43

188 10 0
                                    

A/N: Expect typo's and wrong grammars

~~•~~

REIN.

"Hayyy!" napahinga ako ng malalim sabay lundag sa malambot na kama ng isang hotel na inookupa namin. It's a queen size bed. Oh my gulay! Dream come true ito ang makahiga sa sobrang lambot at bango na kama.

Itinaas kopa ang kamay ko at winagayway 'yon. Di ako nakuntento at nagpagulong-gulong pa ako. Nagpapasalamat ako dahil buti naalis ko na ang sapatos ko. Kahiya naman sa sobrang linis ng bed sheet ano. Dahil sa pagtaas ng kamay ko ay napataas din ang damit ko.

Hindi ko yun alintana dahil gigil na gigil talaga ako sa kama. Kinuha ko yung unan at inamoy-amoy iyon. Ay dios mio, ang bango!. Parang amoy Grey lang ah.

Omg. Diko talaga makalimutan kanina yung paghilig ni Grey sa balikat ko kaya amoy na amoy ko yung pabango niya. At itong kama parang siya lang!.

Ang sabi ni Grey mananatili daw kami dito ng isang linggo. Imagine one week in this bed. Oh my goodness!.

Napatingin ako sa ceiling. Puti 'yon at sobrang ganda sa mata. Napakaaliwalas. Sa sobrang pagod ay gusto ko nalang matulog pero hindi ko magawa dahil kanina pa kase tumutunog yung tiyan ko.

"Ehem!" biglang nangunot ang noo ko at unti-unting may pumasok sa utak ko.

Dali-dali kong inayos ang damit ko at umupo nang maayos. Nakalagay pa ang mga kamay ko sa hita ko at lumunok. Jusko nakakahiya 'yon.

Sa harap ko ay ang lalaking nakalimutan kong kasama ko pala. Si Grey, nandito pala siya. Bwisit na kama yan, masyado akong nahumaling sa kabanguhan. Nagpagulong-guling pa talaga huh. Walangya ka Rein ang tanga mo!.

Hindi kopa naman alam kung malinis ba yung pusod ko. Pero siguro naman malinis yun ano?. Kase kakalinis ko lang kahapon. Pero pwede rin namang hind-AHH, Nakakahiya talaga!

Tumikhim ako at "Ah, andito ka pa pala, Grey" sinasabi ko yun habang inaayos ang gusot sa kama.

Aalis naba ako?. Panigurado namang hindi dito ang kwarto ko. Ano ako sosyal?. Tss, okay na ako sa simpleng kwarto lang, pero Uhh bet ko dito e!. Tapos dun may veranda kung saan tanaw mo talaga yung city lights dahil gabi na. Mukhang maganda pa naman ang Singapore.

Oo nasa Singapore nga kami ni Grey, kasama ang isang dosenang bodyguard na hindi ko alam kung nasaan na. Di natin alam baka hanggang dito ay sundan kami ng mga nagbabanta sa buhay namin na sana ay hindi naman.

"Ahm, aalis naba ako?" nangunot ang noo niya.

"What?"

"Aalis na ba ako?"

"At saan ka pupunta?" nagtataka pa rin niyang tanong.

"Sa kwarto ko!"

"Anong kwarto?"

"Sa tutulugan ko I mean"

"Ano?"

Naiinis na ako. Pinagloloko ba ako ng gwapong nilalang na 'to. Ay teka ba't may pa-gwapo?. E kase ang gwapo niya sa suot niyang sando kung saan nakabakat yung mga muscles niya tsaka sa suot na pajama.

Teka!. Bakit pala ngayon ko lang napansin ang mga muscles niya sa braso?. Takte! Ang laki pala at mukhang uhm, matigas. Para bang pinaghirapan iyon sa gym. Oh my goodness!. Diko napansin na nakatingin na pala ako sa mga braso niya, gumalaw siya kaya lalong nag-flex 'yon.

Napanganga ako, bakit ngayon ko lang napansin ito?. E kase naman ngayon kolang siya nakitang ganyan ang suot kung saan kitang-kita ang broad shoulders niya, pati na ang matitipuno niyang dibdib niya Dios mio!.

It Started with a Kiss [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon