Napingiti ako. See? This is what I call friendship. The one who will support you.

Kami naba? Sus! Nag-aaway nga kami.

"Hindi pa e" bakas ang lungkot sa boses ko.

[Ay, bakit?]

"Tsaka kona siya sasagutin"

[Ay bakla! Wag ka ng magpatumpik-tumpik pa. Baka mamaya may makauna pa sa'yo. Bahala ka]

As if!

"Ewan ko sa'yo. Ibababa ko na 'to. May gagawin pa ako" sabi ko.

[Sige. Bye, I love you"

"I love you too" sagot ko at ibinaba ang linya.

Ngiting-ngiti ako nang makalabas ng kwarto dahil para tuksuhin ako nina Kuya Omeng.

It Started with a Kiss [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon