👑 Kabanata XXIX 👑

36 13 0
                                    

👑👑👑

Habang nag diriwang ang buong Kontinenteng Crista naglakad lakad ako sa may sentro nila.

Bigla kong naalala ang nang yari dito sa nakaraan. Dito mismo namatay ang magulang ni Linda Bonwar.

Saan kaya napadpad si Linda Bonwar ? Hindi na niya natapos ang kanyang libro.

Pinuntahan ko ang rebulto na nasa pinaka sentro ng Crista. Napakaganda niyang babae. Isa ata siyang diwata? Dyosa?

"Siya ang aming Panginoon... Si Lady Blanca, siya ang bumuo sa Kontinenteng Crista. Isa siyang natatanging babae at ang angkan niya ang pinaka malakas na mga babae rito. Masasabi kong nasa hanay ako ng angkan niya. Ngunit natatangi ang iyong lakas at paniniwala mula sa iyong Goddess. Kaya natalo mo ako." Mahinahong wika ni Esmeralda

Napatingin ako sa ibaba ng rebulto. Naroon ang kasaysayan ng Crista. Agad ko iyong binasa.

---

Mula sa pamumuno ni Lady Blanca, nabuo ang kaharian ng mga Arano.

Ang mga babaeng Arano ang higit na mas malakas kesa sa mga lalake.

Ang nabuong tradisyon dito sa Kontinenteng Crista , para makapangasawa ang mga lalake ay nararapat nilang matalo ang babaeng kanilang iniibig o napupusuan.

At kung sila'y matalo ng tatlong beses ng babaeng iyon ay magiging alipin lamang sila nito habang buhay.

Natatangi ang kagandahan ng mga kababaihan ng Kontinenteng Crista, hindi ito maihahalintulad sa iba pang mga kontinente bukod sa Labia. Mula sa handog sa kanila ng kanilang Bathala na kagandahan at lakas na wala ninumang lalake ang mamaaring maliitin ang kakayahan ng mga babaeng Arano.

Si Lady Blanca ay nilikha ni Bathala mula sa lahat ng klase ng bulaklak na kulay pula. Wala siyang naging asawa. Tanging ang basbas ni Bathala ang dahilan kaya nagkaroon siya ng mga bunga. Na dahilan ng pagdami ng mamamayang Arano.

Bago umusbong ang Kontinenteng Lanria, napuno na ang bawat sulok ng Kontinenteng Crista ganoon din ang mga Kontinenteng Seleb, Pubar at Dimbia.

Mula sa napakagagandang silangan ang mga taga kanluran naman ang mga natatanging mga lalake.

Sa hilaga at timog naman ay ang mga naninirahan sa lamig, liwanag at kadiliman. Mayroon silang mga yelong tahanan na nagbibigay sa kanila ng sanggala tuwing gabi. Walang nag tatangka sa kanilang sumakop mas lalo na pag sumapit ng gabi dahil ang mga ito ay nagiging yelo.

Ako si Lady Blanca, gagabayan kayo hanggang nakatayo ang rebulto na ito.

---

Matapos kong basahin at akda sa rebulto agad kong tinungo ang aking heneral.

"Heneral Macario maiiwan ko muna kayo rito... Huwag kayo mag aalala iiwanan ko kayo ng proteksyon upang hindi kayo magapi kung sakali man may gawin sa inyo ang mga Arano." Paghahabilin ko

" Heneral Esmeralda aasahan kong hindi niyo ko tratraydurin habang wala ako." Wika ko sa kanya.

" Ashna ashna aking singsing bigyan ng proteksyon ang aking hukbo habang ako'y lumisan. Ashna Adente." Wika ko

Princess Of RubyOnde histórias criam vida. Descubra agora