26

205 16 5
                                    

A/N: Expect typo's and wrong grammars

~~•~~

REIN

Nasan ako? Bakit puti lahat? Patay naba ako? Waahhh! Hindi pa pwede sasagutin kopa si Grey, papag-aralin kopa sina Pandoy at Pepay at syempre mag-aayos pa kami ni Auntie. Pero imposible dahil may mga nakikita pa akong mga gamit. May mga naririnig din akong mga patak nang tubig at naaamoy na mga gamot.

Bakit may nakahawak sa mga kamay ko. Hindi ko malingat ang ulo ko dahil sobrang sakit nang buong katawan ko. Hindi ko tuloy makita kung sino yung nakahawak saakin.

Dahil diko magalaw yung ulo ko. Bahagya ko nalang ginalaw yung mga daliri ko dahilan para gumalaw din yung nakahawak saakin.

Dinungaw niya ako at si Grey pala. Diko alam pero unti-unting namuo yung luha sa mata ko. Buhay pa ako!!.

"Rein, you're awake" aligaga niyang sabi. Pano ba naman kase e hindi niya alam kung anong gagawin niya. Kung sa ibang sitwasyon sana e pagtatawanan kopa siya pero hindi ko magawa. Diko magalaw katawan ko. Pinunasan niya yung mga luha ko gamit yung hinlalaki niya tapos bigla niya na lamang akong niyakap.

'Arayy' yun sana sasabihin ko pero walang lumabas na salita galing sa bibig ko.

Pagkakalas niya nang yakap saakin e tinignan niya ako. May namumuo ring luha sa mga mata niya.

Feeling ko uhaw na uhaw ako.

"Tu-tu-tubigg" halos hangin lang yung lumabas sa bibig ko pero sinikap kong linawin 'yon.

Tumango siya tapos kumuha siya nang container na nay straw para mapainom ako. Inilagay niya sa bunganga ko yung straw tapos sumipsip ako dun. Para akong ilang linggong walang kain. Parang ngayon lang ako nakainom. Halos naubos ko yung laman nang container

Pagkatapos kong uminom ay lumapit ulit siya sakin. Umupo siya dun sa may upuan tapos hinawakan ulit yung kamay ko.

"I'm glad you're awake my love. Wait for me okay tatawag lang ako nang doktor" tumango ako tapos lumabas na siya.

Ilang araw ba akong nakahiga dito sa kamang 'to? Gutom na gutom ako. Gusto kong kumain. Asan naba yung ibang tao dito? Si Grey lang ba ang nagbabantay saakin.

Ilang sandali pa ay pumasok na yung doktor. Ang dami niyang tsinek sa katawan ko. Inilawan pa yung mata ko. Nandun lang sa likod si Grey kasama yung ibang nurse. Buong pagche-check saakin e nakatingin lang ako sakanya ganon din siya.

Gusto kong maiyak! Buhay pa ako magagawa kopa yung mga gusto kong gawin.

Walanghiyang may-ari nang kotseng 'yon gusto ko siyang patayin. Siya yung dahilan kung bakit nararanasan ko 'tong sakit na 'to.

"She needs rest. Hindi na niya kailangan pang i-ICU. Magpasalamat kayo at hindi umabot nang limang araw kundi mako-comatose siya" anang Doktor. May mga habilin pa yung doktor. Hanggang sa lumabas na sila kasama yung mga nurse.

Lumapit si Grey saakin, hinalikan niya yung noo ko. Nagtataka ako nasan ba yung iba. Si Grey lang ba talaga ang nandito.

Para bang bigla nalang narinig ni Grey yung mga tanong sa isip ko

"Sina Auntie mo e umuwi muna para sana ipandala ka nang mga damit. Ang mga kaibigan mo naman ay kauuwi lang. Dumalaw na rin sina Renz at Ella dito. But don't worry I contact them already papunta na sila dito" Tumango ako. Pero may isa pa akong tanong sa utak ko

"I-ilan araw a-ako dito?" medyo putol-putol kong tanong. Medyo hirap pa din sa pagbigkas.

"Tatlong araw na. Are you hungry?" tanong niya. Tumango ako

It Started with a Kiss [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon