👑 Kabanata XVII 👑

50 16 0
                                    

👑👑👑

Muli kaming nagkita ni Steven at sabay na muli nagpana ng mga mansanas sa mga puno.

At nasilayan na namin ang tarangkahan palabas.

Nakita namin ang apat na Maharlika na nakangiti ng lumabas na kami sa hardin.

"Kamusta naman ang inyong pag sasanay?" Masayang tanong ni Princess Emeri Lisa.

"Banwa Prinsesa Emeri Lisa nakakaenganyo ang mga elemento na taglay ng nisoa na ito." Masayang tugon ko.

" Alam niyo bang mahirap paamuhin ang mga higante doon? Kabusilakan lang ng puso ang makagagawa nun. Sana'y maging mabuti kayong scouts sa hinaharap." Sabi ni Prinsepe Leopardio.

Napangiti nalang kami at nagtinginan.

"Balna mahal kong Prinsepe... Balna Prinsesa Tilbera at Prinsipe Alli...Pati narin sa iyo Steven Mortez .. Mauna na kami ni Linda, bukas ulit." Pagpapaalam ni Princess Emeri Lisa at tuluyan niya ng minahika kami para ibalik ako sa mansyon buti tanghalian palang.

"Banwa Prinsesa Emeri Lisa napakasaya po doon sa nisoa." Masaya kong sabi.

"Hihiramin kita ulit bukas.. Para narin ito sa iyong pagsasanay." Mahinahong wika niya at umalis na.

Pagkapasok ko sa mansyon agad bumungad si Ina ng may nakakatakot na awra.

"Linda Lopez - Bonwar bilisan mo ang kilos mo may ensayo pa tayo pagkatapos mong kumain." Sigaw ni Ina.

Napatayo tuloy ako ng tuwid at tinapat ang nakakuyom kong kanang kamao sa tapat ng puso ko bilang tugon sa isang commander. Ibalik niyo na ang aking Ina. T.T

At dumirestyo na ako sa silid ng hapag kainan at mabilisang kumain at nagpaalpa ng sikmura bago simulan uli ang ensayo.

Nagsimula talaga, pag uwi namin dito sa mansyon kagabi iba na talaga awra at pakikitungo sakin ni Ina eh.

Ang bigat nitong pulang baluti na gamit ko ngayon walong taon gulang palang ako dito, malalambot pa ang aking mga buto kaya't grabe ang hingal ko habang suot ko ito habang pinapatakbo ako ni Ina sa espasyo ng masyon habang tirik pa ang araw ang sakit sa balat ah. Gusto ba talaga akong pasukuin nila Ina sa pagiging scout?

Bakit hindi nalang nila tutulan agad ito?

Hindi rin naman ako papapigil. Dahil misyon ko kasi ito.

"Mamayang hapon ang iyong Ishta ay tuturuan ka gumamit ng espada at tamang pag gamit ng sanggala. " matalim na sabi ni Ina.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at lumapit ako sa kanya at mahigpit siyang yakapin.

"Ina huwag ka ng magalit sa akin. Tutulan mo nalang ang aking pag pasok sa scout kung yan ang makakapag panatag ng loob mo." Habang namumuo na ang mga luha sa mata ko.

Niyakap narin ako ni Ina. At nagsalita.

" Ayokong pigilan ang pangarap mo aking anak. Nais ko lamang ipakita sa iyo kung anong mga kahaharapin mo sa tamang panahon. Higit pa diyan ang dadanasin mo. Mas lalo na walang anak anak sa kampo. Maari pa kayong ipadala sa Dako ng mga mababangis na hiyopa para lamang masubok ang inyong lakas. Kaya't sana kung nais mong maging scout simulan mo na mag ensayo ngayon para mag tagumpay ka sa iyong mga pangarap." Tuluyan ng tumulo ang mga luha ko at mas lalo akong niyakap ni Ina.

Princess Of RubyWhere stories live. Discover now