👑 Kabanata XXVII 👑

33 13 0
                                    

👑👑👑

Pagsapit ng ika- labing isang buwan ng taon nanguna na papuntang Kontinenteng Crista ang una hanggang ika-limang pangkat. Upang unti-unti gumawa ng lihim na kampo at mag espiya sa mga Arano.

Alam naming tuso at mapanglinlang ang mga Arano at kailangan naming mas gamitin pa ang aming mga utak para sa pagbuo ng mga taktika. Nalalapit narin ang huli kong misyon dito. Ngunit paano ako makakahanap ng isang mahiwagang sanggala? Nalalapit narin ang pagkawala ng mga magulang ni Linda Bonwar. Hindi ko man ito mapigilan sapagkat nangyari na ito mag isang Siglo naring nakaraan. Malapit ko narin malaman kay Goddess Athena kung ano nga bang nangyari kay Linda Bonwar matapos ang digmaan. Malapit ko narin makasama ang aking mga tunay na magulang. Kay tagal ko ring nawalay sa piling nila.

Lumipas ang isang buwan ay nabalitaan naming nabihag ang unang limang pangkat ng mga scouts kaya't nawalan ng depensa ang aming hukbo. Kailangan namin silang iligtas, pinipigilan akong sumama nila Ina't Ama ngunit hindi ko maaring ipagliban ang huli kong misyon dahil pagkatapos nito ay babalik na ako sa kasalukuyan. Kasabay ko nga sila ina sa pagbaybay sa isla malapit sa Kontinenteng Crista.

Sumakay kami ng isang barko at nilagyan ng proteksyon ng mga unang Maharlika kaya kahit ano mang patibong ang ilagay ng mga Arano sa ilalim na tubig ay walang silbi. Pagkalapag namin sa isang isla na may proteksyon rin ng mga Maharlika  agad namin ihinanda ang aming mga sarili para sa digmaan. Nakahanda narin kasi doon ang aming mga armas. Nag suot na kaming mga baluti at salakot ang lahat ng mga kababaihan ay hinanda na ang mga pana at nag hihintay na lamang ng hudyat mula sa aming mga heneral at sisindihan na namin ang aming mga palaso.

Biglang tumunog ng malakas ang mga tambuli mula sa Kontinenteng Crista. Agad kaming napasulyap sa mga maliliit na bangka na may mga bomba sakay ang aming mga kapwa scout. Bakit? Bakit ganito ang digmaan. Bakit ba kasi kailangan pang may mag buwis ng buhay para lamang sa kapangyarian? Tiyak akong ganito rin ang mangyayari pagbalik ko sa kasalukuyan Labia. Napakahirap pag masdan ang ganitong mga pangyayari.

Binaba na ang pulang bandila mula sa aming heneral. Sinindihan na namin ang mga palaso.

"FERGO....." Sigaw ng aming mga heneral at pinakawalan na namin ang mga palaso.

"BUSHA.... FERO .... FERGO...." Sampung beses na ulit ng aming mga Heneral.

Pag tingin namin sa mga bangka ay wala ng mga laman. At hindi sumabog ang mga bomba. Malapit na ang ibang mga scouts sa Crista sakay ng nag lalakihang mga barko. Sumunod narin kaming sumakay sa barko dala ang aming mga kalasag at espada. Para sa harapang duelo laban sa mga Arano. Malapit na ang pagtatapos ng aking misyon...

Pagkalapag namin sa lumiliyab na kontinenteng Crista. Agad tumanbad samin ang mga labi ng mga Arano. Kaya't dumirestyo na kami sa kanilang sentro upang lupigin na ang mga Arano.

Lumipas ang walong oras na pakikipag laban namin. Naubos na namin sila pero hindi ko parin nahahanap ang huli kong misyon...

"ANAKKKKKK...." Bigla akong napatingin sa harapan at may namamana pala sa akin.

Agad akong tinakpan nila Ina at Ama.

Naganap na...

Biglang lumiwanag ang paligid at lumiwanag ang tanda sa aking noo.

"Ang kalasag ng pag-ibig, ang pinaka malakas na sanggala ng sansinukob,walang makakapantay kahit ang poot. Balutin man na sakit, pag-ibig lang ang makapag hihilom."

Bigla kong narinig ang mga salitang ito bago inabot ang sanggala ng pag-ibig.

"Zinoya" Wika ko

At biglang lumiwanag at pakiramdam ko na hinigop ako ng mahika.

*****

"Maligayang pag babalik mahal naming anak." Bati sakin ni  Amang Hari.

" Ashta Lavishta..." Sigaw ni Inang Reyna.

Hindi na ako nagsalita agad ko silang niyakap.
"Ubinara aking mga magulang... Kay tagal ko rin kayong hindi nakasama." Tanging wika ko sa kanila.

" Ashta aming mga Maharlika. Isang redulata mula sa Konseho ng mga Maharlika." Wika ng aming Mensahero

Agad itong binasa ni Ama.
"Greto.... Ganyan na ba sila kasabik sa paligsahan ilang minuto pa nga lang nakabalik ang mga tagapagmana.." Galit na usal ni Ama.

Nalungkot na lamang ako dahil agad akong lilisan sa piling nila. Hindi na ko nag salita at tumungo na ako sa aking silid.

Dalawang oras lamang akong nagpahinga sa aking silid. Nang biglang pumasok ang aming heneral. Pinaghanda ko na agad sila.

Sumunod naman ang aking Ama.

Pagka ayos ko ng aking kasuotan kasama ang palawit na bigay sakin ni Steven agad ko ng tinungo ang silid ng aming hapag kainan.

Pagkapasok ko sa aming hapag kainan hindi si Ama't Ina ang nasa silid may isa pang batang lalake.

Sino siya?

"Ashta Haring Castano... Ashta Reyna Heather... Ashta --" Napatigil ako sapagkat hindi ko siya kilala.

Batid kong sampung taon lamang ang pagitan namin.

Tumayo siya para ako'y batiin.

"Ashta aking Hashna... Maligaya akong makilala ka." Masayang wika niya at agad niya kong nilapitan at niyakap. Niyakap ko rin siyang pabalik at hinaplos ko ang kanyang buhok.

Napaka gwapo ng aking hashna nakuha niya ang lahat ng pigura ni Ama.

Pagkaalis niya sa pagkakayakap agad ko pinisil ang magkabilang pisngi niya at hinalikan ko ang kanyang noo. Bigla siyang namula at yumuko.

Nahiya siguro sakin...

"Ashta mahal naming anak. Siya ang iyong Hashna si Prinsepe Rigel Asiana-Taliba. Magsimula ng maisilang siya ang iyong kawangis ay naglaho na kaya hindi niya nasilayan ang iyong imahe. Sampung taon ang inyong pagitan." Mahinahong wika ni Ina.

Agad na kaming nagsimulang kumain dahil agad akong maglalakbay papuntang Kontinenteng Crista. Makakasagupa ko nanaman ang mga Arano. Tiyak akong malaki ang galit ng mga ito sa amin.

Bago ako lumisan sa silid ng aming hapag kainan muli kong niyakap isa-isa sina Ama, Ina at ang aking Hashna.

Muli akong nag paalam sa kanila bago sumakay sa aking hiyopang kabayo. Mahabang lakbayin rin ito.

Nasa unahan ang aming Heneral, sumunod ang mga Commander , sumunod ang aming mga bagahe lulan ng mga bagon. Nakapalibot naman sa aking ang mga babaeng scouts at sa paligid namin ang mga lalakeng scouts.

Nakasabit ang aming mga sanggala sa kaliwa naming balikat mayroon rin kaming mga salakot nasa likuran ko naman ay ang aking kapa kasama ang aking pana at palaso. Bilang pag hahanda kung mayroon mang magtatangka na kami ay sugurin.

Ito na ang pinakahihintay ng bawat Kaharian. Ang dineklarang paligsahan ng Walong Kaharian. Tiyak akong naabisuhan narin ang iba pang Kontinente tiyak akong ipaglalaban rin nila ang kanilang mga lupain. Ngunit kailangan rin namin ang mga pwersa nila upang makihalubilo sa gaganaping digmaan.

Sana maging maayos rin ang lahat pagkatapos ang lahat ng ito.

👑👑👑

Princess Of RubyWhere stories live. Discover now