👑Prologo👑

979 62 4
                                    

A/N: Hope you enjoy my first Fantasy Novel Series my dearest readers... So let's begin.

05/20/2020
Lovelovelove ♥️
_CJoyBerries_

👑👑👑

Noong unang panahon ang mundo ay binubuo ng limang Kontinente na nagngangalang Lanria, Crista, Seleb, Pubar at Dimbia. Ang mga kontinenteng may iba't ibang hugis, klima at mga paniniwala. Dito naninirahan ang mga mahiwagang  hiyopa, mga diwata at mga Panginoon na masasabing inihanda lamang nila ang mga lupain na magiging tirahan ng mga tao.

Hindi kalaunan sa pagdami ng mga nilalang na naninirahan sa mundo may walong natatanging angkan ang pinili ng mga Goddesses na kanilang ginabayan at maninirahan sa Kontinenteng Lanria.

Ang kontinenteng naging pinaka malakas at may nagkakaisang mga pinuno. Dito nabuo ang walong mga kaharian na may kabutihang loob, pantay ang turingan, nagtutulungan at lumalaban sa iba pang mga kontinente na nagbabalak lumupig sa kanila. Subalit pag tungtong sa pwesto ng pang ika-apat na henerasyon ng walong kaharian nagsimula ang hidwaan, inggitan at kaguluhan  na umabot sa punto ng digmaan sa Lupain ng Lanria.

Sino ang mag-aakalang ang isang siyam na taong gulang na babae noon na tinahak ang nakaraan para lamang makamtan ang kapayapaan ng kanyang lupaing kinagisnan. Ang siyang magdadala sa kanyang hukbo ng mandirigma ngayon, suot ang kanyang baluti at salakot na sumisimbolo ng kanyang katapangan kahit na siya ay babae.

Kakayanin niya kayang mabuklod muli ang samahan ng walong kaharian na isang siglo narin nagsama, ngunit winasak ng poot at pagkagahaman sa kapangyarian?

Mababago pa ba nila ang Quina , na naitala na mawawasak ang walong kaharian matapos ang digmaan?

Siya na ba ang sagot sa kapayapaan o siya ang mag dudulot ng isa pang kaguluhan?

Siya ang..

Princess of Ruby.

*****

"Ashta Prinsesa Zinniana... Hinihintay nalang namin ang iyong hudyat at ng masimulan na namin ang pagkilos." Sabi sakin ng aming Heneral.

Agad kong iwinasiwas ang aking kanang kamay at tumindig ng maayos habang nakatitig sa kanya ng malumanay.

"Busha Fero... Fero ... Siguraduhin ninyong maayos ang lagay ng mga karwahe, bagon at mga hiyopang kabayo dahil mahaba-haba ang ating lalakbayin, hindi ko gagamitin ang aking kapangyarian para lamang tayo ay makatungo agad sa Crista." Usal ko sa kanya ng malalim at agad niyang pinakilos ang kanyang mga commander.

"Tisha mahal na Prinsesa Zinniana... Pangunahan ko muna sila ... Balna." Sabi niya sakin at nilagay ang kanyang kanang kamao sa tapat ng kaniyang puso at yumuko siya sa at tumalikod.

Wala sa aking paniniwala ang madaliang pamumuhay. Mas nanaisin ko pa ang mag hirap kesa madalian kong makamtan ang aking nanaisin.

Agad akong umupo sa trono ng aking silid. Nilapat ang aking likuran sa malambot kong inuupuan. Ipinikit saglit ang aking mga mata. Bago nagsalita..

"Bakit kasi nila pinasimulan ang digmaan? Andami ko ring pinagdaanan marating lamang ang araw na ito. Ang pinakahihintay ng bawat Kaharian na mula sa Kontinenteng Lanria. Sinong mag aakala na kakabalik ko lamang mula sa nakaraan batid kong pati ang ibang mga tagapagmana ay kakabalik rin." Wika ko habang minamasahe ang aking sentido.

Heto nanaman ako kinakausap sarili ko.

Agad akong napabalikwas mula sa aking pag kakaupo ng biglang bumukas ang pinto ng aking silid. Bakit hindi man sila nag abiso na bubuksan ang pintuan ng aking silid.

"Greto.." Mahinang usal ko at nagsanhi ng aking pagkairita at pagkunot ng aking noo.

Agad akong lumuhod ng nakita ko ang Amang Hari na siyang pumasok sa aking silid. Bahagya itong humahalakhak habang nakatakip ang kanyang kanang kamay sa bibig.

' Nakita niya siguro ang masama kong tingin at ang kamuntikan kong pagkatapilok habang umayos ng upo kanina.' Wika ko sa aking isipan.

"Ashta Haring Castano" agad kong bati habang hawak hawak ang nakasuot saking baluti na yari sa ginto na may mga bato ng Ruby, tinanggal ang aking salakot sa ulo at bahagyang ipinatong ang aking kanang kamao sa tapat ng aking puso.

"Ashta Prinsesa Zinniana.. Kailangan mo ba talagang sumama agad sa digmaan mahal kong anak? Kababalik mo pa lamang sa ating Kaharian. Hindi mo ba maaring ipagpaliban ang iyong pagsama sa Kontinenteng Crista? Kahit bigyan mo lamang ang iyong sarili ng kaunting pahinga." Malungkot na sabi ni Ama. Kitang-kita ko ang pangangamba sa kanyang mga mata.

'Buwi aking Ama...' usal ko sa aking isipan.

'Alam mo naman ang sagot diyan ama bakit kailangang mo pa itong tanungin sa akin? Hindi ba't matagal narin natin itong pinag hahandaan.' Sabi ko lamang sa aking isipan.

Alangan naman sabihin ko ang mga iyan sa aking ama kalapastanganan naman iyon. Siya ang hari ng Ruby Kingdom at siya ang pinaka mamahal at iniidolo kong ama.

"Buwi Mahal kong anak alam ko naman ang sagot mo. Kung gayun maaari mo bang samahan kami sa hapunan kasama ang iyong Inang Reyna bago ka lumisan?" Malungkot na tanong ni Ama. Habang nakayukong nagsasalita.

Ramdam ko naman ang iyong pag aalala ama ngunit ayokong mangyari sa inyo ni Ina ang nangyari sa--

"Tisha ... Susunod na lamang ako sa iyo Amang Hari may ihahanda lamang ako." Ngumiti ako kay Ama at tuluyan na siyang lumabas sa aking silid.

Ihahanda ko lang naman ang aking mga armas para hindi na ko babalik dito sa silid mamaya.

Hawak ko sa aking kanang kamay ang aking salakot.

Bigla kong nakitaang maliit na palawit na ibinigay sakin ni Steven.

'Naisama ko pala ito. Dapat iniwan ko na ito sa mga gamit ni Linda.' wika ko sa aking isipan.

Parang pamilyar ang mukha ni Steven ngunit hindi ko mawari kung saan ko ba siya nakita. Hindi ko narin alam ang nangyari sa kanya pagkatapos ng unang digmaan na kinaharap ko mula sa nakaraan.

Makikita ko pa kaya siya?

Pero paano?

Sa ngayon kailangan ko munang mapagtagumpayan ang aking misyon.

Agad kong inilagay sa bulsa ng aking baluti ang palawit at lumabas na ng aking silid at tinahak ang silid ng aming hapag kainan.

👑👑👑

Ps. My dearest readers para mas maintindihan niyo itong mga kakaibang words ko punta lang kayo sa 2nd part ng book which the chapter's name (Diksyunaryo) nitong book and don't forget to press the orange star my dearest readers leave your comments down there. Muahhh Muahhhh ♥️

Princess Of RubyWhere stories live. Discover now