👑 Kabanata XIX 👑

44 14 0
                                    

👑👑👑

Ang tatlong babae na ito ay tila ba ang mga naging kaibigan ko sa hinaharap magkambal ang dalawa at ang isa ay kaibigan nila. Sana ay makasama ko pang muli si Rosa, Mela at Santan.

Nang pabalikin kami sa loob ng gusali agad kaming nag tungo sa palikuran para linisin ang aming mga katawan. Mag hahapunan narin pagnatapos kami maglinis kaya't magsusuot kami ng pulang kamiseta at itim na maong na pantalon bilang aming uniporme tuwing kakain.

"Linda iba ang mukha mo kanina habang iniisip yung KA-IBIGAN mo este kaibigan." Panunukso ni Acacia.

" Dapat kasi nagpaalam ka muna sa kanya bago ka pumasok dito." Dugtong naman ni Molave.

Napairap na lamang ako. Talaga tung mag kambal na ito. 'pero dapat nagpaalam nga muna ako kay Steven bago pumasok dito. Teka-- ano bang iniisip ko' napailing na lang ako ng mapansin kong kinakausap ko ang sarili ko.

"Mahal mo?" Biglaang tanong ni Synthia.

"Ano ba kayo kaibigan ko lang siya, parehas din namin pangarap maging scout." Mahinahong sabi ko habang kinukuskus ko ang katawan ko na medyo mahapdi parin dahil sa araw kanina.

"Laban lang tayo walang susuko magiging scouts rin tayo." Sabi ni Molave.

Binilisan namin maligo at nagbihins na agad. Pagkalipas ng sampung minuto tumunog na ang maliit na kampana. Paalaala na kailangan na namin maghanda para sa hapunan. Tumunog na ang pangalawang batingaw kaya't pumunta na kami sa gusali ng minoba. Dito nag titipon tipon ang lahat ng mga scouts at mga mag aaral upang kumain. Maari ko rin makita si Ama't Ina.

Pagkapasok nami'y kumuha kami agad ng pwesto at iyon na ang magiging pwesto namin habang nandito pa kami sa kampo. Napakarami rin pala ang bilang ng mga scouts at mga mag aaral nito. Para narin kaming isang pook sa loob ng Ruby Kingdom.

Hindi rin mahulugan ng karayom itong Minoba. Medyo malabong masila--

Napatulala na lamang ako sa aking harapan ng dumaan sila Ama't Ina habang nakasunod ang iba pang scouts. Binati namin sila at nakatitigan lang kami ng mga magulang ko. Gusto ko silang yakapin mabuti na lamang hindi ako mangungulila dito sa loob ng kampo. May pagkakataon na maging guro ko pa sila.

Nangungusap ang aming mga mata ng panandalian agad rin silang tumungo sa lamesa ng kanilang grupo.
Nang ibalik ko ang tingin ko sa tatlo kong kasama. Nginitian lang nila ako ng mapait.

"Pangako hindi kami mag sasalita." Sabi ni Acacia at tinaas pa nila ang kanilang kanang kamay saktong lebel sa may ulunan.

Mukhang alam na nilang magulang ko sila Ama't Ina na dalawang pinakamatataas na commander ng kampo.

"Banwa... Alam niyo naman siguro ang patakaran dito sa kampo " sabi ko.

" Alam namin at paniguradong alam mo rin kung saan kami nagmula." Usal ni Synthia.

" Kaya tayo pinag sama-sama dahil mayroon tayong pare- parehas ng estado ng buhay." Wika ni Molave.

" Mabuti na lamang at sinuportahan tayong maging scout ng ating mga pamilya. Hindi katulad ng ibang mararangyang pamilya na puro pagpapayaman lang ang iniisip." Sabi ko.

Biglang tumunog na ang tambuli hudyat na kailangan na naming pumila para sa aming mga pagkain. Naiwan si Molave upang bantayan ang aming inuupuan. Kailangan rin kasing may representate sa bawat lamesa kada grupo.

Ngayong ko lang naranasan ang ganito karami ang nakapila para sa pagkain. Kahit sa mansyon ay mayroong tagapaglingkod upang isilbi samin ang pagkain. Nagkatinginan kami nung sumundo dati kay ama sa luma namin bahay at agad siyang yumuko lamang sa akin bilang pag galang. Anak ako ng kanilang commander kaya't marapat lang.

Princess Of RubyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon