👑 Kabanata III👑

170 43 1
                                    

A/N: Enjoy reading my dearest readers. Hit the orange star pag nagustuhan niyo yun kabanata.

02/23/2020
Lovelovelove ♥️
_CJoyBerries_

👑👑👑

Pagkahakbang ko sa lagusan sumalubong agad sakin ang napakagandang paraiso.

Mga punong napakataas, mga bulaklak na sumasabay sa hampas ng mahalimuyak na hangin.

Mga hiyopang kulisap na paikot ikot sa paligid at may mga diwata akong natatanaw na naglilingkod sa isang napakagandang palasyong yari sa ginto.

"Ashta Prinsesa Zinniana halika't puntahan mo ko sa aking palasyo." Mahinahong bulong ng isang boses ng babae sa kanan kong tenga.

Bigla akong kinilabutan at hindi ko matanto kung dapat ko bang ituloy ito.

Siya na kaya ang aming Panginoon?

Siya na kaya si Goddess Athena?

Napakahinahon ng kaniyang mga boses. Na tila ba himig ng isang alpa na pinapatugtug.

Lumakad na ako papunta sa palasyong ginto kagaya ng inutos sa akin.

Habang ako'y naglalakad pansin ko ang pagyuko sakin ng mga diwatang tagapaglingkod dito.

Nginingitian ko nalang sila.

Habang papalapit ako sa palasyo ay mas lalong gumaganda ang tanawin ng paraisong ito.

Ang aming Panginoon ay kilala bilang Goddess of Wisdom and War na nagbigay samin ng Kapangyarian na malugod namin inaalagan at napaka swerte namin at pinili niya kami.

Mula sa aming mga ninuno na hindi man hinangad ang labis na kapangyarian upang mamuno sa Lanria.

Habang ako'y naglalakad palapit sa palasyo ay bigla akong hinarang ng mga hiyopang kulisap. Agad kong kinapa ang aking singsing gamit ang hinlalaki ng aking kaliwang kamay pilit ko iyong inabot upang maintindihan ko ang batid sakin ng mga hiyopang kulisap.

"Ashta Prinsesa ... Batid naming naliligaw ka rito sa Kaharian." Sabi ng may kalakihang kulisap siya siguro ang pinuno nila.

"Bishna ginoong hiyopang kulisap... Nakikita ko na ang palasyo at tuwid lamang ang aking dadaanan." Mahinahong tugon ko.

" Ngayon ka pa lamang nakapunta rito mahal na Prinsesa kaya't yan lamang ang iyong nakikita. Tanging ang iyong Inang Reyna ang kayang lumakad ng tuwid diyan sa daanan dahil taglay niya ang kapangyarian na iginawad sa kanya ng Goddess Athena. Pero sa inyo Prinsesa pag itong daan na ito ang iyong tatahakin ay tiyak na babalik ka lamang ulit rito." Nangangambang wika ng pinunong hiyopang kulisap.

Ngunit anong panganib ang mangyayari kung ito parin ang aking tatahakin...

"Ibigay niyo sa kanya ang mapa." Maawtoridad na wika ni Goddess Athena.

Agad na nag kagulo ang mga hiyopang kulisap at pinuntahan ang kanilang tirahan para kunin ang isang malinis na puting seda. At ibinigay sakin.

"Balna Prinsesa sa ikalawang mataas na puno naroon ang kampo ng mga diwata magpatulong ka sa kanilang ilapat ng mapa ng Kaharian." Bilin sakin ng pinuno ng hiyopang kulisap. At nagbigay daan na sila para sakin.

Agad kong tinahak ang ikalawang mataas na puno. Bakit tila ang hirap marating ang ikalawang puno kanina ko pa ito napagmamasdan ngunit hindi ako makarating.

Pagtingin ko sa aking kaliwang kamay may mataas na punong nakagapos sa aking na tila ba pinipigilan akong makarating.

"Greto...." Wika ko at agad akong binitawan ng puno na dahilan ng aking pagkasubsob sa malambot na damo na aking nilalakaran.

Princess Of RubyWhere stories live. Discover now