58

152 8 0
                                    

REIN.


I can't help but to stare at him. Niligtas niya lang naman ako sa pagtangkang pangga-gahasa sa akin. Siya naba ang tutulong sa akin? Siya ba ang maglalabas sa akin dito?


Sino ba talaga siya? Am I know him before? Wala akong maalala. Imposibleng crush lang ako neto kaya ako nililigtas.


Tulala pa rin ako dahil sa nasaksihang pagkamatay ni Rochie. Dapat nga matuwa pa ako but I can't masyadong nakaka-trauma ang nangyari. Kahit kailan sa buhay ko diko pinangarap masaksihan ang pagkamatay ng isang tao.


"Aba'y gago palang ang putang inang 'to. Isa ring traydor. Ano, naging santo bigla? Nakonsensya tapos gustong pakawalan yang babaeng 'yan" pagmumura ni Rodrigo sa bangkay ni Rochie. Bahagya niya pa itong sinisipa. Tinitingnan kung humihinga pa.

Napakurap-kurap ako.

"Mabuti at dumating ka Oliver kundi natakasan tayo. Malalagot tayo kay Boss dahil sa kagaguhan nito" sabay turo niya sa bangkay.


"Napadaan lang ako Rodrigo tapos napansin kong nakabukas yang pinto kaya sinilip ko at nakitang binubulungan ni Rochie itong babae" pagsisinungaling niya.

I get it why he's lying. Ayaw niyang masira siya, baka mapatay siya ng mga kasamahan niya dahil sa pagta-traydor niya. Tsaka bakit kaya hindi niya nalang sinabing muntik na akong gahasain ni Rochie? Siguro ay wala rin pake dun ang mga kasamahan niya.

See how demons they are?

"Tang ina talaga. Diko akalaing ta-traydurin ako ng gagong 'yan. Kung sino talaga ang pinagkakatiwalaan ko, yun pa ang tuma-traydor sakin tulad nalang ni Rodolfo. Mga hayup" mahabang sabi nito.

Tinitigan pa ako nito ng masama. Napayuko nalang ako, nakakatakot yung mga titig niya. Kung nga nakakamatay ang titig niya baka bangkay na ako ngayon.

"Ganon talaga Rodrigo. May mga traydor talaga" makahulugang sabi ni Oliver. Kung tama ako tinutungkol niya ay ang sarili niya. Nagpapahuli ba ang lalaking 'to.


"Mario, Baldo. Linisin niyo 'yan. Ayaw kong may makikita ni bakas ng traydor na 'yan. Oliver, kausapin mo ang babaeng 'yan. Pagbantaan mo kung hindi nadadala. Balak pa talagang tumakas ah!" sarkastikong sabi nito.


"Yes Boss!" sabay na sabi na kung hindi ako nagkakamali ay si Mario at Baldo. Nag-salute pa ito kay Rodrigo ginantihan lang sila ng tango.


Tumalikod na ito tsaka nagmartsa palabas. Sumunod na rin ang ibang mga kasamahan niya. Naiwan si Mario at Baldo pati na si Oliver.


Binuhat nila ang katawan ni Rochie, si Oliver ay nasa tabi ko lamang at nakapameywang.

Pinunasan nila ang dugo at nilagyan pa ng kung ano-anong sabon at alcohol para maalis ang amoy. Mabuti naman, masyadong masangsang ang dugo ng manyakis na 'yon e.


Nang matapos ay tinanguan nilang dalawa si Oliver bago sila lumabas.


Namayani ang katahimikan ng maiwan kaming dalawa. I don't know what to say, should I say thank you? Or should I ask who is he, and why he's helping me.


Gusto ko 'yon itanong pero natatakot ako sa isasagot niya. Paano kung gusto niya nga ako? Tapos pinatay niya si Rochie dahil sa paghawak nito sakin.


Haist. Nagiging o.a. naba ako? Nagiging assuming naba ako? Shit! I don't know. Wala akong mahuthot na dahilan kung bakit mabait sa akin ang gangster na ito.


Nanahimik nalang ako. Matitiis kopa ang katahimikan kesa magtanong ng magtanong.


"Are you okay" he ask. Diko alam kung titingnan ko siya o ano. Afterall awkward pa rin ako sakanya. I don't know how to react.


It Started with a Kiss [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon