42

194 10 0
                                    

A/N: Expect typo's and wrong grammars

~~•~~

REIN

At tinotoo niya nga ang kaniyang sinabi. Simula nung araw na makausap ko si Grey ay yun ding araw na yun ay may mga naka-itim na mga lalaki sa labas ng bahay namin. Ang sabi ay pinadala daw sila ni Grey dito para bantayin ako at ang pamilya ko.

Pati ang pagpasok ko sa school may sumusunod na dalawang guwardiya sa'akin. Hindi sila lumalapit sa'akin, nakatanaw lang sila sa malayo. Ako hindi ko sila pinapalelaman kahit totoong tutol ako sa ginagawa ni Grey. Nagmumukha akong batang mayaman na rebelde kaya binigyan ng magbabantay sa'kanya. Tsk.

Tanong na nga ng tanong sina Auntie hanggang sa makwento ko nga sakanila. Grabeng pag-alala ang nakita ko sa mga mata ni Auntie non. Ang sabi niya pa ay dun nalang daw kami sa Pampanga, sa lugar nina Uncle Dave.

Syempre hindi ako pumayag dahil nag-aaral at trabaho ako dito. Buti lang at napilit ko si Auntie pero sa isang kondisyon daw. Hayaan ko daw yung mga gwardiyang sumusunod saakin. Dati kase inaaway ko sila para di lang makasama sa'akin.

Hindi nga talaga siya nakinig sa'akin. Imbes na magsumbong sa pulis ay ginawa niya yung gusto niya. Na mas pinili niyang maging makasarili. Bahala siya sa buhay niya.

Hindi ko siya papansinin kahit pa miss ko na siya. Mhmmp.

Isang linggo na rin kase simula ng hindi ko siya pansinin, simula nung mag walk-out ako nang kausap niya ako. Ginagawa ko ang lahat para di ko siya pansinin, kahit pa minsan gusto ko nalang siyang yakapin. Nakakainis nga lang dahil wala siyang ginagawa para pansinin ko siya.

Tinititigan niya lang ako, tapos pag hinuhuli ko siya ay iiwas siya ng tingin na para bang siya pa ang umiiwas sa'akin. Hindi niya rin ako inuutusan kahit pa ganon naman talaga siya dati pa. Kaya ang nangyayari ay kumokonti ang aking trabaho.

Tinatapos ko kase lagi ang lahat bago ako umuwi. Kaya kinabukasan ay konti nalang.

Panay tuloy ang tambay ko sa opisina ni Trisha, niyayaya niya ako doon upang magkwentuhan o kaya ay mag-relax. Hindi ako tumatanggi dahil sa'kanya nakakapagtanong ako kung ano ang ginagawa ni Grey araw-araw.

Miss ko na siyang kasabay mag-lunch. Miss ko na rin ang pagiging sweet niya. Pero kahit ganoon gusto ko munang lumayo, tutol pa rin ako sa desisyong ginawa niya.

Pero sa mga ginagawa niya ay ako ang nahihirapan, ni hindi man lang niya ako sinusuyo. Sa makalawa na yung tungo naming Singapore pero diko alam kung tuloy pa ba yun.

"Rein, ano na?" nagulat ako ng paluin ako ni Raiza sa braso. Nagde-daydream nanaman ako dahil sa sobrang pagka-miss kay Grey.

"Ano?" iritado kong sagot.

"Ang sabi ko, sasabay kaba sa aking mag-lunch?"

Siya kase ang lagi kong kasabay sa lunch. Nakakahiya nga dahil lagi nalang akong sabit sa kanilang dalawa ni Tom.

"Hindi, kayo nalang muna ni Tom. Palagi nalang kase akong sabit sa inyo."

"Ano bang pinagsasabi mo?. Ayos lang no."

"Sige na, dun nalang ako sa carenderia sa harap ng pinagtatrabauhan ko"

"Ano kaba?. Wag kang mahiya kaibigan mo ako ano kaba"

"Okay lang ako" binigyan kopa siya ng ngiti, totoo yun. Gusto ko ring kumain mapag-isa to think.

"Sigurado ka?"

"Oo"

Sa mga oras na ito ay dapat may klase pa kami, pero dahil may biglaang seminar daw ang mga Professor ay wala kaming klase. Although ayaw kaming palabasin ng gate. Ano ba yan, ginawa nila kaming Elementary.

It Started with a Kiss [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon