👑Kabanata IV👑

150 42 0
                                    

A/N: Enjoy reading my dearest readers.

05/24/2020
Lovelovelove ♥️
_CJoyBerries_

👑👑👑

Ang tagal ko rin nakaratay sa aking higaan ang pag aakala ko'y natulog lang ako ng isang araw habang naglalakbay diwa sa aking panaginip.

Kakaiba ang aking napanaginipan. Nasa loob ako ng isang kagubatan at hindi ko mawari kung saan ang daanan tila ba puno ng namahika ang lugar. At habang ako'y palakad lakad narating ko ang isang paraiso na napakaganda puno ng masaganang mga tanim at mga hiyopang nagdiriwang sa galak. Sana'y makita ko muli ang lugar na iyon sa aking panaginip o mahanap ko ang isang napakagandang lugar na iyon sa aming mundo.

Sa ngayon kailangan ko ng pumunta kila Ama't Ina kaya't ako ay naglalakad patungo sa silid ng aming hapag kainan.

Nasilayan ko ang paghahanda ng aming mga kawal sa labas ng palasyo ng kanilang mga iba't ibang mga armas , baluti at mga salakot ng ako'y makadungaw sa aming bintana, 'para siguro sa digmaan.' wika ko sa aking isipan.

Ako ay naglalakad kasama ang aming labingdalawang mga tagapaglingkod upang alalayan ako sa bawat pupuntahan ko.

Bata pa nga ako pero parang sanggol naman nila akong tratuhin pakiramdam ko sa sarili ko hindi talaga ako normal na bata kasi responsable, desiplinado at may pagmamahal ako sa lupain ng Ruby Kingdom.

Walang diskriminasyon sa amin lupaing Lanria lahat ay may pag respeto sa bawat nilalang na naninirahan rito. Ngunit pansin ko lang ang dalawang Kaharian na tinutuluyan ng mga Maharlika ay mula sa babaeng angkan. Katulad na lamang ng Peridot at Ruby.

Ay maalala ko pala ang sinunod naman pala ng Libirana-Virgata at Lumiba-Astina ay ang Kaharian ng lalakeng angkan yun ang Amethyst at Aquamarine ngunit ang sinasamba nilang Panginoon ay ang Goddesses na mula sa babaeng angkan si Goddess Persephone na mula sa Garnet Kingdom at si Goddess Artemis naman mula sa Emerald Kingdom.

Sa aking pagmumuni muni malapit na pala kami sa hapag kainan.

At pagka dating ko sa pintuan ng aming hapag kainan agad akong pinagbuksan ng dalawang kawal na nakabantay.

Kahit hapag kainan namin nasa iisang silid hindi ko nga mawari kung bakit ang mga hapag kainan ay nasa loob ng isang silid.

Napakaraming pintuan dito sa palasyo na nababalot ng ginto na may kasamang bato ng Ruby syempre nga naman Ruby Kingdom nga eh.

Nginitian ko na lamang sila habang binati nila akong...

"Ashta Prinsesa Zinniana" at yumuko bilang pag galang.

At nakita ko na sila Ama at Ina na nakaupo na.

Kaya't marahan akong lumakad papalapit sa kanila at pagkarating ko agad akong nagbigay galang.

"Ashta Haring Castano." Yumuko ako sa aking ama at hinawakan ang magkabilang gilid ng aking toga. At yumuko din sakin si ama at sinabing.

"Ashta Prinsesa Zinniana."

At binati ko din ang aking Ina.

"Ashta Reyna Heather." Ginawa ko ulit ang ginawa ko kanina at ngumiti si Ina yumuko din sakin at sinabing

"Ashta Prinsesa Zinniana."

Princess Of RubyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon