👑Kabanata V👑

101 27 0
                                    

A/N: Enjoy reading my dearest readers...

05/27/2020
Lovelovelove ♥️
_CJoyBerries_

👑👑👑

Pagkapasok namin sa aking Silid-Aklatan agad tumungo si Ama sa lugar ng mga Alamat na libro at pumuli ng mga libro na kanyang babasahin para sa akin.

Samantalang kami ni Ina ay umupo na sa mga upuan sa harap ng napakahabang gintong lamesa.

"Mahal kong anak bakit mo biglaang nais malaman ang mga alamat ng mahiwagang hiyopa?" Tanong ni Ina.

Maari ko kayang sabihin? Siguro huwag na muna para hindi na sila mag alala sa aking kalagayan.

" Para lamang sa aking dagdag kaalaman mahal kong Inang Reyna. Nang mabawasan naman ang kalungkutan sapagkat nalalapit narin ang aking ika-siyam na kaarawan." Pagsisinungaling ko. Ayoko lang na labis nila akong alalahanin.

Bumalik na si Ama bitbit ang limang libro.

"Mamili ka muna ng isa mahal kong anak." Sabi ni Amang Hari.

Tinignan ko ang mga libro at pumukaw ng aking atensyon ang libro nga Apat na Esnogranda.

Agad kinuha ito ni ama at binuksan. Binasa niya muna ang unang pahina kagaya ng nabasa ko nung nakaraan saka pinakaikli na lamang ni ama ang kwento.

Mga walong oras rin akong nakwentuhan ni Ama at Ina at pumunta na kami sa kanya kanya naming mga silid dahil gabi na.

Pagkapasok ko sa aking silid agad ko nilapat ang aking likuran sa napakalambot kong higaan at ng titigan ko ang aming kisame muli itong naging isang kristal at nasilayan ko ang mga bituin sa kalangitan kasama ng napakaliwanag na buwan.

Sa palagay  ko'y ilang oras rin akong nakatitig sa kalangitan at may bigla akong narinig na ingay sa labas. Agad akong tumayo at sumilip sa aking bintana. Nakita ko ang tatlong babaeng nag lalaro sa may kakahuyan at nag hahabulan sa ilalim ng maliwanag na buwan.

"Sana makalaro rin ako kagaya niyo." Bigla ko nalang nasabi.

At kuminang ang aking singsing na dahilan ng aking pagpikit habang iniisip kong makapunta roon sa mga nag lalarong mga bata.

Bigla na lamang akong lumapag sa damuhan at narinig ng mas maingay ang kanilang sigawan. Nang imulat ko ang aking mga mata agad silang tumahimik at tila ba nakakita ng isang kaluluwa.

Agad silang nagsiyuko at bumating.

"Ashta Cluban mahal na Prinsesa" humawak  sila sa magkabila nilang mga toga at muling yumuko.

Binati ko rin silang "Ashta Cluban sa inyo." At hinawakan ko rin ang magkabilang gilid ng aking toga.

"Ako nga pala si Rosa at ang kakambal ko si Mela" pagpapakilala sakin ng matangkad na bata habang inakbayan niya ang kanyang kakambal na may katamtamang laki at mahaba ang kanyang buhok.

May narinig kaming malakas na kaluskos ng mga dahon agad kaming nag tabi-tabi dahil sa pag aakala naming may hiyopang leon o hiyopang tigre na papalapit sa amin.

At ng lumabas ito sa mga dahon isang batang babae ang lumabas. Agad itong natulala sa akin at agad akong binati.

"Ashta Cluban mahal na Prinsesa." Hinawakan niya rin ang magkabilang gilid ng kanyang toga.

Princess Of RubyWhere stories live. Discover now