47

161 6 0
                                    

A/N: Expect typo's and wrong grammars

~~•~~

REIN.

"Grey, tikman mona. Sabihin mo agad kung ano ang lasa ahh" pagpipilit ko sa'kanya.

Oh! By the way I cook Caldereta. Nanood lang ako sa youtube kung paano gumawa. Sana lang ay magustuhan niya. Kung hindi man lasa ng luto niya ay sana maayos pa rin.

Parte 'to ng panliligaw ko sa'kanya. Though hindi ko sinabi sa'kanya nililigawan ko siya. Pero pinaparamdam ko naman. Kaninang umaga nga tuwang-tuwa ako kase nginitian niya na ako sa ginawa kong almusal.

Masarap kase ako magtimpla ng kape. Siguro nagustuhan niya kaya napangiti ko siya. Kaso nga lang hindi pa rin niya ako iniimikan.

Nilapit kopa sakanya ang hawak kong kutsara.

"Say ahhhh!" sabi ko.

At sa wakas. Ibinuka niya rin ang bibig niya. Ano kaya ang lasa? I wonder. Kase nakakacurious baka isuka o idura niya lang kung hindi masarap.

Wala akong makitang reaksyon sa'kanya. Kinabahan ako lalo na nangunot ang noo niya.

"Anong lasa?" tanong ko.

"Good" aniya tsaka tumayo at iniwan ako sa kusina.

Napabuntong-hininga ako. Guess kailangan pagbutihan kopa. Dios mio! Ang hirap naman kaseng kunin ang loob ng lalaking 'yon.

Tri-ny ko ang ginawa kong Caldereta. Ayos naman siya e, ang totoo nasasarapan ako. Pero bakit ganoon ang reaksyon ni Grey? Wala e, galit siya sa'kin. Baka naapektuhan na rin ang panlasa niya dahil sa galit sa akin.

Inilagay ko yun sa mangkok at ibinigay kina Kuya Brando. Nag-iwan ako ng kaunti baka maisipan ni Grey ay pwede niya namng pagtyagaan 'yan.

Kinabukasan kinakausap ko si Kuya Omeng, ang pinaka-close ko sa'kanilang lahat. Para dun sa pinapautos ko sa'kanya.

"Kuya Omeng, nabili mo na po ba ang pinapabili ko sa'yo?" fanong ko sa'kanya.

"Ah, oo. Nariyan na sa room namin. Hinihintay ko nalang na kunin mo sa'kin."

"Osige po. Kung maaari wag niyo po sanang hayaan malanta. Ibibigay kopo yun kay Grey" sabi ko

"Sige! Mukhang galit ang sir sainyo ah" hindi yun tanong. Mukhang nahahalata na rin nila ang pagiging malamig ni Grey sa akin.

"Ah, opo. Nagpapakipot po e. Inaamo ko nga" sinabayan niya ako sa pagtawa.

"Naku! Mga kabataan ngayon. Ang bilis magalit. Kaya yung asawa ko ay kapag sinusuyo ako pinapatawad ko agad ng hindi na mahirapan. Hindi pa naman kaya nun kung galit ako" natawa pa ako lalo.

Ganito palagi ang set-up. Sila lagi ang kausap ko. Mas sila pa yung close ko ngayon kesa kay Grey na walang ginawa kundi deadmahin ang beauty ko araw-araw.

Kinagabihan ay naglinis naman ako ng buong bahay.

Nagluto na rin ako para sa hapunan. Ngayon naman ay menudo. Sinadya ko talagang iba-iba para naman may matutunan ako habang nanood sa youtube.

Binuksan ko ang pinto sa veranda ng kwarto. Doon ko sinet-up ang pagkain namin ni Grey. Doon kami kakain. Ewan ko pero I find it romantic. Inayos kona ang lahat magbuhat sa plato, baso, basta lahat. Kumpleto.

Ang sabi kase ng mga kasamahan nina Kuya Omeng ay pauwi na ang mga kasamahan nila. Ibig sabihin uuwi na si Grey, kaya naman inayos ko agad ito.

Tinawag ko si Kuya Omeng para kuhanin na ang bulaklak. At tama nga siya hindi man lang ito nalanta. Siguradong inalagaan nila 'yon panigurado. Ang bango pa rin kase.

It Started with a Kiss [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon