60

245 11 0
                                    

REIN.

"P-pa, anong nangyari? Paano? Nakaligtas ka ba? Paano yun nangyari? Akala ko wala kana. Bakit dika agad nagpakita sa akin? Ilang taon din Pa, bakit dimo ako naisip? Napakatanga ko, pinaniwala ko ang sarili ko na wala kana" I said while tears are strolling down to my cheeks.

I tightened the hug, ganon din ang ginawa ni Papa. Hinahaplos niya ang buhok ko at ramdam ko ang paghalik niya doon.

I never expected this, na mayayakap ko siyang muli. Ilang taon na yung lumipas at akala ko talaga mag-isa na ako habang buhay. I never thought that this day would come.

I can't help but to cry and cry. Atleast I'm back with the arms of my father. Atleast mararanasan ko ulit ang magkaroon ng Ama.

"Ipapaliwanag ko sayo ang lahat Anak pero hindi ngayon. Wag muna ngayon. Patawad, patawad!" paghingi niya ng tawad.

Napailing nalang ako.

"W-wag Pa. Dimo kailangan mag-sorry. Ayos na yung malaman kong buhay ko"

Malaking palaisipan pa rin sa akin kung paano nangyari ang lahat. But I refuse to think about it. Masaya na akong malaman na buhay siya.

"Oo anak. Mahal kita at wag na wag mong iisiping hindi ako nagpakita dahil hindi kita mahal. Kinailangan lang Anak" he said between sobs dahilan para mapahagulgol na naman ako sa dibdib ng aking Ama.

I don't know his reasons pero alam kong ikabubuti niya 'yon o ako. Hindi makasarili ang ama ko. At alam ko 'yon.

Minutes have passed until he decided to broke the hug. Tiningnan niya akong maiigi at napangiti nalang ako ng ngumiti siya. Shit, na-miss ko yung hiwa-hiwalay na ngipin niya.

Pinunasan niya ang mga luhang natuyo sa pisngi ko, inalis niya rin ang mga buhok na natabing sa mukha ko.

"Na-miss kita Anak" aniya pagkatapos ay hinalikan ako sa noo.

""Na-miss din kita Papa" ayon na naman ang mga luhang mabilis na pumaligid sa mata ko. Pinilit ko ang sariling wag 'yon mahulog. "Salamat dahil buhay ka"

"Wag kang magpasalamat sa akin Anak, sa Panginoon dapat. Siya ang nagligtas sa buhay ko" aniya. Napatango-tango ako. Salamat po Panginoon.


"Opo Pa"

"May naghihintay sa'yo Anak" alam kona kung sino ang tinutukoy niya. Kahit pa iniiyakan ko si Papa ang kaharap ko, siya pa rin ang sinusulyap-sulyapan ko. I goddamned miss him, gusto ko siyang yakapin.

"Opo Pa" sinulyapan ko siya.

Nakatulala siya sa akin at diko alam kung napansin niya ba ang mga pagsulyap ko.

"Mabait na bata yan Anak." sabi ni Papa, nangunot ang noo ko. Kilala niya si Grey?

"Kilala mopo siya? Paano?" tango ang isinagot niya.

"Nakipagtulungan ako sa mga Pulis at sa'kanya Anak. Ako ang nagturo sakanila kung saan ka dinala, at inamin ko ring kasamahan ako ng mga dumukot sa'yo Anak" napakurap-kurap ako, pinoproseso ang sinabi niya.

Nilamon ng kaba ang dibdib ko sa naisip.

"Pa, hindi ka naman makukulong diba?" hindi naman siguro diba?, wala naman siyang napahamak na tao, sinaktan.

Laking ginhawa ko ng umiling siya.

"Hindi ako pumatay ng tao Anak, wala akong ginawang masama, tagalinis at tagaluto lang nila ako. Hindi ako pumapayag na utusan na manakit ng ibang tao."

It Started with a Kiss [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon