👑 Kabanata X👑

73 18 1
                                    

👑👑👑

Pagkasuot ko ng isang pulang toga na yari sa mamahaling pulang seda na may balahibo ng tupa na sinturon mula sa bigay sakin kanina ni Mamita, agad akong tumingin ako sa salamin at ngumiti at bahagyang umikot na parang ako parin si Prinsesa Belinda pero iba na ang hugis na aking mukha kulay ng aking balat at ang boses na lumalabas saking mga bibig. Nang tumingin muli ako sa salamin.

'Princess Zinniana Asiana-Taliba kaya natin toh'. Sabi ko sa sarili ko kahit alam kong mahirap ito para sa walong taong gulang na bata. Unang araw ko palang dito pero andami na agad nangyari.

Ngunit nagpapasalamat ako na nangyari sa akin ito sa tingin ko'y ito narin ang pagkakataon ko makapaglakad lakad sa mga kalye ng Ruby Kingdom sapagkat hindi ko pa naranasan na makalibot dito ng Prinsesa pa ko. Syempre iba parin itong nakaraan mundo, dahil dito nagsimula ang lahat. Panigurado maraming nabago dito paglipas ng isang siglo.

Isang napakagandang pagkakataon narin ito para makita ko ang bawat sulok ng Ruby Kingdom sa pamamahala ng unang mga Maharlika na nababasa ko lang sa mga libro sa silid aklatan ko sa palasyo.

Agad akong pumunta kay Ina pagkaayos ko ng aking buhok.

"Ina?" Masayang sabi ko habang niyakap ang kanang braso niya napangiti na lamang siya nung tinignan ako dahil parang alam niya ang sasabihin ko.

"Basta bumalik ka dito bago mag tanghalian ah. Ingat ka sa labas. Mahal na mahal Kita anak." Niyakap niya ako at hinalikan ang aking noo.

Anlaki ng ngiti ng aking mga labi sapagkat ito ang unang pagkakataon na makalabas ako Ng bahay mag isa. Walang nagbabawal, walang sumusunod at walang nag lilimita kung saan lang ako maaring pumunta.

Habang ako naglalakad sa iskinita may bigla akong nabunggong babae at sabay kaming napaupo sa lapag.

"Buwi binibini hindi ko sinasadyang ma--" napatigil ako sa pagsalita ng ipinakita niya ang kanyang suot na singsing. Na sinusuot ko sa palasyo sa hinaharap na mula sa unang...

Prinsesa...

Nanlamig ang aking katawan dahil kalapastanganan ang pagkabunggo ko sa isang Maharlika. Luluhod na sana ako ng hinawakan niya ang aking kamay at pinunta niya ako sa ibang lugar.

Nakakamangha paano niya nagawa iyon walang salita na lumabas sa kanyang bibig at hinawakan niya lang ang kamay ko. Pagkalapag namin sa isang hardin agad akong lumuhod at nagbigay galang.

"Ashta Prinsesa Emeri Lisa. Buwi ... Buwi... Ako'y dapat parusahan... " taranta kong sabi at dadapa na dapat ako ng pigilan niya ako.

"Tumayo ka na nga dyan Linda para namang hindi kita kaibigan niyan. Hay... Bakit ba kayo ganyan." At tinulungan niya akong makatayo habang nanlalamig ang kamay ko. Naalala ko lang din ang sarili ko sa kanya.

At ang mas ikinagulat ko...

Ang unang Prinsesa ng Ruby Kingdom ay kaibigan ni Linda Bonwar... Bakit hindi ko nabasa ito? O sadyang nakaligtaan ko itong basahin.

Agad kong ipinikit ang aking mata at nagdasal kay Goddess Athena.

'Aming Goddess Athena maari mo po bang tulungan ako kung paano nagkakilala si Prinsesa Emeri Lisa at Linda Bonwar.' agad namang tumugon si Goddess Athena.

Ipinakita niya sakin ang unang pagkakakilala ni Prinsesa Emeri Lisa at Linda Bonwar parang kagaya din ng nangyari samin kanina at paghingi ng tawad ni Linda katulad ng ginawa ko. Kaya naka balabal pala siya upang Hindi siya makilala ng mga tao at madalas silang nag kikita ni Linda sa iskinitang iyon at naging mag kaibigan sila. Madalas silang mag palipat lipat ng destinasyon upang mag gala at lumanghap ng sariwang hangin. Lahat siguro talaga ng Prinsesa ay nasasakal sa palasyo sapagkat kahit bata palang kami ay strikto na ang aming mga magulang para sa kaligtasan namin.

Kasi nga kami ang tagapagmana ng trono.

Kasi kami dapat ang huwaran sa palasyo..

Kasi sa amin tataglayin ang Kapangyarian ng Reyna dahil kami ang unang babaeng anak.

Kahit nais makisalamuha sa mas mababa samin ay hindi maaari dahil Maharlika nga kami.

Ang hirap ring maging Maharlika dahil maraming naipagkakait sa iyo na mga simpleng bagay ngunit kina iinggitan parin kami ng iba. Hindi lang nila alam kung gaano kami kalungkot.

At bahagya ko ng iminulat ang aking mata. At napabalikwas ako ng Makita kong ilang sentimetro nalang ang pagitan ng mukha namin ni Prinsesa Emeri Lisa kaya't napaupo ako sa may damuhan. At agad niya akong tinawanan ng malakas at inilahad ang kanyang kamay upang tulungan niya akong tumayo.

"Halika na Linda puntahan lang natin saglit ang aking mga kaibigan." Aya niya sa akin at agad akong sumunod sa kanya.

At ng makarating kami sa isang pribadong parke ng nisoa, sa bungad palang ay tanaw ko na ang mga Maharlika kasama ang kanilang kaibigan tila may pag pupulong na magaganap bakit niya ako --

Parang pamilyar ang mukha nung isang lalake parang nakita ko na siya.

Agad akong hinila ni Prinsesa Emeri Lisa upang ipakilala sa mga unang Prinsepe at Prinsipe ng Kontinenteng Labia. Grabe ang galak ng puso kong masilayan ko sila ng personal.

Binati ko sila isa isa at ng matapos ang kamustahan agad umakyat sa upuan ng parke si Prinsesa Emeri Lisa at iyon ang ikinagulat ko . Tila ba ginawa niyang entablado ang simpleng upuan.

"Ipinatawag ko kayong lahat upang sabihin na lahat kayo ay imbitado sa ika -18 kong kaarawan. Maliban sa mga Maharlika na sigurado naman dadalo. Ang lahat ng nandito ano mang antas ng pamumuhay ay malugod kong iniimbita para dumalo sa aking piging na gaganapin sa susunod na linggo. Kung problemahin niyo man ang kasuotan ako na ang bahala. Kung iniisip niyo naman ang regalo na ihahandog huwag niyo ng alalahanin sapagkat ang pagdalo niyo lamang at regalo na sa akin. Maraming salamat ulit sa inyong oras. Bumalik na tayo sa kanya kanya nating Kaharian baka hanapin na tayo ng ating mga Amang Hari at Inang Reyna. Maraming salamat muli." Masayang binigkas lahat ito ni Prinsesa Emeri Lisa at marahan siyang inalayan pababa ni Prinsepe Leopardio ng nagtama ang kanilang mata ay nagngitian lang sila.

Hindi ako makapaniwala parin. Nakita ko ang ikalawang Hari't Reyna na mamumuno sa Ruby Kingdom. Silang dalawa ang madalas kong basahin dahil sa kanilang pagmamahalang wagas. Ganoon rin naman ang aking Ishna at Ishta, ang mga magulang ng aking Inang Reyna.

Nang ibalik ako ni Prinsesa Emeri Lisa agad siyang nag paalam sakin.

"Balna mahal kong kaibigan, magkita ulit tayo dito sa susunod na umaga." Kumaway siya muli sakin bago tuluyang minahika ang sarili.

At ako nama'y babalik na sa aming tahanan dahil malapit narin ang tanghalian. Agad kaming kumain ni Ina at bumalik na ako sa silid ni Linda ng kami'y matapos sapagkat sabi ni Ina siya na ang maglilinis ng aming kinainan. Sumilip lang ako kay ina kung paano niya nililinisan ang mga pinggan dahil baka isang araw ako naman ang mag lilinis.

Hinalungkat ko ang mga gamit ni Linda Bonwar dahil nag babaka sakali akong may makitang redulata niya o ano mang sulat na magbibigay mg pagkakakilanlan niya sa akin.

At tama nga ako may nakita akong redulata mula sa isang lalake sa Peridot Kingdom.

Binasa ko ang redulata at tumambad sa akin ang isang pag amin ng pagmamahal kay Linda subalit wala pa siya sa wastong edad para isipin ang mga ganito.

At ang pangalan ng lalake ay Steven Mortez . Teka-- eto ata yung lalake sa may nisoa kanina. Kaya pala grabe ang titig niya sa akin.

Hay... Makatulog nga muna...

👑👑👑

Ps. Para po sa nalilito sa aking mga sinasabi balikan niyo lamang po ang 2nd page nitong book. Btw. Don't forget to press the orange star down there, also I'm waiting for your feedbacks just leave it in the comment box.

06-02-2020
Lovelovelove ♥️
_CJoyBerries_

Princess Of RubyWhere stories live. Discover now