👑 Kabanata XXVI 👑

41 12 0
                                    

👑👑👑

Sinimulan na naming muli ang pagsasanay. Habang hinihintay ang mga lalakeng scout na natagalan sa pagtapos ng kanilang pagsasanay sa isang isla.

Lumipas ang dalawang buwan.

Mas lumakas at bumilis ang pag pana namin ng sabay sabay. Nang biglang bumukas ang tarangkahan ng kampo.

Pangkat-pangkat ang pag dating ng mga lalakeng scouts. Ihinanda agad ng mga commander ang gaganaping seremonya.

Pilit kong hinanap sa kumpol ng mga scout si Steven ngunit wala akong masilayan.

Lumapit sa akin ang aking ama ng may maluha luhang mata.

"Scout Bonwar sumunod ka sa akin." Pautos na wika niya at sumunod nga ako sa kanya.

Nanlalamig ang katawan ko parang alam ko na ang sasabihin ni Ama. Pumunta kami sa lugar na kakaunti lamang ang scout.

"Anak hindi raw nila mahanap si Steven. Mag iisang taon na itong hindi mahagilap kaya't natagalan ang kanilang pag babalik. Pati ang kaibigan niyang si Raven Gala ay nawawala rin." Malungkot na wika ni Ama

" Bishna ama ... Bishna ... Imposibleng mawala ng biglaan si Steven doon. Alam kong kakayanin niyang makabalik ng ligtas. " Lumuluhang tugon ko. Nanlambot ang mga tuhod ko at hindi ko kayang tumayo.

Lumapit si Ama para yakapin ako. Nang may narinig kaming sigawan. Agad nagkaroon ng lakas ang aking mga binti. Mas lalo na ng narinig ko ang pangalan ni Steven. Agad na may lumapit sa aking ama upang bulungan ito. Masayang tumingin sa akin si Ama at tinuro ang gawing tarangkahan na maraming kumpol ng scout.

Biglang nagbigay daan ang mga lalakeng scout sa gawi ko. At habang papalapit ito sa akin mas bumibilis ang kabog ng puso ko.

"Costa aking mahal... Muli kitang nasilayan. " Wika niya at hinawakan ang aking kamay.

Hindi ko na napigilan ang aking sarili at niyakap siya sa harapan ng lahat ng scout.

"Ubinara aking mahal. Alam kong babalik ka." Lumuluhang wika ko habang nakayakap ng mahigpit sa kanya.

Nagtilian ang pinagsamang babae at lalakeng scout.

Pinatunog ang tambuli at umayos ang lahat ng mga scout nag hiwalay kami ni Steven at pumunta na siya kanyang pila. Sinimulan na nila ang kanilang seremonya sa ikalawang pagtatapos.

"Kayo na talaga.. Masaya ako para sa inyo Linda." Masayang wika ni Acacia at napatawa na lamang ako mas kinikilig pa siya kesa sa akin.

Lumipas ang isang oras...

Natapos narin ang seremonya kaya agad akong nag tago para hanapin ako ni Steven. Subalit pinagkanulo ako ng aking mga kapangkat kaya nahanap agad ako ni Steven.

Masama ko nalang tinignan mga kapangkat ko at kunware ay wala silang kinalaman. Napanguso nalang ako sa harapan ni Steven.

Napadila pa ito sa kanyang nga labi. Agad kong tiniklop ang aking mga labi.

"Bakit mo tinago mahal ko kakagatin ko lang naman." Nanunukso pa niya.

"Umayos ka diyan Steven nasa kampo tayo." Pag babanta ko ngunit ako ang mas kinabahan ng mas lumapit pa siya sa akin.

Lumapit siya sa kanang tenga ko at nag salita "Bakit mahal ko gusto mo bang lumabas muna tayong kampo?"

Mas na estatwa ako sa mga sinabi niya. May narinig ako mga yapak ng sandalyas kaya agad ko siyang tinulak palayo.

Princess Of RubyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon