24

236 15 5
                                    

A/N: Expect typo's and wrong grammars

~~•~~

REIN

It's been one week simula nung mag-date kami kasama sina Pepay at Pandoy. Hindi rin natuloy yung date namin ni Grey kinabukasan dahil diko na pinatuloy dahil nagpunta kaming probinsya nila Auntie dahil doon nga pala nakaburol yung mga kamag-anak ko at sila Mama at Papa.

Dahil hundas na nun kailangan talaga naming umuwi nang probinsya dahil tradisyon na namin 'yon. Nagsasama kaming lahat magkakamag-anak tuwing hundas.

Gustuhin ko mang isama si Grey sa pagdalaw kina Mama tsaka Papa e hindi pwede dahil diko pa naman siya napapakilala kay Auntie bilang manliligaw ko.

Siguro sa susunod nalang. Malapit lang naman ang probinsya namin sa Makati e, mga tatlong oras lang byahe.

At ngayon back to school na ibig sabihin lang non stress na naman. Ang dami pa namang kailangan i-submit buti nalang ginawa ko lahat.

Si Raiza bukas pa daw ang uwi. Ibig sabihin mag-isa ako ngayon. Wala naman akong ibang kaibigan dito sa school e maliban nalang kina Joyce at Jodie na lately dikit nang dikit saakin. Gusto daw nila makipagkaibigan.

Bago pumasok e nagpunta muna ako nang Starbucks. Harapan lang naman nang campus 'yon e

Dinala ko nalang yung cup nang kape. Di na ako nagtambay don. Gusto kong i-check muna yung mga project na ipapasa ko.

Malapit na ako sa building nang may bigla nalang tumakid saakin. Buti nalang hindi natapon yung kape sa damit ko. Dumiretso yun sa lupa at dun natapon. Sayang kamahal palang nun e.

Sino ba kasi-Oh kung minamalas ka nga naman oh. Keaga-aga tatlong bruhilda ang makakasalubong ko.

Silang tatlo nakataas yung kilay saakin tapos nakacross-arms pa. For sure mambu-bully nanaman 'tong mga 'to. Nakakasawa, nakakasawang maapi. Lalabanan ko na 'tong mga 'to e.

Nakatingin lang sila saakin walang nagsasalita. Lalagpasan kona sila pero hinawakan ako sa braso ni 'Queen Bee' daw este Natasha.

"Sino ka sa inaakala mo" bigla niyang tanong. Ano nanaman ba pinuputok nang butchi nitong babaeng 'to? Ramdam kona yung mga kuko niyang bumabaon sa braso ko. Binawi ko yung mga braso ko tsaka hinimas-himas.

"Ano na-naman ba 'to ha?" Napipikon kong tanong. Nagmarka yung mga kuko niya sa braso ko e.

"Anong klaseng pagpipikot ba ang ginawa mo kay Grey ha?" tanong niya. Ahh alam kona pinaghuhugutan nang galit nang bruhang 'to.

"Ano bang pikot pinagsasabi mo. Diko naman siya pinikot ah" sagot ko. Konti nalang papatulan ko na 'to.

Agaw-pansin na rin kami dito. Ang dami nang nakatinging mga estudyante.

"Ikaw, ang landi mo talaga e noh. First Renz then now it's Grey. You're not even pretty or sexy but why do they always end up in liking you. You're a slut" aniya habang dinuduro ako. Dun na ako napuno.

Huminga ako nang malalim

"Alam mo kaya ka nila di nagugustuhan? Dahil sa ugali mo. Kung ako slut e ano kapa 'super slut' o kaya para mas maganda 'flirty bitchy slut'. Punong-puno na ako sa'yo Natasha. You did'nt even know me kaya wag mo akong husgahan. Hindi porket mayaman ka e may karapatan ka nang manghusga nang mas nakakababa sayo" dire-diretso kong litanya. Pinupuno ako nitong bitch na 'to e

Huminga muna ako nang malalim. Tinignan ko yung nasa harapan ko konti nalang sasabog na siya. Kitang-kita yon sa pagkakakuyom nang kamao niya. Tinignan ko yung paligid halos lahat sila nakanganga yung iba nakatakip pa yung kamay sa bunganga. Nagtataka dahil ngayon lang ako lumaban nang ganito e.

It Started with a Kiss [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon