33

197 10 0
                                    

A/N: Expect typo's and wrong grammars

~~•~~

REIN.

"Let's have a coffee" aniya. Nagtataka akong tumingin sa likod niya. Magka-kape daw kami. May pag-uusapan ba kami o dun niya ilalabas ang galit niya sa'kin.

Alam ko galit 'to sakin e. Ikaw ba naman bigyan nang kapeng mapait pa sa bitter. Hindi ka magagalit?.

Tiim-bagang akong tumango kahit di niya 'yon nakita.

"Yes Ma'am" sabi ko. Nilingon niya ulit ako at this time wala na yung matatalim na titig. Isa na 'yong kalmado at simpleng titig.

"Drop that Ma'am. You can call me Trish or Trisha" aniya. Bahagyang umawang ang labi ko dahil sa sinabi niya.

Hindi ba siya galit sa'kin?. Well hindi ko masasabi 'yon. Baka mamaya sabunutan nalang ako niyan pag may nasabi akong mali. Iba pa naman ang tingin ko sa babaeng 'to.

"Sige T-trish" sabi ko. Di ako sanay. Awkward.

"By the way. Sa office ko nalang tayo mag-coffee. I want to talk to you privately" maarte niyang sabi at pinasadahan nang kamay niya ang mahaba at malalambot niyang buhok.

Na-concious tuloy ako sa buhok ko. Maliban sa maliit na ito ngayon ay blonde pa. Nagpagupit kase ako nitong nakaraan.

Diko 'yon pinansin at sumagot nalang. Nang medyo may paggalang. Ayaw ko namang magpaka-kumportable dahil President pa rin nang Board Members ang kaharap at kausap ko ngayon.

"Ipapatawag kita later. Bye" aniya at sakto namang bumukas ang elevator at lumabas na siya.

Ako naman lumabas na rin at wala sa sariling naglalakad kung saan ang cubicle ko.

Ayaw ko mang aminin pero kinakabahan ako sa pag-uusapan namin ni Ma'am Trisha. Para bang meron siyang sasabihin na diko alam.

Sa mga sandaling 'yon ay inalis ko muna siya sa isip ko at umupo na sa naturang upuan ko. Inayos ko muna ang mga gamit na nasa table ko. Mamaya lang din ay may darating na mga empleyado galing sa iba't-ibang Department at may ibibigay na papel sa'akin na kailangan daw pirmahan nang CEO at dahil ako ang Secretary ay kailangan dumaan muna sa'akin 'yon.

Kailangan i-review kopa at idi-disscuss ko kay Grey. Grabe para na akong Teacher ne'to.

Speaking of Grey. Nandito na kaya ngayon 'yon?. Hindi ko pa naman siya nakasabay kaya wala akong alam.

Pero mamaya ko nalang siya pupuntahan sa opisina niya. Tutulong muna ako sa bagong project nina Ate Mylene.

"Hi Rein" si Ate Mylene habang nakaharap sa computer niya. Nakasuot pa siya nang salamin. Siguro protekta sa mata niya.

Kailangan kona rin siguro nang salamin. Baka mamaya maaga akong mabulag ne'to.

"Hello Ate. Anong maitutulong ko sa project niyo?" tanong ko. Nakita ko namang nagningning yung mata niya sa sinabi ko.

"Ah, sige. Dito ituturo ko sa'yo" at iginiya niya sa tabi nang upuan niya.

Napangiti pa ako nang magsilapit din ang ibang ka-empleyado at nagsimula na silang magbatuhan nang suggestions. Ako din naman suggest nang suggest. Mas napipili pa nga nila ang mga suggestions ko.

Napangiti ako. Pwede na yata ako sa Marketing.

_____

Mahaba-habang oras ang ginugol ko sa pagtulong kina Ate Mylene since wala naman dumarating na gawain para sakin.

Halos lahat nang nai-take note ko sa meeting last time ay nagamit ko sa project nila Ate Mylene. Masaya naman sila dahil maganda daw ang kinalabasan nang project although hindi pa tapos at kalahati palang 'yon.

It Started with a Kiss [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon