👑 Kabanata XXXII 👑

40 12 0
                                    

👑👑👑

Sumapit na ang araw ng unang digmaan. Hindi maaring mangielam ang mga Maharlika rito. Tanging ang aming mga mandirigma ang aming maasahan magpanalo rito. Masusukat dito kung gaano ka desiplinado ang aming mga mandirigma.

Tumungo na kami sa katabing isla ng Kontinenteng Crista. Naroon ang Halimaw na nagngangalang Burzano isang makamandag na hiyopang gagamba na kasing laki ni Esnogranda Rougen.

Kinakabahan ako para sa aking mga mandirigma. Hindi ko rin sila pwedeng bigyan ng proteksyon.

Sa pangunguna ng mga Arano sumunod ang aking mga kalahi.

Ayon sa kanila ang halimaw na ito ay may nag iisang kahinaan ang kanyang mga mata. Kailangan nilang mabulag ang libo nitong mata upang mapatumba ang Halimaw na ito.

Ang mga galamay nito ay naglalabas ng mga tinik na nakakalason. Ang tamaan nito ay magiging kauri nila kaya kailangan nilang mag ingat upang hindi dumami ang kanilang papaslangin.

Nang makapasok sa kweba ang aking mga mandirigma nakita nila ang nakakulong na si Burzano. Agad itong nag paulan ng kanyang tinik mabuti na lamang at nakasanggala ang aking mga mandirigma.

Habang naka taas ang mga sanggala agad na nag pana ang mga nasa likuran. Agad nilang natamaan ang kalahating mga mata nito ngunit nag sunod sunod pa ang pag papaulan niya ng tinik.

May ilang mga natamaan at agad nilang pinaslang ang kanilang sarili. Lumipas ang isang oras ay dumadami na ang natatamaan ng mga tinik. Nais ko na sana silang tulungan ngunit pinigilan ako ni Rougen.

"Mahal naming Goddess Athena bigyan niyo ng lakas ng loob ang aking mga mandirigma." Dasal ko habang nakatingala.

" Prinsesa...." Sigaw sakin at agad akong nilagyan ng sanggala ni Rosa.

"Esnogranda ilayo mo na bahagya ang aming Prinsesa." Utos niya kaya agad akong inilayo ni Rougen.

Lumipas ang limang oras....

Sana matapos na ito kahit hindi kami manguna basta makaligtas lamang sila.

Bigla akong may narinig na sigawan sa loob at naglabasan na silang maligaya. Mula sa sampung libo kong mandirigma ay naging walong libo na lamang.

Agad akong pinuntahan ni Heneral Macario at Heneral Esmeralda upang ibigay sa akin ang isang redulata.

'Matapos paslangin ang Hiyopang Halimaw agad na bumalik sa bulwagan upang itaas ang bandila ng iyong Kaharian.'

"Rougen gabayan mo silang pabalik ng Crista. Pupunta lang ako ng Lanria." Habilin ko at agad kong minahika ang aking sarili pinuntahan ko ang aming bandila at itinaas ito.

Biglaang may sumabog na kulay pula sa kalangitan bilang simbolo na natapos na kami. Nang tignan ko ang ibang mga bandila ay hindi pa nakataas. Ibig sabihin kami ang nauna.

Mga ilang sandali pa ay dumating narin si Prinsesa Chamomile at masamang nakatingin sa akin at agad na tinaas ang bandila.

Sumunod naman si Prinsepe Altairio , mabuti binigyan pala silang kapangyarian makapag mahika ng mabilisan papunta rito sa Lanria.

Isa na lamang ang aming hinihintay bago pumasok sa bulwagan. Tatlong oras pang nakalipas at may pagod na pagod na tumakbong Prinsepe sa kanilang bandila.

Agad na kaming pumasok muli sa bulwagan. Tahimik lang kaming apat ng biglang nag salita si Prinsepe Altairio.

"Natagalan ka Prinsepe Hadario? Anong nangyari?"

Princess Of RubyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon