👑 Kabanata XIII👑

59 17 0
                                    

👑👑👑

Pag sapit ng ika-lima ng madaling araw kinabukasan, agad pinatunog ang kampana sa templo upang gisingin ang mga mamamayan ng Ruby Kingdom ano man ang kaantasan sa lipunan. Bilang paghahanda para sa kaarawan ng Prinsesa Emeri Lisa Asiana.

Lahat ay naglinis mabuti ng kanilang mga tahanan samantalang ang mga scouts naman ang nakatoka sa pagsasabit ng bandiritas na pinag konekta gamit ang mga poste. Ang iba nama'y nagpapalibot ng mga pinaghalong puti at pulang rosal sa mga poste at pati ang tarangkahan ng Ruby Kingdom ay pinuno rin nga mga pulang rosal.

Habang ako'y palakad lakad sa may tarangkahan ng tahanan ng aking Mamita at Lolito agad akong tinawag ni Lolito sakay sa kanyang kabayo at ang tagapaglingkod nila'y may dala dala ring maliit na kabayo para siguro Ito sakin.

"Ashta Clasha aking mahal na hesta." Yumuko pa sakin si Lolito nun.

"Ashta Clasha mahal kong Ishta." yumuko din ako at hinawakan ang magkabilang gilid ng aking toga.

"Halika aking hesta sabayan mo ko sa pagkabayo ngunit magpalit ka muna ng iyong suot." sabi ni Lolito sakin kaya't pagkarating ko sa aking silid sinuot ko agad ang nakahandang mahabang pulang huwego-de-anilyo, maong na pantalon pang ibaba ,kulay kayumanggi na bota at isang maliit na sumbrero ng bakero.

pagkalabas ko ng bahay agad napa 'o' ang kanilang mga bibig nandoon narin pala sa may maliit na balkonahe sa harap sila Ina , Ama at Mamita samantalang si Lolito ay nakababa sa kanyang kabayo.

"Ashta Clasha aking mga magulang.... Ashta Clasha Mamita.." bati ko sa kanila habang inilagay ang aking kanang kamao sa tapat ng aking dibdib at yumuko bilang pag galang.

Kasi ang tradisyon sa aming kaharian pag hindi nakasuot ang isang babae ng toga ay kailangan ilagay ang kanang kamao sa tapat ng puso. Na para bang isang scout o bantay sa palasyo.

Agad rin akong binati nila Ama, Ina at Mamita ng Ashta Clasha.... Matapos nun ay dumirestyo na ako sa aking Kabayo at inalalayan ako ni Lolito sa pag akyat...

At nang makaakyat na si Lolito ay pinaandar ko narin ang aking kabayo..

"Yahhh" sigaw ko ay iginalaw na ang tali.

Agad itong tumakbo ng marahan at sinabayan si Lolito

"Hesta napagdesisyunan mo n ba?" marahang tanong ni Lolito sakin.

"Tisha ... Nais ko talagang maging Scout Lolito.. Nais kong paglingkuran ang ating Kaharian sa ganitong paraan." tugon ko.

"Kung gayu'y tuturuan kita sa pag gamit ng espada. Kung hindi mo natatanong naging Heneral ako ng scouts dati bago naging Opisyal" at pinabilis ni Lolito ang kanyang kabayo.

Agad ko itong hinabol gamit ang aking kabayo. Paikot- ikot lang naman kami sa paligid ng mansyon nila Lolito at Mamita. At nakatulala lang ako sa daan habang pinapatakbo ang aking kabayo. Isa palang Heneral si Lolito dati. biglang pinabagal ni Lolito ang kanyang takbo. Ganoon rin ang ginawa ko para makasabay muli si Lolito.

"Taglay mo nga ang dugo ng Lopez-Bonwar aking Hesta. Sana'y pag igihan mo ang iyong pagsasanay sa kampo. Halika't bumalik na tayo sa mansyon." wika ni Ishta at bumalik na kami.

"Hooohh"sigaw ko ulit sa aking kabayo at tumigil na ito.

Agad akong inalalayan pababa ni Ishta at dumirestyo na kaming hapag kainan at nakahanda na ang aming almusal. Wala kaming imikan ni Lolito hanggang sa pumasok na sila Ina, Ama at Mamita sa silid ng hapag kainan.

"Tisha mahal kong anak... Hahayaan narin kitang magsanay sa pagiging scout pagtungtung mo sa tamang edad." agad na wika ni Ama at bahagya akong nabulunan agad kong inabot ang isang baso ng tubig. Tinigil ko muna ang pagkain ko at tumayo para isa isang yakapin si Ama, Ina, Mamita at Lolito. At nagpasalamat sa kanilang pagsang ayon at pagsuporta sa akin.

"Magsimula bukas ay sisimulan na ang iyong pag eensayo. Mauuna muna ang pag papana." bilin ni Ama.

"Ika-3 parin ng madaling araw ang gising mo anak at maging responsable at disiplinado ka walang gigising sa iyo. Kaya't pag hindi ka agad nagising bukas ay may parusa ka." pagbabanta ni Ina habang matalim na nakatingin sa akin.

At ikinatakot ko. Ang aura ng katawan ni Ina'y iba hindi katulad ng aura niya pag inaalagaan ako ngunit bilang isang commander ng isang scout. Kaya siguro ang galing nila Ina't Ama sa pakikidigma at pamumuno ng mga scouts dahil taglay nila itong ganitong presensya at katangian.

Muli akong bumalik sa hapag kainan at pinag patuloy ang pagkain. Nagsi upuan narin sila Ama, Ina at Mamita sa aking harap wala tuloy akong katabi at ng tignan ko sila'y antatalim ng tingin nila sakin kaya't napalunok nalang ako at biglaang nasamid. Agad nila akong tinawanan talagang sinadya pala nila iyon nakakairita ngunit nakatingin parin ako sa kanila.

"Mukhang mahihirapan ka sa pag sasanay mo anak." wika ni Ama habang tumatawa.

"Mas lalo na at hanggang iyong pag sasanay sa scout ako ang magbabantay sa inyo." nakangising sabi ni Ina.

Tisha... Nabanggit nga ni Ina nung nakaraan na kung papasok talaga ako sa pag scout ay babalik rin siya sa serbisyo.

"Sa ngayon maghanda muna tayo para sa piging mamayang gabi. At dadalo tayo bilang isang pamilya." wika ni Lolito.

Hay ako lang ata ang walang taglay ng aura na pagiging matapang hindi ko maramdaman sa sarili ko. Pinagpatuloy ko ang pagkain ko.

Lumipas ang ilang oras natapos narin kaming mag tanghalian nagpa lakad lakad ako sa buong mansyon at pagsapit ng ika-3 ng hapon ay kumalembang nanaman ang kampana sa templo bilang hudyat na kailangan na mag handa ng mga mamamayan dahil nalalapit na ang piging at pagpasok ng iba't ibang Kaharian sa amin.

Kaya pumasok na ako sa aking silid at naglinis na ng katawan dahil aayusan na kaming tatlong babae sa may silid ni Mamita samantalang sila Ama at Lolito naman ang magkasamang nag aayos.

Kahapon bago kami umalis sa palasyo ay ipinadala na sakin ni Prinsesa Emeri Lisa ang ipinatahing ball gown mula sa kanilang patahian. Kaya't ngayon ito ang aking susuutin.

Inalalayan akong magsuot ng mga tagapaglingkod at naalala ko nalang bigla ang ganitong pag trato noong Prinsesa pa ako. Sinuutan rin ako nila Mamita at Ina ng mga mamahaling alahas na yari sa purong ginto at may kakaunting mga bato ng Ruby .

Pagkatapos naming mag ayos lumabas na kami ng silid ni Mamita. Nauna si Mamita sumunod si Ina at Ako.

Dahan-dahan lang akong maglakad na para bang isa parin akong Prinsesa at siguro yun ang nakitang aura sakin nila Ama, Ina, Mamita at Lolito kaya yumuko sila sa akin bilang pag galang.

At nag tungo na kami nila Ama at Ina sa pangalawang karwahe sa unahan naman sila Mamita at Lolito dahil hindi kami magkakasyang lima sa iisang karwahe dahil nasasakop ng aming mga gown ang espasyo sa loob.

At marahang umaandar na ang karwahe papunta sa Palasyo.

👑👑👑

P.S. Sana nagustuhan niyo itong Chapter na ito my dearest readers...
Ilang mga salitang nabanggit kanina:

Huwego-de-anilyo o Polo

Bakero o Koboy

Don't forget to press the orange star my dearest readers leave your comments also.

06-03-2020
Lovelovelove ♥️
_CJoyBerries_

Princess Of RubyWhere stories live. Discover now