👑 Kabanata VI👑

87 19 0
                                    

A/N: Enjoy reading my dearest readers.

05/29/2020
Lovelovelove ♥️
_CJoyBerries_

👑👑👑

Nang ako'y magising bumungad sakin ang halimuyak ng mga rosas sa loob ng isang magarang silid at nang ilibot ko ang aking mga mata nasilayan ko ang mga gintong muwebles pati ang tatlong malalaking aranya na ginto rin. Ang aking hinihigaan ay napakalambot na koton tila ba'y ulap sa pagkalutang at lambot.

Tatayo na sana ako ng biglang bumukas ang pinto. At nagulat ako sa aking nakita maliwanag ang kanyang mukha at ginto ang kanyang suot, kaya't napatakip ako ng aking mata gamit ang kanan kong kamay sa harap ng aking mukha.

At nang unti-unting nawawala ang liwanag ay parang nalulusaw ang aking kaluluwa sa akinh pagkagulat ay nahulog ako sa isang malambot na puting alpombra. At agad parin akong lumuhod.

"Ashta Goddess Athena. Buwi sa aking pagkagulat ng ika'y aking makita. Nasilaw ako sa iyong ganda at kalapastanganan na takpan ko ang aking mga mata."

Yinuko ko narin ang aking ulo dahil kalapastanganan kong tumitig kami sa aming Panginoon kahit kami ay Maharlika. Namumuo na ang aking mga luha sa mata habang nag lalabasan ang mga malalamig na pawis sa aking mukha.

Narinig ko ang bahagyang pag hagikgik ni Goddess Athena. Na tila ba isang biro ang aking mga sinabi.

"Ashta Prinsesa Zinniana. Lenta Prinsesa at tumingin sa akin." Sabi niya kaya't agad akong marahang tumayo ng tuwid at dahan-dahang tumingin din kay Goddess Athena. Nakangiti siya sa akin. Hindi maikukumpara ang ganda ni Goddess Athena. Mala tunog ng alpa ang kanyang boses sabawat salitang kanyang binibitawan.

"Sakto lang ang iyong pagkagising. May ipapakita ako sa iyo bago ka tuluyan ibalik sa nakaraan. Sumunod ka sa akin" Wika sakin ni Goddess Athena.

Ng siya'y naglakad ng palabas ng silid agad akong sumunod. Limang metro ang distansya ko sa kanya dahil ayokong maapakan ang kanyang gintong kasuotan na napakakinang at napakahaba niyang buhok na kulay kayumanggi.

Tumigil siya sa tapat ng isang silid ng aking tignan sa taas ng pinto nakalagay ang...

Silid ng Mahika

Ano kayang gagawin namin sa loob? Tanong ko nanaman sa aking isip.

Bumukas ng kusa ang pinto at ng makapasok si Goddess Athena agad niya akong inutusan na pumasok narin sa loob. Nasa harap siya ng isang malaking gintong kawa na may likido sa loob, bumigbigkas siya ng mahika at hindi ko ito pinakinggan dahil kalapastanganan din iyon.

At ako'y sinenyasan ni Goddess Athena na lumapit narin sa kawa at ipinakita niya sakin....

Ang..

Nagaganap sa piging...

Nagdadatingan na ang mga bisita naming mga opisyal kasama ang kanilang mga pamilya.

Teka-- ang aking mga kaibigan ay anak ng mga opisyal. Lumaki ang aking mga mata dahil doon.

Paano sila nakapuslit na mag laro sa kakahuyan ng ganoong oras?

Nagsimula ng nagsidatingan ang mga Maharlika ng Walong Kaharian kasama ng kanilang mga tagapagmana at may huling dumating ang isang Taliba na nais nilang ipagkasundo sa akin ngunit hindi ko pa alam ang kanyang huling ngalan.

Itinuturing ko ng Limba at Limbu ang kanyang mga magulang bakit pa kasi kailangan sundin ang nakasanayang tradisyon na dapat manatili ang aming mga angkan na mag kasama hindi ba kami maaring umibig sa iba ? Ba--

Princess Of RubyWhere stories live. Discover now