35

227 8 0
                                    

A/N: Expect typo's and wrong grammars

~~•~~

REIN.

"Papa" paulit-ulit na usal ko habang humahagulgol.

Paanong siya 'yon e wala na nga siya. Namatay siya sa aksidente e. Pero kamukhang-kamukha niya talaga yung driver kanina. Tinawag niya pa akong anak at pinalalahanan.

Napailing ako. Hindi yun totoo. Maaaring may kahawig lang si Papa. At yung tinawag akong anak maaring concern lang yun tao.

Naiyak pa ako lalo nang naisip na maaaring siya nga 'yon. Pero ang totoo ay hindi. Imposibleng mangyari 'yon.

Miss ko na po kayo. Pa

Iyak lang ako nang iyak nang may makita akong rebulto nang tao sa harap ko. Nakaupo ako kaya naman sapatos lang niya ang nakikita ko.

Napaangat ako nang tingin at nakahinga nang maluwag nang makitang si Grey 'yon. Dali-dali aking tumayo at niyakap siya. Gumati rin siya nang yakap

Lalo akong napahagulgol haplusin niya ang buhok ko at mas niyakap ako nang mahigpit.

"Hey, what's wrong?" tanong niya. Umiling ako at lalo pamg diniin ang ulo sa dibdib niya at doon lalong humagulgol. "Shh, don't cry" aniya at patuloy pa rin sa paghaplos sa buhok ko.

Hinayaan niya lang aking yakapin siya at humagulgol sa dibdib niya habang siya pilit akong pinapatahan sa mga mabubulaklak niyang salita.

"Shh, stop crying. Masisira ang ganda mo"

"Ano ba ang iniiyakan mo Rein?. Alam mo namang ayaw kitang nakikitamg umiiiyak"

"Papanget ka niyan e." sunod-sunod na sabi niya. Hinampas ko siya sa dibdib at humiwalay sa'kanya dahilan para mapahalakhak siya.

Pinunasan ko ang luha ko. Tinulungan niya naman ako sa pagpupunas nang luha ko. Nang makita ko na nang maayos ang mukha niya ay nandoon ang pagtataka. Siguro kung bakit ako umiiyak.

"Are you okay now?" 'hindi' gusto kong sabihin 'yan pero ayaw ko nang mag-alala pa siya. Ayaw ko rin namang i-kwento yung nakita ko.

"So now, can you tell me what happen? At umiiyak ka?" napatungo ako. "C'mon Rein, gusto kong malaman kung bakit umiiyak ang prinsesa ko?" aniya. Ako naman natigilan dahil sa mga kumikiliti nanaman sa sistema ko.

Saan niya napulot ang 'prinsesa'.

"Wala. May naalala lang ako" pagsisinungaling ko habang umiiwas nang tingin sa kanya. Namumula ata kase ang mukha ko.

"Alam kong ayaw mong sabihin sa'kin" sabi niya lalo pa akong napatungo. Ayaw kong sabihin sa'kanya pero na-guilty ako dahil hindi ko man lang masabi sa'kanya ang problema ko.

"Sorry" pagpapaumanhin ko.

"Okay lang 'yon. Ang gusto ko lang naman malaman ay kung ano-ano ang mga gumugulo sa utak mo. Pero kung ayaw mong sabihin ay wala naman akong magagawa don." aniya. Napamaang ako nang may dumaang lungkot sa mga mata niya.

"I'm sorry" sabi ko ulit. Ayaw kong sabihin talaga. Imposible naman kase 'yon.

"Let's go" aniya at hinila ako at pinagbuksan nang pintuan sa front seat.

"Galit kaba?" tanong ko nang hindi niya ako tinitingnan.

"Actually yes. You did'nt even tell me na hindi ka pala sasabay sa'akin. Tapos ayaw mopang sabihin kung ano ang problema kung bakit nakita kitang umiiyak". Lalo akong na-guilty nang maalalang hindi nga pala ako nagpaalam sa'kanya kanina.

"Pasensya na hindi ko sinasadya. Masyado akong pre-occupied kanina" dahilan ko.

"Pre-occupied saan?. Sa pag-uusap niyo ba ni Trisha?. May sinabi ba siyang masama sayo? Na ikagagalit mo sa'kin o kaya dahilan para layuan mo ako?. C'mon tell me." aniya. Natigilan ako sa sunod-sunod niyang tanong.

It Started with a Kiss [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon