54

181 7 0
                                    

REIN.

*Flashback*

Kakatapos lang ng klase at naghihintay na lamang ako nang masasakyan para makapasok na sa trabaho. Diko na inabala si Grey na sunduin ako, ang sabi ko ay sa opisina nalang niya kami sabay na mag lunch.

Ang totoo niyan ay dadaanan ko pa si Raiza, may pinapaabot ang Prof namin dahil hindi naman siya pumasok. Palaki ng palaki na yata ang problema ng kaibigan ko pero ayaw pa rin magkwento.

Ang sabi ni Tom ay ayos lang naman sila, so I guess it was a family problem, at wala din akong magagawa kung hindi maghintay kung kailan ito magbubukas ng saloobin sa akin.

Raiza was clingy and loud, so hindi ako sanay na tatahi-tahimik lang ito. Dibale nandiyan naman si Tom, siguro na-ikwento niya na ito sa lalaking mahal niya at meron naman sigurong ginagawa si Tom para mapagaan ang loob ng nobya niya.

Nang mag-kulay berde ang ilaw ay nagsimula ng tumawid ang mga kasabayan kong mga mag-aaral. Ang iba pa ay binabati ako, bumabati din ako pabalik.

Hindi pa rin ako sanay sa atensyon nila. Nagsimula lang naman 'yon nang gumawa ng eksena ang magaling kong nobyo. Simula noon ay may mga bumabati na sa akin na talagang hindi ko alam kung bakit.

Nang makatawid ako ay nakita ko sina Ella at Renz, they are holding each others hands. Nang makita ako ni Ella ay kinawayan niya pa ako, kinawayan ko din siya bago sila makapasok sa isang coffee shop.

Napabuntong hininga nalang ako kase mag-isa nanaman ako at nababahala pa din ako dahil sa mga taong nagbabanta sa amin.

Kahit pa matagal ng nagpaparamdam ang mga 'yon at tingin ko tama ang hinala kong tumigil na ang mga 'yon ay natatakot pa rin ako. Malay koba kung kailan aatake ang mga 'yon.

Lalo na't diko alam kung may mga nagbabantay pa rin ba sa akin.

Nang may makita akong taxi ay agad kong pinara 'yon, kaso naunahan ata ako nang isang babae, kaya yun ang inuna ni Manong.

Haisttt.

Pinagmasdan ko na lamang ang daan at doon nakita ko ang isang kotseng itim nakasungaw sa bintana noon ang isang lalaking naka shades at sumbrero.

Bigla nalang nilukob ng kaba ang loob ko. Ewan koba pero natatakot na ako sa may mga full black outfit.

Ipinagsawalang-bahala ko 'yon at tumingin pa ng ibang taxi na masasakyan kaso lagi nalang akong nauunahan na iba.

Pero hindi ako mapakali at paulit-ulit akong napapasulyap sa lalaking nasa kotse, hindi ko alam pero napaka-creepy lalo na't nahuli ko itong nakatingin sa akin, pero hindi ako sigurado dahil naka-salamin ito.

Pinagmasdan ko din ito nang nakakunot ang noo.

Hindi ko naman ito kakilala, at lalong hindi ko rin ito namumukhaan.

Tinaasan ko ito ng kilay at nagimbal nalang ako nang maglabas ito ng baril. Napaatras ako at napatakip ang kamay sa bibig. Ohmygod! Wag naman sana..

Nanubig ang mga mata ko. Lord gabayan niyo po ako, wag naman po sana.

Pero naputol ang lahat ng 'yon ng itinutok ito ng lalaki sa direksyon ko at walang ano-anong ipinutok ito.

Napapikit nalang ako. Ito na yata ang katapusan ko. Pero nagulat nalang ako nang may taong tumulak sa akin at naramdaman ko nalang ang mabigat na katawan na nakadagan sa akin kasabay nang malakas na pagsalpok ko sa semento.

It Started with a Kiss [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon