👑 Kabanata XI👑

59 18 0
                                    

👑👑👑

"Ina maaari po ba akong dumalo sa piging ni Prinsesa Emeri Lisa?" Marahang kong tanong kay Ina.

Hindi man siya nagulat. Ngumiti lang siya.

"Pang ilang tanong muna sa akin yan anak at matagal ka ng naipaalam sakin ni Prinsesa Emeri Lisa. Syempre naman anak papayagan kita isang karangalan iyon." At pinagpatuloy lang ni Ina pagkain niya.

Ang bilis lumipas ng mga araw miyerkules na kaya't nagpaalam ako kay Ina na lalabas muli. Mag kikita kami ni Princess Emeri Lisa may pupuntahan raw kami eh.

Pag ka kita ko sa kanya agad ko siyang binati.

"Ashta Clasha Prinsesa Emeri Lisa." Niyuko ko ang ulo ko bilang pag galang.

"Ashta Clasha Linda... Halika na marami pa tayong pupuntahan." Mahinhing sabi niya sakin.

Agad niya kaming minahika at nakarating kami sa ...

PALASYO ....

Agad akong lumuhod dahil nasa harapan ko ngayon ang unang Hari't Reyna ng Ruby Kingdom. Bakit kami nandto.

"Greto Prinsesa Emeri Lisa... Anong dahilan mo upang labagin kami? Kung hindi pa ako nagmahika sa iyong silid hindi ko pa malalamang impostor lang ang kausap ko." Bulyaw ni Reyna Camellia kay Princess Emeri Lisa.

Agad napaluha si Prinsesa Emeri Lisa at hindi alam ang gagawin. Pati ako ramdam ko ang sakit ng ganitong sitwasyon. Dahil ganito rin si Ina sa akin.

"Buwi mahal kong Ina at mahal kong Ama. Sasamahan ko lang po sana ang kaibigan ko sa bilihan ng kasuotan para sa aking piging. Siya nga pala si Linda Bonwar." At marahang akong itinuro ni Prinsesa Emeri Lisa.

"Ashta Reyna Camellia ...Ashta Haring Ibis. Buwi sa aking kalapastanganan maging kaibigan ang iyong mahal na anak." Kinakabahang sabi ko habang nakaluhod.

Bigla akong minahika ni Reyna Camellia napapikit na lamang ako.

"Ashta Linda Bonwar... Nagagalak akong makita ang anak ni Rafael at Serenity Bonwar ang dalawa sa napakagiting kong mga commander. At hesta ng aming mga opisyal. At ikaw ay isang lihim naming Elishna." Mahinahong wika ni Reyna Camellia na ikinagulat ko. Sila ay aking itisha napakaswerte naman ni Linda Bonwar.

"Lumapit ka nga sa amin Linda." Agad akong lumapit sa kanila at niyakap nila ako na ikinagulat ko.

"Dati'y sanggol ka pa lamang ng una ka naming nayakap ngunit ngayon ang laki mo na. Ang bilis ng panahon." At niyakap nila akong muli.

"Buwi Mahal kong mga magulang ngunit maaari ba akong magtanong? Siya rin ba yung sanggol na dala niyo noong ako'y 10 taong gulang?" Nalilitong tanong ni Prinsesa Emeri Lisa. Agad akong pinakawalan sa pagkakayakap nina Reyna Camellia at Haring Ibis.

"Tisha... Siya nga ang inakala mong iyong Hashna." At bahagyang humagikgik si Reyna Camellia.

Princess Of RubyWhere stories live. Discover now