39

198 13 0
                                    

A/N: Expect typo's and wrong grammars

~~•~~

REIN

Nakilala ko si Renz sa bar na pinagtatrabauhan ko dati. That day he's misserable and problematic. Nagpapakalunod siya sa alak. Ilang araw ko siyang pinagmamasdan hanggang sa hindi ko na mapigilan ang sarilinko. Nilapitan ko siya at inalo. Never siyang nagkwento sakin tungkol sa problema niya. Ang tanging alam ko lang ay nasasaktan siya.

We use to be friends simula nang araw na 'yon. Tumagal nang dalawang taon ang aming pagkakaibigan hanggang nga sa niligawan niya ako at dahil gustong-gusto ko siya nun ay sinagot ko siya agad. It's stupid of me na di napansing ginagawang panakip-butas niya lamang pala ako. Hays!

Lagi ko siyang tinatanong kung kailan niya ako dadalhin sa bahay nila. Ang unfair naman diba!. Siya napakilala kona kina Auntie tapos ako hindi kilala nang pamilya niya. Ang tanging kilala kolang ay si Rico.

Lagi niyang sinasabi 'out of the country sila', 'sa susunod nalang, they are busy' o kaya 'Umalis sila'. Ba't diko man lang napansin ano?. Na gumagawa lang siya nang excuse para di ako isama sa bahay nila.

Sa anim na taon, ngayon lang ako nakaapak sa teritoryo nila. At ngayon kolang din nakilala ang mga magulang niya. Natawa ako sa naisip. Bakit nga pala niya ako ipapakilala, di niya naman ako sineryoso!. So fucking stupid self'

Diko mapigilang hindi maswerte-han kay Ella. She's lucky. Sigurado siya ang gusto nang mga magulang ni Renz para sa'kanya. I wonder ano kaya ang magiging reaksyon nang mga magulang ni Renz kung ipakilala nila ako.

Pinilig ko ang ulo ko. Teka nga! Bakit kopa ba iniisip ang mga 'to?. Dapat nga ay masaya ako dahil na-meet ko na ang pamilya niya at nalamang engagement party nila ngayon.

Totoong masaya ako para sa dalawa. Di nga lang maiwasan na maisip yung nakaraan. Ganon naman talaga diba?.

"Ano nga ang iyong surname iha?" tanong ni Mrs. Dela Cruz. Eto naba yung tatanungin yung surname tapos pag walang kaparehang surname nang mga businessmen ay madi-dissapoint?

'Hay, self nag o-oa ka nanaman '

"Ahm, Taruc po" magalang kong saad.

Saglit pang napaisip si Mrs. Dela Cruz. Tila may naalala. Nakatingin pa ito sa taas at nakahawak sa baba.

"Hmm, Sounds familiar Rein Taruc. Para bang nabanggit na nang anak ko ang pangalan mo. I don't know maybe you're a close friend of him, ano?" sabi niya.

Nababanggit ako ni Renz sakanila?. As a friend huh?.

"Ahm, opo. Kaibigan kopa siya" tanging sagot.

Gusto ko sanang sabihin na ex niya ako. Pero para saan pa right?. Wala na rin naman sa'kin 'yon. Siguro mas magandang wala nalang silang alam. Mas maayos yun.

"Oh, okay. Did you two eat?." tanong niya at pinagtinginan kaming dalawa ni Grey. Pareho kaming umiling "Magsisimula na ang program. Let's just wait. Sumabay nalang kayo sa'min pero kung gusto niyo ay meron naman diyan. Ano?" paliwanag ni Mrs. Dela Cruz

"What about you Rein?. Are you hungry?" tanong ni Grey sa tabi ko. Umiling ako "Alright. Sasabay nalang po kami sainyo"

"Okay. So excuse us. Andyan na ang pamilya Guzman" she's pertaining to Ella's family

Bineso pa akong mali ni Mrs. Dela Cruz bago sila pumihit patalikod para umalis.

"You sure, you're not hungry?" tanong ni Grey sa tabi ko. Nilingon ko siya at nginitian bago umiling.

Ilang sandali pa ay nagsimula na ang program kung saan inanunsyo ang engagement nina Ella at Renz. Ella look stunning and elegant with her silver halter floor length dress. Kumikinang iyon tuwing natatamaan nang mga ilaw. Silver rin ang kanyang stilleto heels. Si Renz naman ay nagmukhang lalaking-lalaki sakanyang suot na black tuxedo with black slacks. Nakaayos nang mabuti ang kanyang buhok dahilan upang lalong nadagdagan ang kagwapuhang taglay niya.

It Started with a Kiss [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon