👑 Kabanata VII👑

76 19 2
                                    

A/N: Enjoy mga ka berries

05/30/2020
Lovelovelove ♥️
_CJoyBerries_

👑👑👑

Bigla na lamang akong may narinig na ingay. At biglaang sumakit ang ulo ko at ang aking likuran.

"Linda anak gumising ka na dyan kakain na tayo ng almusal." Sabi nung isang babae sakin.

Ako ba ang tinutukoy niya?

Bakit naman niya akong tatawaging Lin--da. Ako'y napabalikwas mula sa aking pag kakahiga at agad kong minulat ang aking mata at tinignan ang aking paligid. Isang bahay na yari sa bato at may bintanang metal. Nasaan ako?

Napahawak ako bigla sa aking sentido at minasahe ito.

"Ahhh ansakit na ulo ko." usal ko ng mahina.

Lumapit yung babae sa akin para kamustahin ako. Siya siguro magiging Ina ko rito.

"Anak antagal mo atang gisingin ngayon samantalang lagi kang mas maagang magising samin." Sabi niya habang hinaplos ang buhok ko.

"Buwi Ina nahuli akong nakatulog kagabi kaya't napuyat ako." Pagsisinungaling ko

Eh hindi ko nga alam ang ikikilos ko dito. Paano na ito?
Mahabag kayo sa akin Goddess Athena nawa'y gabayan niyo po ko sa tamang gawaing bahay.

Sabi ko nalang sa isip ko habang nakapikit.

Biglang may katok kaming narinig mula sa pinto. Agad binuksan ni Ina.

Nanlaki ang mata ko ng makakita sa malapitan ng isang Scout dahil sa Kaharian mga kawal lang ang nakikita ko. Ay oo nga pala ako na si Linda Bonwar.

Pinatong ng scout ang kanang kamao niya sa harap ng kanyang puso at yumuko sa harapan ng ituturing kong ama.

"Ashta Commander Bonwar ipinapatawag na po kayo ni Heneral Vargas sa kampo." Agad tinapos ni ama ang kanyang almusal isinuot ang kanyang baluti at salakot, kinuha narin ang kanyang espada at lumapit samin upang halikan ang noo ni Ina at noo ko.

Niyakap kaming sabay ng sobrang higpit.

"Balna Mahal kong asawa at Mahal kong anak. Hintayin niyo ang aking pagbabalik. Ubinara" At winagayway ni Ama ang kanyang kamay at sinarado na ang pinto.

Isang commander ng scout ang ama ko rito. Siguradong malaki ang matutunan ko sa kanya. Nang tinignan ko ang aking Ina malungkot na mukha ang bumungad sa akin. Kaya't agad kong kinausap siya.

"Ina bakit napaka lungkot ng iyong mukha? Nangako naman si Ama na babalik siya sa atin." Mababang boses kong winika.

"Buwi mahal kong anak. Lubha lang akong nag aalala sa iyong ama tuwing may digmaan sila." Tugon sakin ni Ina

Ganito pala ang nararamdaman ng mga pamilya ng aming mga mandirigma. Kung sabagay wala silang magagawa kung inutos ng mga Maharlika ito.

Tungkol rin ng mga mandirigma na sumama sa lahat ng digmaan.

"Ina nais ko pong sumali sa scout pagsapit ng tama kong gulang." mahinahong sabi ko kay Ina.

Princess Of RubyWhere stories live. Discover now