30

221 12 5
                                    

A/N: Expect typo's and wrong grammars

~~•~~

REIN

"E, Grey. Tawagan mo Please!. Sabihin mo wag iinumin yung kape" pakiusap ko kay Grey. Tiningnan niya ako nang nagtataka.

"Why?" tanong niya.

"Basta, tawagan mo nalang tsaka sabihing wag iinumin yung kape" niyugyog kona yung braso niya.

Tumango siya at nilabas ang cellphone niya. Akma siyang tatawag pero may tumawag sakanya.

Sinenyas saakin ni Grey na tumatawag si Trisha.

"Hel--What the!!. What's wrong with you Trish. Why are you shouting?," sabi niya sa kabilang linya. Tumingin siya saakin nang nanlalaki ang mata.

Yah!, ininom niya ba yung kape? Kaya ganon yung reaksyon niya at sumisigaw siya sa kabilang linya?.

Bumuka yung bibig ko at sinabing 'Anong sabi?' nang walang tunog. Sinenyasan niya lang ako nang maghintay.

"Yah, I'm sorry about that, Pag-uusapan natin 'yan, Misunderstanding lang, Oh, by the way I'm courting her, So please be considerate I think she's jealous kaya niya nagawa 'yon" aniya habang nakatingin pa sakin.

Kung ano-ano pa ang pinag-usapan nila hanggang sa binaba na niya yung cellphone sa tenga niya.

Agad-agad siyang humarap at lumapit saakin. Dahil nasa loob pa kami nang kotse e napaatras ako hanggang sa ramdam kona yung pintuan sa likod ko. Tinukod niya yung kamay niya sa bintana samantalang yung isa ay nasa likod upuan ko.

Kaya ngayon na-trap ako sa gitna nang mga braso niya.

Nakatingala ako sakanya dahil matangkad siya. Samantalang nakayuko naman siya.

"So tell me Rein. Are you jealous?" tanong niya. Biglang kumalabog yung dibdib ko nang dahil lang sa mga katagang 'yon. Nakatingin siya diretso sa mga mata ko. Nag-iwas ako nang tingin.

"Hindi, ah" pagsisinungaling ko. Alam ko naman sa sarili ko na nag-seselos ako e ayaw kolang aminin.

"Tignan mo nga ako kung hindi ka talaga nagseselos" utos niya. Himala nag-tagalog siya. Minsan ko nalang kase siya marinig mag-tagalog. Na-miss ko yung magkaklase kami. Puro siya tagalog nun e.

Hindi ako makatingin sakanya. Baka malaman niya agad na nagsisinungaling ako.

"Hindi nga" sabi ko nalang. Ayaw ko siyang tignan.

Hinawakan niya yung baba ko at hinarap sakanya. Isang halik ang sumalubong saakin. Isang mahinhing halik. Nanlaki yung mga mata ko pero di ako gumawa nang aksyon. Hinayaan ko siyang halikan ako. Napapikit nalang ako.

Nagwawala na yung mga bulate sa tiyan ko. Para bang nagdidiwang dahil may magandang nangyari.

Ilang sandali pa ay tumigil na siya. Nang wala na kaming maihinga.

Tumingin siya saakin habang hinihingal pa.

"So, are you jealous mylove?" aniya at hinaplos ang mga labi ko. Libo-libong kuryente ang dumaloy sa sistema ko nang ginawa niya 'yon.

Tumango ako. Ayaw ko nang magsinungaling

Napangiti siya at muli akong siniil nang halik. This time malalim. Nakakalunod. Wala akong nagawa kundi ang gumanti na lamang. Napahawak na ako sa batok niya.

Ako na agad ang bumitaw. Napasinghap ako. Grabe! Ang tagal din non. Hinihingal ako.

"Tara na?" aniya. Tumango ako. Nag-ayos muna ako dahil nagulo yung maayos ko kaninang buhok.

It Started with a Kiss [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon