👑 Kabanata XVIII 👑

44 15 0
                                    

👑👑👑

Ngayon ay nasa nisoa nanaman ako at kasama ko si Steven na nagpapana muli.

"Linda mas magaling ka na ata kesa sakin." Pabirong sabi niya.

" Bishna Steven mas malakas parin kayong mga lalake kesa sa akin." Mahinahong tugon ko syempre hindi ako sang ayon sa kanyang mga sinabi.

"Linda tumangkad ka rin ata?" Wika niyang muli.

Ano bang pinag sasabi niya?

" Usira Steven !?" Iritang tanong ko.

"Sapagkat dati'y nasa puso pa lamang kita ngayon nasa isipan na." Sabi niya habang nakatitig sa aking mga mata.

Parang biglang uminit ang aking mga pisngi. Bakit niya kasi kailangan sabihin pa ang mga iyon.

Lumipas ang mga araw, buwan at taon. Dumating narin ang pinakahihintay ko. Ang pumasok sa kampo ng mga scouts at mga nagsasanay upang maging scouts.

Linda Moriz muna ang pinang rehistro kong pangalan. Pinagamit muna sa akin ni Mamita ang kanyang apelido nung dalaga pa lamang siya.

Nakasuot ako ngayon ng itim na baluti bilang palatandaan na isa pa lamang akong baguhan sa kampo ng mga scouts. Dala dala ko ang isang katamtamang laking kustal ng aking mga gamit na binubuo ng mga huwego-de-anilyo , maong na pantalon, pulang kamiseta, botang itim at kulay kayumanggi, medyas, pangloob na kasuotan at ang baluti na bigay sakin ni Ina.

May kanya kanya kaming mga itinalagang mga kwarto. Apat na mag aaral na scout kada isang kwarto. Sana mababait mga kasama ko sa kwarto mga babae rin naman sila.

Nauna akong dumating sa ikatlong kwarto para sa mga babaeng mag aaral. Kaya't pinili ko ang babang higaan at inilagay na ang aking mga gamit.

Lalabas na sana ako ng biglaang nag pasukan ang mga kaedaran ko rin mga babae.

"Costa" bati ko sa kanila.

Nginitian nila ako at sinabihang "Costa."

"Ako si Acacia" sabi nung matangkad at maikli ang kanyang buhok.

"Ako si Molave" sabi naman nung mahabang buhok na kasing tangkad ni Acacia.

"Kambal kayo?" Agad kong tanong halata kasi sa kanilang mukha na magkawangis talaga kung hindi dahil sa buhok maari namin silang mapagbaliktad.

"Tisha." Tugon ni Acacia.

"Ako naman si Synthia" sabi nung isa pa nilang kasama kayumanggi ang kanyang balat ngunit batid ko sa kanyang kutis na mula siya sa mayamang pamilya at tulad ko panigurado iniba lang rin ang kanyang apelido.

Pati tindig niya'y tuwid rin at pamilyar rin ang kanyang mukha.

"Maaari ba akong lumugar sa itaas ng iyong higaan?" Mahinahon niyang sabi.

" Tisha." Simpleng tugon ko.

Makalipas ang isang oras biglang bumatingaw ang maliit na kampana. Tapos narin kami mag ayos ng aming mga gamit.

Biglang may tumunog ng malakas na tambuli at sinundan ng sigaw ng aming commander.

"SCOOOUUUUUUTTTTSSSS"

"DUUUUMMMMBAAAAA"

Agad kaming lumabas sa aming mga silid at luminya sa labas.

Pagkatapos tumunog ng tambuli yumuko na kaming lahat at inilagay ang kanang kamao sa tapat ng aming puso.

"Lenta... Pulna..." Matalim na sabi ng aming babaeng commander.

"Ako si Commander Alexandra. Kilala ko kayong lahat kahit saan man kayo nanggaling ay balewala lang dito sa kampo. Kayo ang pumili na maging scout na paglingkuran at protektahan ang ating Kaharian, ang ating Kontinente at ang ating mga pinuno. Ang iba sa inyo ay sasama sa digmaan, ang iba'y magiging tagapag bantay ng ating Kaharian at ang iba'y magiging bantay sa palasyo. Ano mang balak ninyong tahakin siguraduhin niyong makakapasa kayo sa mga pagsusulit at makakapagtapos bilang scouts. Bukod sa pagsasanay sa pisikal na labanan pati ang inyong utak ay sasanayin rin. Dahil sa bawat laban pag inuna ang laman ng puso tiyak na ikakapahamak mo lang ito. Kung mahina kayo mabuti pang umalis na agad kayo ngayon din. Hindi kayo makakakain ng tatlong araw kaya't sinasabihan ko na kayo agad." Pag kasabi ni Commander nun mula sa sampung kwarto na tig aapat na mag aaral ay naging anim na kwarto na lamang ang puno.

"Kayong mga natira sigurado na ba kayong kakayanin niyong tumira sa isang isla na tanging ang sarili niyo lang ang laman? Maari pa kayong umalis habang maaga pa." Dagdag ulit ni Commander Alexandra.

Nakatayo parin kami ng tuwid ng mga kasama ko. Na tila wala kaming naririnig na pagbabanta. Mula sa sampung grupo naging limang grupo na limang kami.

"Sa limang grupong natira. Osina..." Utos ni Commander Alexandra.

Nasa tapat kami ngayon ng gusaling pinagtutuluyan namin na mayroong napakalaking bandera ng scouts ng Ruby Kingdom. Nasilayan ko na ito sa tatak ng uniporme ni Ama at yung sumundo sa kanya noon sa bahay.

"Buong araw kayong ibibilad diyan sa harapan ng gusaling ito. Sa mga mahihina maari na kayong umalis. Tandaan niyo isa lang ang sumuko sa grupo niyo lahat kayo aalis." Pag babanta ulit ni Commander Alexandra.

Medyo kinabahan ako doon kakayanin ko ba iyon? Buong araw na nakabilad? Syempre kakayanin ito ang kailangan malagpasan para maging ganap na mag aaral na scout.

Walang kumilos ninuman sa limang grupo. Mas tumirik pa ang araw at pakiramdam ko sinusunog na ang aking mga balat kailangan naming tiisin ito para sa aming mga mithiin.

Limang oras pang nakalipas at tila namanhid na ang buo kong katawan at sobra ng init pero tiniis ko.. Tiniis namin ng grupo ko.

Bigla na lamang kaming napalingon sa kaliwang grupo sa likod namin may dalawang babae na ang nahimatay? O namatay na?

Seryoso sa sobrang init na ng katawan namin maaari na namin ikamatay. Apat na grupo na lamang ang natira. Mabuti na lamang at biglang humangin ng malamig at tila nawala ang init na nararamdaman ko.

Dalawang oras pang nakalipas at hapon na. Bigla na lamang bumuhos ang ulan ngunit hindi parin kami umaalis sa pwesto namin dahil wala paring mando samin si Commander Alexandra.

Sa pagpatak ng ulan ay nagpaginhawa sa aking mga balat na nasunog na sa sikat ng araw kanina. Para kaming mga apoy na sinabuyan ng tubig dahil ramdam namin ang maiinit na usok na lumalabas sa aming mga katawan nababad sa init.

Siguro'y alam talaga ng aming mga commander na uulan kaya't binilad nila kaming lahat dahil pansin namin sa kabilang gusali ang mga lalake na nakabilad rin at ang tatatag ng kanilang mga katawan wala man lang napahandusay sa kanila talagang pang digma nga ang mga lalake.

Teka-- si Steven kaya natuloy pumasok sa scouts?

Bakit ko ba siya inaalala?
Napasapo nalang ako sa noo ko at agad ng tinginan ang tatlo kong kagrupo na tila takot na takot.

"Maayos lang ako huwag kayong mag alala may naisip lang akong kaibigan." Sabi ko.

Nag ngitian sila ng nakakaloko. Napailing na lamang ako.

Parang hinanap ko tuloy ang presensya ni Steven. Teka-- mali ito misyon muna ang dapat kong asikasuhin.

Lalo pa at sisimulan ko na ito ngayon.

👑👑👑

Ps. Hope you enjoy mga kaberries... Don't forget to press the orange star. Muahhh

06-12-2020
Lovelovelove ♥️
_CJoyBerries_

Princess Of RubyWhere stories live. Discover now