55

155 10 0
                                    

REIN.

"Hoy! Gising na Mahal na Prinsesa" unti-unting dumilat ang mga mata ko dahil sa boses ng isang lalaki kasabay din nito ang bahagyang pagtampal-tampal nito sa pisngi ko.

Handa na sana akong kusutin ang mga mata ko pero nakakapagtakang hindi ko ito maigalaw. Iginilaw kopa ito ng isang beses. Nakatali?

Doon bumalik ang mga alaala ko simula dun sa pagsakay ko sa taxi hanggang sa takpan ng panyo ang mukha ko hanggang sa lamunin na ako ng kadiliman.

Kunot-noong tiningnan ko ang lalaki at ganon nalang ang kabog ng dibdib ko ng makitang may hawak itong baril. Iniikot-ikot pa niya ito sa daliri niya.

Base sa mukha at pangangatawan nito ay baka nasa edad kwarenta na ito pero malaki pa rin ang pangangatawan nito.

"Sa wakas, nagising na ang senyorita. Akala ko natuluyan na ng dahil sa pampatulog na pinaamoy." sarkastikong sabi nito.

Kinunotan ko ito ng kilay kahit pa kasabay nito ay ang napakalakas na kabog ng dibdib ko. Nasaan ako?

Iginala ko ang mata ko sa kapaligiran. At kung hindi ako nagkakamali ay abandonadong gusali ito. Makalat, mabaho at maraming nagkalat na mga armadong lalaki sa paligid.

"S-sino ka? A-nong kailangan niyo sakin? Bakit ako nakatali?" sunod-sunod na tanong ko.

Pinilit kong tatagan ang boses ko pero hindi pa rin nakatakas ang pag-garalgal nito. Ano bang nangyayari? Naguguluhan ako.

Bahagyang ngumisi ang lalaking nasa harap ko tsaka ito sarkastikong tumawa. Tila makinang sira ang tawa nito na sobrang sakit sa tenga.

"Una sa lahat wala akong kailangan sayo hija, ang Boss namin mayroon. At isa pa hindi moba nakukuha? O sadyang nagtatanga-tangahan ka lang. Kinidnap ka namin o sabihin na naming hostage ka namin ngayon" mahabang sabi nito.

"Sinong nag-utos sainyo? Sino ang Boss na tinutukoy mo?"

"Oh, nagmamadali ka nabang malaman? Wag ko munang sabihin. Alam mo hija, mahilig ako sa mga surpresa, at hilig ko din 'yon sa mga taong walang kamuwang-muwang na katulad mo" humalakhak pa ito na parang demonyo.

"Anong dahilan kung bakit niya ito ginagawa? Anong ginawa ko para gawin niya ito sakin?. Pakawalan niyo na po ako, gagawin kopo ang lahat basta pakawalan niyo po ako" pagmamakaawa ko sa lalaking nasa harapan ko na kung makangisi ay kala mo demonyo.

"Hindi naman ako tanga hija. Kaya nga ako binabayaran para kidnapin ka tapos papakawalan lang kita?"

Alam ko 'yon.

Unti-unting pumasok ang ideya sa utak ko. Hindi kaya ito yung mga nagbabanta sa akin? Yung mga muntik ng pumatay sa akin?

Kidnap? Bakit nila ako kinidnap? Sino naman ang tunay na kailangan nila? Si Grey. Papatayan naba nila ako kapag wala na akong pakinabang?

Nangilid ang luha ko sa naisip. Kung papatayin man nila ako ngayon, ang tanging hiling ko lang ay sana hindi na madamay pa si Grey, sana ligtas ito. At sana makapagtapos ng pag-aaral ang mga pinsan ko upang matulungan nila si Auntie sa future. At isa pa sana makapunta ang ama ko sa burol ko o kahit sa libing ko lamang

"Oh! Iyakin naman pala" bahagya pa itong tumawa. Wala akong magawa kundi ang yumuko at lumuha ng lumuha.

"Wag nang umiyak, wala naman magagawa ang mga luha na 'yan. Ipagdasal mo nalang na sana ay mahanap ka ng taong minamahal mo o kung hindi, wala habang buhay ka na rito" nagkibit-balikat ang lalaki.

Nag-angat ako ng paningin dito tsaka ko ito tiningnan ng matalim. Bahagya lamang niya akong nginisian.

"Demonyo" maikling sabi ko. Pagak itong tumawa tsaka hinawakan nito ng mahigpit ang buhok ko. Diko mapigilan ang mapamura dahil sa sakit na idinilot niyon.

It Started with a Kiss [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon