👑 Kabanata XVI 👑

51 16 0
                                    

A/N: Btw. I changed my username din mga kaberries labyu all. From Author_Cjoy into _CJoyBerries_

06-08-2020
Lovelovelove ♥️
_CJoyBerries_

👑👑👑

Nandto nanaman kami ni Prinsesa Emeri Lisa sa tagpuan nilang mga tagapagmana. Hindi ko nga mawari kung bakit kailangan nilang magtago upang mag kita-kita.

"Buwi Prinsesa Emeri Lisa sa aking pagtanong ngunit anong ginagawa natin ulit dito? " Marahang tanong ko ng makapasok kami sa tarangkahan ng isang parke.

" May ipapakilala lang ako sa iyo." Masayang wika niya.

Tumango nalang ako at naglakad ulit kami.

Nandoon na nag hihintay si Prinsepe Leopardio sa kanya. Kasama si Prinsepe Alli na naka akbay kay Prinsesa Tilbera. Napalinga ako sa may kaliwa nila Prinsepe Alli at Prinsesa Tilbera, may kasama sila na bata rin na lalake kung hindi ako nagkakamali ito si ..

"Ashta Prinsesa Emeri Lisa" sabi nilang tatlo.

"Ashta Prinsepe Leopardio ... Ashta Prinsepe Alli... Ashta Prinsesa Tilbera. " Bati rin ni Prinsesa Emeri Lisa sa kanila isa isa.

"Ito nga pala si Steven Mortez mula siya sa Peridot Kingdom kaibigan namin ni Prinsepe Alli at isa sa mga lihim na elishna ng aking mga magulang." Pagpapakilala ni Prinsesa Tilbera sa amin.

Agad nagbigay galang ito kay Prinsesa Emiri Lisa.. Greto ginoo isa rin akong Prinsesa bakit hindi mo rin ako batiin... Sabi kong pabiro sa utak ko.

Nang nagtama paningin namin... Parang kilala ko na siya dati pa... Pero saan ko siya nakita. Nabalot ng katahimikan ang lugar.

Sa pag kakaalala ko lamang ngayon ay may lihim silang pagtitinginan ni Linda Bonwar dahil meron siyang mga redulata sa isa't isa. Teka-- sumasagot kaya si Linda Bonwar sa mga redulata niya?

"Balita ko mag scout rin si Steven. Tama ba ako Prinsesa Tilbera?"Marahang tanong ni Prinsesa Emeri Lisa.

" Tisha... Bakit mo natanong Prinsesa Emeri Lisa ?" Tugon ni Prinsesa Tilbera

"Si Linda rin kasi papasok sa scout tatlong taon mula ngayon." Tugon ni Princess Sofia..

Teka-- ibig sabihin malapit narin mag siyam na taon si Linda Bonwar. Kelan?

"Kung gayun bakit hindi natin sila subukan para sa isang duelo?" Sabik na wika ni Prinsepe Alli.

Nagulat na lamang ako. Anong alam ko sa ganyan nag sasanay palang ako.

"Marunong ka bang sumakay sa kabayo aking kaibigan?" Tanong sakin ni Princess Sofia.

" Tisha mahal na prinsesa.. Matagal narin akong tinuruan ni Ishta." Sagot ko.

" Ihahanda na pala namin ang mga kabayo." Sabi ni Prinsepe Leopardio.

Teka-- ngayon na agad... Saan?

Sa loob ng nisoa? Paano?

Lumipas ang kalahating oras...

Nakahanda na ang dalawang puting kabayo sa harapan namin.. Saan nila kinuha ito.

"Galing yan sa aming kaharian. Kaya't huwag kayong mag alala." Pang sisigurado ni Prinsepe Leopardio.

Ang Alexandrite Kingdom na pinamumunuan ng mga Taliba ay nagtataglay ng mga magagandang uri ng mga kabayo kaya narin siguro napagkasunduan ng Asiana at Taliba na magsanib pwersa dahil sa pagkakapareho nila na pang digma ang kalakasan ng kanilang mga angkan.

Princess Of RubyWhere stories live. Discover now