56

147 8 0
                                    

REIN.

Masakit na ang ulo ko dahil sa kakasingot ng usok na kanina pa nilang binubuga sa bunganga nila. Halos silang lahat yata ay nagsisigarilyo, at wala man lang silang pake kung saan nila binubuga.

I hate smoke, hindi dahil sa hinihika o may sakit ako kundi dahil sa ang sakit nito sa ilong na pumapasok yata sa utak ko.

Plus their scents amoy nang usok amoy pang alak. Ang sasakit nila sa ilong. Anubayan? Masakit na nga ang tiyan ko, masakit pa ang ulo at ilong ko.

Isang buong araw na yata akong di nakain. Hindi nila ako pinapakain, ni tubig wala. Kanina pa kalam ng kalam ang tiyan ko pero wala man lang nakakapansin.

Hindi ba ang mga hostage pinapakain pa rin nila? Kase ako yung alas nila, kaya kailangan akong ingatan. But what are they doing? Habang sila kumakain ng mga kung ano-anong pagkain, ako dati nagmumukmok habang tumutunog ang tiyan.

Wala naman akong magagawa, tingin ko naubos ang tapang ko sa sobrang lakas at bigat ng palad ni Rodrigo, may lahi yatang bato ang taong 'yon. Isang sampal lang naging isa akong kawawang bata.

Pag may mga lalaking dumadaan ay tinatawanan nila ako. Siguro dahil sa mukha kong paniguradong mukha ng basahan.

Naalala ko kahapon na naglagay pa ako ng make-up bago pumasok ng trabaho, siguro nagkalat na ito ngayon dahil sa kakaiyak ko dahilan para pagtawanan ako ng mga taong 'to.

E anong magagawa ko dito? Kundi mag-iiyak na lamang. Anong alam ko sa pagtakas? Aminado naman akong umaasa nalang ako kung may tao bang handang tulungan ako.

Napatingin nalang ako sa malaking bintana, makikita doon na maliwanag na ibig sabihin umaga na.

Nakakatakot.

Nakakatakot na baka sa mga susunod na mga araw hindi ko na makikita ang liwanag ng kalangitan, and cheesy pakinggan, pero kase diko maiwasan

Nakakatakot din na may mga pangyayaring hindi ko na masasaksihan. Sa kalagayan ko ngayon hindi malabong mangyari 'yon. Hawak ako ng mga kriminal at galitin ko lang sila ng bahagya, kaya nilang pasabugin ang ulo ko. Lalo na walang mga puso ang mga kriminal, They will do what they want, even killing innocent peoples.

Kamusta na kaya si Grey? Alam niya na kaya na nandito ako sa pugad ng mga kriminal? Ano kaya ang mga ginagawa niya upang mahanap ako?

I wish he's okay. I wish he's safe

Seryoso akong nakatitig sa labas ng bintana ng may bigla nalang bumukas ng marahas sa pinto. Napalingon ako doon. Nakapamulsang pumasok doon si Rodrigo, may kasama siyang isang lalaki na may dalang plato na may lamang pagkain.

Naalala ko ito. Siya yung tumingin sa akin ng mahulugan kahapon na hindi ko naman maintindihan.

"Mukhang gutom na ang senyorita. Mabuti at mabait-bait pa ako at pinadala kita ng makakain. Magpasalamat ka may bonus ako kay Boss ngayon" lihim na napairap ako.

Edi Salamat (Note the sarcasm please)

"Pero bago 'yon ay may maganda akong balita tungkol sa nobyo mo.." tila nagpanting yung tenga ko sa narinig.

Lumingon ako sa kaniya ng kunot-noo. Anong tungkol kay Grey?

"Alam mobang ang magaling mong nobyo ay nilumpo ang kaniyang sariling tiyuhin? Napakatangang bata naman non. Magdududa nalang sa sariling kadugo pa" what? Parang hindi ko naintindihan.

Bakit niya nilumpo ang Uncle Ronnie niya?

"Akala siguro ng batang 'yon ay ang Ronnie na 'yon ang nagpapadala ng mga banta sa kanya at ngayon na nawawala ka paniguradong yun din ang sisihin niya. Wala e ang pag-ibig nakakabulag.." unti-unti nag-proseso ito sa utak ko.

It Started with a Kiss [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon