53

192 9 0
                                    

Grey Salazar POV

***

Bills

Proposals

Meetings

Schedules

Invitation

Inis na napahawak nalang ako sa sentido ko. How come this is what I need to read everyday. Paulit-ulit nalang. Ang nakakainis pa ay ang dami-dami. I know my company is not that very succesful pero kahit ganoon maraming kumpanya ang nagkaka-interes sa amin.

Let me say, uhmm, papatubo palang, papa-sucess palang. Kayabangan man pero lahat ng 'yon ay dahil sa akin. Noong si daddy pa ang nagma-manage nito he only did three branches. Pero ngayon ay paunti-unti ng kumakalat sa buong Asya at sana hanggang buong mundo pa.

When my parents are alive, they are always telling me to make it big and succesful nang sa ganon ay mapakinabangan pa daw ito ng mga susunod na henerasyon. Mahirap man sabihin but Dad was bad in business, pero wala siyang nagawa dahil si Lolo mismo ang pumili sakanya bilang mamahala nito.

Inis na inalis ko ang salamin ko. Isinandal ko na lamang ang likod ko sa upuan, I close my eyes. Nai-stress nanaman ako. Nasaan ba ang sekretarya ko? Nasaan si Rein?

Hinanap ng mga mata ko ang intercom na nakakonekta sa sekretarya ko. Akmang pipindutin ko 'yon nang bigla na lamang tumunog ang seradura ng pinto.

Kunot-noong binalingan ko ang pintong unti-unti nang nagbubukas.

"Hi Sir, here's your tea. Pampabawas naman po ng stress niyo, para iwas haggard." Nangunot ang noo ko. Inilipag nito ang tsaa sa harapan ko mismo.

What the fuck. Sir?

"Sir?" taas na kilay na tanong ko.

Kinunotan niya ako ng noo. Pinagmasdan ko siya ng mabuti. What's wrong with my girl? Bakit parang paganda yata ng paganda? And what? Lip gloss , seriously? Where's the pink lipstick he always wear?

"Yes sir?"

"Anong sir?" tanong ko.

Nagmamaang-maangan. Anong espirito ba ang sumanib sakanya at nagse-sir siya sa akin?. Bago 'to sa pandinig ko. Ang pagkakatanda ko tinawag niya lang akong Sir ay nung unang araw niya.

What's gotten into her?

"Huh?"

"Are you kidding me? Don't call me Sir" binalingan ko ang tsaa. Siya ba ang nagsangkap nito?

"Then, what do you want me to call you Sir? Master, Boss, Grandmaster, King, Majesty?" lalong nangunot ang noo ko.

Niloloko ba ako ng babaeng ito?

I loook into her. She's smiling, she's crazy. But I'm crazier inlove with her.

I stand up, nilapitan ko siya.

"Yes Sir? What do you want me to call you?" hindi ko pinansin ang sinabi niya, hinapit ko ang bewang niya at idinikit siya sa akin.

"S-sir?"

"Call me sweetheart or Baby" sabi ko. Inismiran ko siya.

"Bakit ko naman gagawin 'yon? I'm your secretary" sabi niya,

I kiss her cheeks, at laking pagkunot ng noo ko nang iwasan niya ang halik ko na dapat ay sa labi niya, itinulak niya pa ang noo ko. Napabitiw ako sa bewang niya at kunot noo ko siyang hinarap.

It Started with a Kiss [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon