44

177 9 0
                                    

A/N: Expect typo's and wrong grammars

~~•~~

REIN.

Kinabukasan ay nagising akong wala na si Grey sa tabi ko. Nagkibit-balikat ako, sigurado maaga siyang umalis, base kase sa relo na nasa side table ay alas-nuebe na ng umaga.

Iniligpit ko ang higaan bago tuluyang pumasok sa banyo upang gawin ang pang-umagang routine.

Minadali ko ang paglilinis sa sarili dahil nagugutom na ako. Kumain kaya si Grey kanina? Ano kayang kinain niya?. Siguro ay doon nalang siya sa baba dahil may coffe shop doon. Sigurado doon nalang din ako, may pera namang ibinigay si Grey sa akin.

Pero syempre paniguradong diko naman magagamit ang lahat ng 'yon dahil di naman ako lalabas ng room. Siguro pag kasama ko lang si Grey o kaya ay magpapasama ako sa mga gwardiya na ayaw ko naman gawin dahil nahihiya naman ako sa kanila.

Pinagmasdan ko ang sarili ko sa harap ng salamin, isang black spaghetti strap top paired with maong short. Isa sa mga kumportable kong suot pero dahil nandiyan lang ang mga gwardiya, nagsuot ako ng isang yellow jacket

Itinali ko ang buhok ko ng kalahati, dahil mahuhulog lamang 'yon pag binuo ko.

Nang makalabas ng kwarto ay dumiretso ako sa kusina upang tumingin ng makakain. Tinamad na akong bumaba sa coffee shop.

Pero bago makapunta roon ay nadaanan ko ang tatling bodyguard sa sala. Nakaupo sila doon sa sofa at nanunuod ng tv. They automatically stand when they saw me.

"Ma'am, may kailangan kaba?" tanong ng isa. Ang pagkakaalam ko ito ang pinaka-lider nila. Brando ata ang pangalan.

"Wala naman po"

"Meron nang nakahain na pagkain para sa inyo diyan Ma'am. Iniluto kanina si Sir Grey"

"Ah, ganon po ba?. Kayo po kumain na?" tanong ko

"Opo Ma'am, sinabayan ho namin si Sir Grey. Aniya'y samahan ho daw namin kayo kung may pupuntahan kayo. May pupuntahan po ba kayo?"

Umiling ako "Wala ho. Wag niyo na po akong tawaging Ma'am atsaka i-po. Mas matanda po kayo sakin"

"Opo-este Sige M-miss Rein"

Natawa pa ako dahil medyo nahiya pa si Kuya Brando.

"E ano naman pong oras babalik si Grey?"

Nagtinginan silang tatlo, tila nag-aalaman kung sinong may alam hanggang sa nagsalita ang isang medyo bata sa dalawa.

"Alas-syete raw ata Miss Rein. Pinalalahan niya rin akong ipagluto ka nalang ng iyong tanghalian o kaya'y hapunan. Ako kase ang chef ng masa. HAHA"

Diko napigilan ang mapabungisngis. Atleast merong isa sa kanila ang pilyo. Hindi yung palagi nalang silang seryoso lagi.

"Oh, talaga? Masarap naman po ba ang luto mo?"

"Syempre naman yes"

"E ano naman po ang pangalan mo?"

"Ako si Omeng, ito namang isa ay si Jose" sabay turo sa katabi na tahimik lamang "At si Kuya Brando naman, ang pinakamatanda sa'amin. Ang lider namin" pagpapakilala niya.

Tumango ako " E yung iba po nasaan?"

"Nasa kabilang hotel room lang Miss Rein. Doon kami namamalagi, habang nandito tayo sa Singapore. Ang lima ay kasama ni Sir Grey at ang dalawa naman ay inutusan namin para mamili ng pwedeng pangkain namin"

"Sige. Nood na po kayo ulit diyan. Kakain lang po ako" tinanguan nila ako, ang isa ay nginitian pa ako

Dumiretso ako sa kusina. At tama nga ang sinabi nila meron ng pagkain sa lamesa, Toasted bread, egg, bacon, ham at fried rice. Usual breakfast.

It Started with a Kiss [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon