👑 Kabanata XXXV 👑

61 13 0
                                    

👑👑👑

Mabilis lumipas ang isang buwan naming pag sasanay sa Kontinenteng Labia. Ngayon ay nag hahanda na kaming pabalik sa Kontinenteng Crista kasama ang mga Antaro at mga scout ng Peridot Kingdom.

Nang matipon ko na ang aking mandirigma agad kong minahika ang pagbalik namin ng agaran sa Kontinenteng Crista. Mayroon na lamang kaming dalawang buwan upang paghandaan ang huling digmaan , doon malalaman ang pagpapasya sa magiging resulta ng paligsahang ito. Sa ngalan ng aming mga Panginoon igagawad ang gantimpala na nararapat sa tatanghaling kampeon.

Matapos naming marating ang Kontinenteng Crista agad hinanda ng aking mga mandirigma ang mga gagamitin sa digmaan. Isang oras nakalipas ay agad rin dumating ang hukbo ni Prinsepe Hadario kasama ang mga Antaro.

Agad silang tumulong sa mga armas na gagamitin. Mayroon silang dala na mga tinik mula sa mga halaman sa Kontinenteng Seleb. Ang mga tinik na ito at nakakalason na nag sasanhi ng pagka paralisa ng katawan ng sinumang matatamaan nito. Ikinabit nila ito sa mga pana.

Base sa pinag usapan sa bulwagan hindi gagamit ng mga hiyopang kabayo sapagkat magiging sagabal lang ito sa digmaan.

Habang may digmaan sa pagitan ng mga mandirigma kaming mga tagapagmana naman ay maglalaban gamit ang aming mga lakas at Esnogranda.

Tuwing umaga ginagawa ang mga armas. Tuwing gabi naman ang pag eensayo ng aming mga mandirigma. Naghiwalay ang mga pangkat ng namamana at pangkat ng nag eespada. Nakabuo na ng mga pinasamang bandila na winawagayway ng bawat mandirigma.

Lumipas ang isang buwan at nabalitaan narin namin ang pagiging magkasintahan ni Prinsesa Chamomile at Prinsipe Altairio. Samantalang kami ni Prinsepe Hadario ay laging nag duduelo at lagi niya akong nalalamangan ang kapalit nito ay halik ko sa kanyang noo. Nasasanay na siya sa lagi naming sitwasyon. Minsan iniisip ko dinaraya na niya ako.

***

"Handa ka na ba mahal ko?"  Tanong sa akin ni Prinsepe Hadario

" Tisha mahal ko. Ito na ang pinakahihintay ng lahat. Sana pagkatapos nito ay maging payapa nang muli ang walong kaharian." Tugon ko.

Pagkatapos naming ihanda ang aming mga mandirigma lumisan na kami upang puntahan ang katabing isla nito at doon namin gagamitin ang aming kapangyarian.

Pagkarating namin sa isla ng Gambu kung saan nagliparan ang mga sinasakyan naming Esnogranda.

Suot namin ngayon ang aming mga nakuhang mga kagamitan mula sa nakaraan.

Narinig na namin ang tambuli sa kabila tiyak akong nagsimula na ang digmaan.

Agad bumuga si Nomin ng itim na usok mabuting agad kong nalagyan ng proteksyon ang mga Esnogranda namin ni Prinsepe Hadario.

Pagkawala ng Usok nanlaki ang aking mga mata sapagkat wala na ang Dalawang Esnogranda na lulan ng dalawang Prinsepe. Tanging ang Esnogranda na lang namin ni Prinsesa Chamomile ang natira sa aking paningin.

"Ashta Prinsesa Zinniana.... Huwag kang mag alala nasa kabilang bahagi lamang sila. Tayo muna ang mag tutuos. " Malamig na wika ni Prinsesa Chamomile.

Ngumiti pa siya sa akin ng masama.

Greto...

Princess Of RubyМесто, где живут истории. Откройте их для себя